Chapter 9

332 20 1
                                    

Chapter 9: Meddle

Anong walang interes? Tinamaan ako roon ah. Parang pinagdidikdikan niya talaga na wala akong kuwentang anak.

"Sige, Felix. Guys, bukas nalang..." bigo kong sambit sa mga kaibigan.

"Osige. Bukas ah! Tara na!" sila Felix at umalis na.

Nagkatinginan kami ni Brandean. Mariin niya akong tinitignan kaya halos irapan ko siya at naglakad na.

"Susunduin ba tayo ng driver?" tanong ko, mabigat ang dibdib sa di malamang dahilan.

Nakasunod siya sa likod ko, "Hindi. Aangkas ka sa akin,"

Hinarap ko na siya nagsasalita palang siya.

"Ano? Bakit?"

He sighed. "Busy sila. Bakit pa kung puwede ka naman sumabay sa akin---"

"Pero trabaho nila 'yun. Hindi mo puwedeng idahilan na busy sila kasi iyon ang trabaho nila---"

"Ngayon lang naman," he answered calmly and he stepped forward.

"No!" umatras ako. "I want the SUV! Not your..." nilingon ko ang bisikleta niya na maayos naman at mukhang mahal pero hindi ko na inisip pa 'yon. "Cheap bicycle," I added.

He breathe out. Yumuko siya at pinikit ang mata and when he looked at me, his eyes are showing tiredness and drowsiness. Marami ata siyang ginawa ngayong araw pero kung ganoon naman pala ang nangyari sa araw niya bakit niya pa ako iniintindi? His affirmation is really adamant despite his exhausting day he still into it. He truly respect my parents, huh?

"Come on, Parrish. 'Wag ka nang makulit puwede?" aniya na himala at kalmado ang boses niya o pinipilit lang?

"Puwedeng puwede kang umalis at iwanan ako. Bakit mo pa ako iniintindi?" tanong ko.

"Ngayon lang naman. And I'm sorry for bothering you everyday but you know what I mean right? At ngayon, ginagawa ko lang ito para... para kay Tita Leonides. So she won't be mad and sad," tugon niya.

"Sipsip ka talaga kay Mommy. Let's just go..." untag ko.

Nakarating kami nang payapa sa mansion. Nandoon na nga si Mommy. Maingay sa sala dahil nandoon din ang mga Tito at Tita ko for a celebration. They're now holding their wine and champagne. Sa tuwing may selebrasyon, pinipili na lamang ng pamilya namin na magsama sama at kumain ng lutong bahay imbes na sa restaurant. Mom is really fond with that concept.

"Parrish! Brandean!" si Mom nang makita kami.

I smirked at her then kissed her on the cheek. "Congratulations, Mom. You deserve it," I congratulated.

Mom caressed my back. "Thank you, anak. Sabi ko na nga ba at hindi mo ito makakalimutan. Taliwas sa sinasabi ng Daddy mo," aniya.

I bit my lip. So this is what Brandean pointing? I felt so guilty because... I forgot. Hindi naman talaga pumasok sa isipan ko ang tagumpay ng mga magulang ko. Kahit laman sila ng tabloids and such. Kung hindi lang ipaalala ni Brandean ay baka wala ako ngayon dito. Hindi ko mababati si Mommy na for sure makokonsensya ako kung hindi ako umuwi agad. But it doesn't mean na grateful ako kay Brandean.

"Congratulations, Tita. Your movie was such a great one. Unique plot, and your acting was superb." si Brandean kaya mas lumaki ang ngiti ni Mommy.

Ang haba ng sinabi ah? Hindi halata na sipsip talaga. Shut up, Parrish. Hindi mo lang kasi pinanood ang movie ng sarili mong ina pero kahit na! Sipsip pa rin siya at pasikat sa mga magulang ko.

"Thank you so much, hijo!" mommy said with her grateful heart. Hinaplos niya pa ang pisngi ni Brandean na akala ko sa aming dalawa lang ng kapatid ko niya ginagawa. Pati pala sa kaniya.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Kde žijí příběhy. Začni objevovat