Chapter 22

324 14 0
                                    

Chapter 22: Discover

"Hindi na. Kailangan ko na rin kasing bumalik agad," palusot ko at pupunta na sana sa pinto but he blocked the way.

Kaharap ko na tuloy ang hubad niyang katawan pero sa mga mata niya tumingin. Ito na naman siya sa mga mata niyang tuwang tuwa at makikitaan mo ng amusement.

"Talaga? Ano naman ang gagawin mo kung ganoon?" tanong niya, sa himig niya ay parang hindi siya naniniwala sa palusot ko at sa magiging sagot ko sa tanong niya.

"U-Uhm. Magbabalot ng regalo?" puta, hindi pa ako sigurado roon ah!

Ngumisi tuloy siya at tumango, kunwari naniniwala.

"Kailan ka pa natutong magbalot ng regalo?"

Napakurap-kurap ako sa hindi ko inaasahang buwelta n'ya.

"N-Nito lang. Tinuruan ako ni Mommy para matulungan ko siyang magbalot ng gifts para sa mga orphans," ha! Akala ko mo wala akong mahahanap na dahilan ah!

Tumango muli siya pero naiirita ako kasi parang hindi talaga siya naniniwala at kabaligtaran ang kahulugan ng pagtango niyang iyon.

"Oh really? Hindi ata kita nakita sa warehouse last monday? Nandoon kasi ako eh, tumutulong din magbalot ng regalo..." he divulged. Humawak pa siya sa baba niya at napatingin sa kisame na akala mo nag-iisip talaga at may inaalala.

I sighed aggressively. "We'll wrap---"

"Tumigil ka na sa paggawa ng palusot. Iniiwasan mo ba ako?" agap niya. Binuksan niya na ang wooden cabinet n'ya and I saw that he get his color black underwear.

Gumilid tuloy ako nang upo dahil hindi niya ba naisip na nagbibihis siya sa harap ko?! We're guys, yes. Pero ang pangit tignan na nagbibihis siya sa harap ko. Nakita na naman niya ang reaksyon ko kaya muli siyang ngumisi.

"Hindi. Bakit ko naman gagawin 'yon? I need to go to give you some privacy. Hindi ka ba nahihiya!? Nagbibihis ka nang nandito ako?"

Tinanggal niya na ang tuwalya so I looked away and sighed.

"Why? Pareho naman tayong lalaki, di'ba? Gusto mo sayawan pa kita eh," he chortled and my lips parted from what he just said!

Like what the hell in earth?!

"You're not straight, remember? At siyaka anong sayawan? Ano ka? Macho dancer? Ang landi mo!" bulyaw ko.

Mas lumakas pa lalo ang tawa niya na nag echo sa maliit niyang kuwarto. Nakasuot na siya ngayon ng sweatpants at nasa likod niya ako kaya nakita ko kung gaano katambok ang kaniyang puwet. So he has that american butt, huh?

"Anong malandi? Brotherhood ang tawag do'n,"  dahilan pa niya na nakakaloko.

"Anong brotherhood eh hindi naman kita kaibigan? At mas lalong hindi kita kapatid!" giit ko.

But the way my parents treat him, it feels like he's my brother but it's weird so no.

"Yup. Pero sa circles of friends naming mga lalaki? May mga landian din pero purong kalokohan lang ang mga 'yon. Katuwaan lang, kumbaga." dagdag niya pa na magpapatibay sa sinasabi niyang 'brotherhood'

Hindi ko gets 'yon. O baka sadyang hindi lang ako super duper close sa mga kaibigan ko sa Maynila. Pero bakit kami ni Felix at ng ilan kong tropa? Kiskisan lang ng ulo, guluhan ng buhok, at hampasan sa batok o braso ang harutan. Grabe naman ang kanila!?

"Weird. Siyaka, hindi ka nga sabi straight di'ba? O baka pakulo mo lang 'yon sa akin?" I crossed my arms and raised my brow.

Naglaho ang ngisi niya, lumitaw ang seryosong mukha na naman.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon