Chapter 3

385 26 3
                                    

Chapter 3: Life


"Fuck you, really..." I muttered angrily then I ride to the bike and followed him.

Maling desisyon talaga ang makisama pa sa kaniya. Lahat nalang ng sinasabi ko, may pambara siya. Lahat nalang ng ginagawa ko, may nasasabi siya at napupuna. Unti unti na akong naniniwala na hindi talaga madaling mapasunod ang Brandean na ito. Ibang iba siya sa mga nakikilala kong tao sa Maynila. He's 0 untamed! And it pisses me more!

I followed him grudgingly. Tapos na naman kami sa pag tour sa barangay na ito kaya pabalik na kami ng mansion. Kaya ang ginawa ko, inunahan ko na siya! Binilisan ko ang padyak ng bisikletang hindi ko alam kung kanino o maaaring sa kaniya pa ito!

"Hey! Dahan dahan baka yung kadena---" nagsasalita palang siya ay nararamdaman ko nang gumagaan ang padyak ko!

Nalagpasan ko na siya pero siya namang pagtanggal ng kadena na sumemplang pa ako!

"Tangina! Ahhh!" I screamed because of so much frustration and irritation.

Mabilis naman siyang huminto at dumalo sa akin. Akala ko ba naman, ako agad ang tutulungan niya pero mas nauna niyang tignan ang bisikleta! Lumuhod siya sa tapat ng bisikleta at pagkatapos niyang suriin iyon, tinignan niya ako. Nagtaas ako ng kilay sa kaniya at pinakita ang sitwasyon ko para sana magpahiwatig ng tulong pero...

"Hindi ka ba marunong tumayo?" he bantered the pisses me off so much!

I swallowed hard. He's right. May kaunting galos lang naman ako pero hindi ako napuruhan so kaya kong tumayo. Bakit ba kasi ako umasa pa na tutulungan ako ng gagong 'to!

"Kanino ba ang bulok na bike na 'yan?" tanong ko habang pinapagpag ang damit pati ang kamay dahil nadumihan. Natukod ko naman agad ang paa bago tumumba kaya isang galos lang sa siko ang natamo ko.

"Sa akin. Alam mo na palang bulok, bakit mo pa binilisan na parang mamahaling bike ang gamit mo?" masungit niyang sagot. Siya na ang nag angat ng bike.

I sighed boredly. "Sinabi ko bang iyan ang ipagamit mo sa akin?" I bellowed.

Iritado siyang suminghap. Galit niya akong tinignan. Nagsalubong ang makapal niyang kilay at may kamukha siyang bida sa pinapanood kong spanish series. But it's not the time to compliment him! And my praises are expensive even him couldn't afford so why the hell I'm praising him in my mind? His handsomeness is one of a kind, yes! But he's far away from me! I'm more handsome.

"Papayag ka bang maglakad?" buwelta niya.

Natikom ko ang bibig. Hindi siyempre! Pero hindi ko naman kasalanan dahil hindi ko alam na may deperensya pala ang kadena!

"Pabayaran mo nalang kay Daddy. Baka kasi gusto mo lang akong pagbayarin ang dami mo pang sinabi---"

"Shut up. You think so trashy and immaturely. Pasalamat ka at mahaba ang pasensya ko sa mga taong katulad mo!" untag niya na nagpagulantang sa akin.

Napalunok ako at napakurap. Nanginig ang panga at kalamnan dahil na naman sa mga patutsada niya.

Dahil na naman sa pag-usbong ng panibagong galit at pagkainsulto, kinuwelyuhan ko na naman siya at hindi na siya nagulat doon. Mas matangkad siya sa akin at hindi ko gusto ang ngisi at mababang tingin niya sa akin!

"You're bullshit." umamba akong sasapak pero amba lang ang nagawa ko. Parang may malakas na enerhiya ang pumigil sa akin kaya nanghina ako.

He grabbed my fist and he intentionally punched his chest by my own fist.

"Now what? Want to punch me? Sige! Sapak! Sapakin mo ako!" hamon niya.

I gritted my teeth. Bayolente kong binawi ang kamao ko sa kaniya kaya natawa siya.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Where stories live. Discover now