Chapter 24

297 16 0
                                    

Chapter 24: Shield

Paulit ulit na ni-play ni Felix ang video. Ganoon din ang mga pictures na napapatulala nalang ako sa tuwing makikita iyon. Sa video kasi, makikita mo talaga ang proseso kung paano ang paggamit ng shabu.

Parang tutorial lang sa YouTube? Maganda rin kasi ang anggulo ni Felix kahit halatang nagtatago siya at animo'y secret camera ang cellphone niya. Sa mga pictures naman ay makikita mo pa na ngumingiti ngiti pa sila habang humihithit. Nag-iwas ako ng tingin nang ilipat niya ang litrato. Hindi ko kasi masikmura iyon.

It was a picture of them making fun with an only girl. I couldn't bare staring or even a glance on that sensitive photo. Sobrang baboy nila, hindi na sila tao. Mas malala na sila sa hayop at halimaw. They're monsters wandering around the catholic school. Ang lakas manaway ng presidente siya pala itong puro kababuyan ang ginagawa.

"Tayong tatlo lang ang nakakaalam, di'ba?" tanong ko rito.

"Hindi. Sinabi na rin ni Brandean sa ibang officers ng student council tutal malapit na rin ipaalam. Nakahanda na lahat ng ebidensya," paliwang nito.

I sighed. Mabuti naman kung ganoon. Hindi kasi ako kumportable na may gumagala ditong adik. Mga estudyante palang pero ganoon na ang ginagawa. Hindi ko ipagkukumpara ang sarili ko sa kanila dahil malayong malayo ako. I am a trouble maker, hard-headed, stubborn, and rude. That's all! I'm not addict with bad habits.

Lumipas pa ang dalawang araw. Hanga ako sa talento nitong si Felix dahil sa tuwing dadaan ang grupo ng mga adik ay hindi siya tumitingin at akala mo'y walang alam at isang inosente lang na estudyante. Ako ay pasimple lang silang sinusulyapan katulad nalang ngayong recess na dumaan sila sa gilid namin.

Kumunot ang noo ko nang makita ang presidente na palihim na may nilagay sa bulsa ng kasama niya. Hindi malabo ang mata ko kaya kitang kita ko kung ano 'yun. Mapagkakamalan mong asukal o asin pero droga iyon. May paraan siguro sila para maitago ito sa tuwing tinitignan ng guard ang mga bag namin.

"Felix tignan mo oh may nilagay---" siniko ako ni Felix kaya natigil na ako sa pagsasalita.

Kasama nga pala namin ang ibang kaibigan at wala silang alam. Nanatili naman ang tingin ko sa grupo nila. Magkakatinginan na sana kami ng presidente na 'yon pero hinawakan na ni Felix ang panga ko at iniharap ito sa kaniya.

Dalawang palad niya pa ang nakahawak sa panga ko para hindi na muling malihis ang tingin ko sa lamesa nila. Nagulat ako pero natauhan din kung bakit niya ginawa iyon.

"Wag mo na sabing pansinin..." mahinang sabi nito. Napipiga niya na ang ulo ko!

Tinignan niya ang mga kaibigan ko na tumatawa na ngayon.

"Anong gagawin mo, Felix? Hahalikan si Parrish? Puta kinikilig ako!" they blathered and teased us.

"A-Ah! Sobrang guwapo kasi nito ni Parrish. Tinignan ko lang ang mapula at malambot niyang labi kasi sarap nitong halikan eh! Pa-kiss nga, pre!" Felix blabbered to sugarcoat his real motive.

Ngumisi ako at sinakyan na rin ang palusot niya.

"Anong ginagawa n'yo?" sabay sabay kaming napalingon kay Brandean.

Nasa likod na namin siya ni Felix. Iritadong nakatingin kay Felix tapos sa akin din. Ang ganda ganda ng araw tapos siya busangot ang mukha? Tinanggal na tuloy ni Felix ang dalawang kamay niya sa panga ko at umayos na kaming lahat.

"U-Uhm. Wala naghaharutan lang. Like what you said? Ano 'yon? Brandeanhood? Ay brotherhood pala!" palusot ko sabay inom ng juice.

"Oo nga. Harutan lang. Paliwanag ko sa'yo mamaya Brandean," si Felix na biglang nagseryoso.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Where stories live. Discover now