Chapter 30

353 21 0
                                    

Chapter 30: Worried

"Imposible ang sinasabi mo!" nagawa ko pang tumaliwas kahit maging ako ay nagtataka na sa nararamdaman at kinikilos.

He smirked more like what I said is out of this world and pure lie.

"Imposible rin na kay Isabela ka hulog na hulog kasi bakit ganyan ka mag-react ka eh kailan mo ba nagustuhan si Isabela? Noong nagpasukan lang, di'ba? Pero bakit yung ekspresyon mo ngayon ay parang galit na galit ka at iritado dahil inagaw ang taong matagal mo nang gusto?" he asserted.

And it felt like my mouth automatically zipped.

"Hindi ka naman ganiyan klaseng magkagusto di'ba? So why bother me and get mad at me? Ano ngayon kung may relasyon kami ni Isabela?" he took my silence to speak more.

Humakbang siya palapit. Hindi ako nakaatras at kung hindi niya pa hinawakan ang palapulsuhan ko ay baka natumba ako.

"S-So kayo na nga?" I asked once more for confirmation.

"Bakit? Nagseselos ka? And it's not because I stole her from you but instead, Isabela stole me from you?" he boasted and smirked.

Marahan ko siyang tinulak. "Masyado kang assumero! Sinugod kita r-rito kasi inagaw mo si Isabela sa'kin! 'Yun ang totoo at hindi yang mga pinagsasabi mo! I'll prove that to you, delusional!" I shouted right in front of his face.

Tinabig ko siya at naglakad na palayo.

"Yeah, prove it to me, Parrish! Para hindi ako nalilito at nagiging delusional!" pahabol niyang sigaw.

Mabibigat ang aking paghinga pagdating sa aking kuwarto. May kung anong nakaapekto sa damdamin ko gamit ang mga sinabi niya kanina. Ngayon ay binabagabag ako ng sariling damdamin pero ipipilit ko pa rin na si Isabela ang gusto ko at nagalit ako kasi naunahan niya ako at hindi yung kabaligtaran! That's impossible!

The following days... Hindi kami nagpansinan. Pinagpatuloy niya ang pagiging suplado at snob sa akin at ganoon din ang ginagawa ko sa kaniya. We passed by like we didn't know each other. Ganoon ang mga nangyari sa nagdaang araw sa eskwela.

"Sa sabado sure na raw talaga! Last time kasi nagpuntahan mga relatives niya kaya hindi natuloy ang inuman!" balita ni Felix sa akin.

"Huy, Parrish!" sinipa niya ang sapatos ko dahil iritado akong nakatingin sa kung nasaan si Brandean kasama ang mga kaklase niya. Nandoon pa si Isabela at nagtatawanan sila.

Alam niyang nakatingin ako kaya hindi siya tumitingin sa banda ko pero pinigilan ko na ang sariling huwag siyang tignan dahil para akong tigreng nagpapansin pa. Ano na naman ang isipin niya! If he's cold, then be cold! Wala dapat akong pake gaya ng dati!

"Kahapon nagbigay na naman si Brandean ng bulaklak kay Isabela ah?" ani Felix, nakatingin na rin siya sa tinititigan ko kanina kaya siya naman ang sinipa ko.

"Wala akong pake. Maghihiwalay din 'yan," singhap ko.

Naiirita ako kasi hanggang ngayon parang may mali pa rin akong nararamdaman. Ayaw ko ng ganito. Lagi akong ginugulo at pinag-iisip kung bakit ganito ang pakiramdam ko eh marami akong nagustuhan na mga babae at kapag alam kong may nauna na sa akin, hindi naman ako nagagalit at nagpapalit agad ng gusto. Pero marahil, galit lang talaga ako kay Brandean kasi lahat nalang kinukuha niya. Oo, iyon lang 'yun.

Mabuti nalang may dadaluhan akong inuman nang sumapit ang sabado. Sa isang bar lang kami na libre ng kaibigan kong mayaman. This is my first time in a bar after two years!

The upbeat music is in the air and the laughter, chattering, and hooting, are everywhere! I really miss the hype of the bar.

"Nakita ko mga stem students! Nasa kabilang table mukhang may ni-treat din sila ng may birthday!" bahagi ni Hans, ang rich birthday boy.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Where stories live. Discover now