Chapter 33

327 20 3
                                    

Chapter 33: Truth


"Masakit pa rin ba ang tiyan mo? Bakit parang nasasaktan ka pa rin?" si Felix sa aking tabi na hindi ako iniwan.

Bumangon na ako. Inalalayan niya naman ako at inabot sa aking ang isang basong tubig. Tapos na akong uminom ng gamot at umidlip na rin.

"Mga kalahating oras ka nakatulog pagkatapos uminom ng gamot. Masakit pa ba?" tanong nito.

"Oo. Pero bakit hindi ka bumalik sa classroom at binantayan mo pa ako? Yung totoo, gusto mo lang 'wag pumasok kaya mo ako binatayan no?" utas ko.

Ngumiwi ito sa akin. Nayamot ata sa akala ko. "Hindi ko naman gagawin sa'yo 'yan, pre! Talagang gusto kitang bantayan at hindi ito isang excuse lang. Siyempre mahal na mahal kita, pre!"

"I'm just joking but thank you anyway. W-Wala na naman masakit sa akin... Ano lang... U-Uhm... " ang puso dahil hindi niya pinansin.

Sa ganitong sitwasyon pa talaga na siguro kung nangyari ito noon, siya ang magdadala sa akin at magbabantay.

But he's hurting! May pride din naman yung tao so ano itong dina-drama ko? I'm not dramatic din naman so why bother.

"Bili kita tinapay para magkaroon ulit ng laman ang tiyan mo." paalam ni Felix.

"Sige. Thank you, pre. Love you..." I smirked. Nag flying kiss pa ito bago lumabas kaya tumawa ako.

"Uy, Brandean!" bumangon agad ako nang marinig si Felix.

Nasa corridor palang siya dahil kakalabas at mukhang nakasalubong pa si Brandean.

"Oy! H-Hi!" Brandean's hesitate voice.

"Pupuntahan mo si Parrish? Sakto gising na siya!"

"A-Ah. Hindi, napadaan lang ako, " Brandean chortled.

Padabog akong humiga matapos marinig ang sagot niya. Dapat pala hindi nalang ako nakinig pero bakit diyan pa kasi talaga sa corridor siya nakasalubong ni Felix.

As the days passed by, it were all the same. Naging parte na ata ang tignan ko siya tuwing lunch break. At kapag nakakasalubong ko naman siya ay ngumingiti ako ngunit siya ay hanggang taas lang kilay tapos siyaka ako lalagpasan.

"I can't believe we're now graduating!" excited si Felix sa aming toga picture.

"Yeah. Saang university ka magco-college?" I asked him.

We're on our way to the function room. Marami rin ang naglalakad papunta roon dahil doon kami kukuhanan ng litrato.

"Ayaw ko sanang iwan ka, pre. Pero sa Maynila na ako eh." he answered sadly.

"Woah! Really?!" now I become more excited.

Kumunot ang noo niya. "Bakit parang gustong gusto mo pa na iwan kita? Ayaw mo na ba akong kaibigan?" he muttered.

Inakbayan ko ito sabay gulo sa buhok niya. "Good choice kasi sa Maynila rin ako!" napalakas ang boses ko.

He gave me a shock reaction but then he hugged me and tapped my back. And we both hooted while jumping.

"Dahil diyan, pasan mo ako!" agad akong pumasan sa kaniya at tinakbo na namin ang campus habang nagtatawanan.

Nabangga nga lang kami kay Brandean na muntik pa kaming tumilapon sa sahig. Iritado tuloy kaming nilingon ng leon lalo pa't nakapasan pa rin ako kay Felix at nakakapit nang mahigpit. Bumaba na tuloy ako.

"Sorry, Brandean..." nahihiyang paumanhin ni Felix.

"Nasa school kayo, wala sa playground kaya wala kayo sa lugar para maglaro." he reprimanded.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant