Chapter 19

345 21 0
                                    

Chapter 19: Help

Oh really? But it was very obvious though. Ramdam ko rin na iyon nga ang gusto niyang ipahiwatig kanina pa. Gusto ko rin naman agad siyang batiin kaso may pumipigil lang sa akin.

But why my greeting is big deal to him? Wala siyang pakialam sa akin, hindi ba? As far a I could remember, he hate me so much so why in earth my greeting was that special to him.

"Umuwi na nga tayo," sagot ko nalang sa sinabi niya.

Aangkas na sana ako pero iniwas niya ang bisikleta. Nagdilim tuloy ang tingin ko sa kaniya kasi muntik pa akong maupo sa sahig!

Natawa tuloy siya at ginawa pa ngang katatawanan ang muntik kong paghulog. Nairita tuloy ako at tinalikuran siya pero hinawakan niya na agad ang palapulsuhan ko.

"Sorry na, 'wag muna kasi tayong umuwi... " he uttered softly.

Teka, tono iyon ng isang nanunuyo ah? Sinusuyo niya ba ako?! Hinawi ko tuloy ang kamay niya kaya mas lalo siyang ngumisi.

"At saan tayo pupunta? Kita mo ba na natuyuan na ako ng pawis at amoy pawis na ako. In short, I'm dugyot na kaya umuwi na tayo!" pagmamatigas ko.

Ngumuso siya at sinuri ang katawan ko. "You still looks fresh and neat, Parrish. At siyaka..." he stepped forward to me and my eyes widened nang nilapit niya ang ilong sa leeg ko para amuyin iyon! "Mabango ka pa rin naman..." he then muttered under my ear.

Napalunok ako at hindi agad nakabawi pero naitulak naman siya nang marahan nang makabawi and when I regained my posture.

"Ano ba!" reklamo ko.

"Tara na. Ang pagsama mo nalang sa akin ang regalo mo. Please?" he insisted.

I sighed and almost rolled my eyes in the air. Nagrereklamo na siguro ang hangin sa akin dahil siya ang laging naiiripan ko.

"I can't believe you," I mumbled to myself pero umangkas na rin at pumayag na sa kagustuhan niya.

Sa tuwing umaangkas ako sa kaniya, hindi ako yumayakap kahit siya na mismo ang nagsabi na yumakap ako, kumakapit nalang ako sa uniporme niya na akala mo'y isang batang paslit.

Dinala niya na naman ako sa isang mahabang kalye na marami ang tao. Nakahilera ang iba't ibang food stalls. Kumpara sa iskinita doon sa malapit sa CHS sa kung saan may samu't saring finger foods or street foods, basically. Dito ay assorted na ang mga tinda.

Hindi niya pinasok ang bisikleta dahil masikip nga naman. Naglakad na kami papasok at marami na agad mata ang napatingin sa amin. Kung hindi kay Brandean, sa akin naman.

Pinapili niya ako and I chose to eat hotdog sandwich so that's our first stop. Doon ko rin napagtanto na nagugutom pala ako kaya wala pang dalawang minuto ubos ko na ang footlong na sakto namang pagtunog ng cellphone ko.

"Mom?" I answered.

"Parrish, kasama mo ba si Brandean? I tried to dial his number to greet him but he was out of reach," pambungad nito.

Tinignan ko tuloy si Brandean na kanina pa pala nakatingin sa akin while eating.

"Kasama ko po,"

"Really? Then can you give him the phone?"

Inabot ko ang cellphone ko sa kaniya. Uminom na ako ng palamig dahil tapos na rin namang kumain. Kausap ni Brandean si Mommy at ako ay natatakam pa rin.

Bumaba nga lang ang tingin ko sa bangka nang ilapag ni Brandean ang kalahati ng kinakain niya. Nakita niya ata na hindi pa ako satisfied kaya binigay niya sa akin ang half. Kinain ko na rin naman agad habang pinapanood siya.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Where stories live. Discover now