Chapter 34

364 25 4
                                    

Chapter 34: Love


Hinila ko na siya pabalik sa mga dinaanan namin, nagpatangay naman siya at kahit malamig ang hangin, basta hawak ko ang malaki at mainit niyang kamay, ayos na ang pakiramdam ko.

"Saan mo ba ako dadalhin? At saan ang tamang daan na 'yan?" tanong niya na paulit ulit.

Niliko ko siya sa may Parke ng Casa. Sarado na ang mga tindahan ngunit may mga lamp post naman na gumagabay sa makitid na daan papunta sa mismong parke.

"Anong gagawin natin dito?" he asked once again with hoarse voice.

"Dito ka nalang umiyak... kasama ko," sambit ko.

"Bakit? Iiyak ka rin?"

I sighed. "I'll be your crying shoulder, Brandean. 'Yun lang 'yon. Stop being sarcastic..."

"Malay ko ba..." he murmured.

Umupo kami sa isang bench na malayo sa liwanag. Doon ko palang siya binitawan. Tumingala siya kaya ganoon din ang ginawa ko. May arko pa na gawa sa damo sa taas ng inuupuan namin. Animo'y special ang bawat uupo rito kasi may arko pa.

Sumandal siya. Sinandal ang ulo, pumikit, at lumunok. Napatitig ako sa adam's apple niya na maya't maya ang pag-alon. Napadilat siya kaya nag-iwas ako ng tingin. Nilagay niya ang braso sa likod ko kaya iyon ang nasandalan ko.

"You said you'll be my crying shoulder?" he whispered.

"Hindi ka na naman umiiyak eh," dahilan ko sabay singhap.

"Kung ganoon, kausapin mo nalang ako para gumaan ang pakiramdam ko..." patuloy niya.

"I don't know how to comfort,"

He laughed. Kahit ang pagtawa niya ay paos at malalim ang boses. Ganoon siguro kapag kagagaling sa iyak.

"Hindi ko naman sinabi na i-comfort mo ako, baka kapag ginawa mo 'yan mabaliw pa lalo ako sa'yo. Kausapin mo lang ako. Tell me everything..." he clarified. Umusod siya so nadikit ako sa katawan niya.

Hindi ko naman siya malingon lingon, diretso lang ang tingin ko sa kung saan.

"A-Ano naman ang sasabihin ko? About your family? Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Dad? Sila ang dapat na magpaliwanag. 'Yun ay kung papayagan mo silang makausap ka---"

"Ba't naman hindi?" putol niya.

Doon ko siya nilingon. Nakatingin na agad siya sa akin. Naging singkit pa ang nga mata niya at benefits ata 'yon pagkatapos umiyak. Hindi na tuloy siya leon...fox na.

"You're not mad? I-I mean wala namang nagsasabi na kagalitan mo sila dahil sa ginawa nila sa'yo pero... Hindi ka talaga nagtampo? Tinago nila ang katotohanan sa'yo, Brandean," seryoso kong sabi.

While him, just staring at my lips while I was talking.

"Pero hindi ko pa naririnig ang paliwanag nila, Parrish. Ginawa nila 'yon kasi may dahilan. At 'yon ang hinihintay ko bago ako mag-react. Nga lang, hindi ko napigilan kanina kasi siyempre gulat na gulat ako. Lalo pa noong sinabi na may kapatid akong babae..." he smirked at the last words.

"Her name is Viny..." I informed.

He looked at me. "Tell me about her,"

I sighed. "Well, she's pretty and cute little girl. Madaldal at makulit din kaya nga nagkasundo kami. And for sure, mamahalin ka rin n'ya kasi..."

"Kasi ikaw nga na madaldal, magulo, at makulit ay minahal ako?" dugtong niya na 'di ko inasahan.

Nanatili tuloy na nakanganga ang labi ko.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Where stories live. Discover now