Chapter 27

338 21 0
                                    

Chapter 27: Kiss

"Mga bata! Ano ginagawa n'yo sa mga Kuyas niyo?" saway ng isang staff na palapit na sa amin.

I detached my lips from his with still a schock expression. Ganoon rin siya. Umalis na ang mga bata na nakapatong sa amin nang dumalo ang isang staff.

Tumayo na ako kasabay niya. Nag iwas ako ng tingin.

"Naku pasensya na, Sir Parrish! Makukulit lang talaga minsan ang mga batang 'to!" paghingi pa ng paumanhin.

Umiling ako. "A-Ayos lang," sagot ko at tinignan ang mga batang nag-eenjoy pa rin.

Nangatog ang buong katawan ko. Pero alam kong hindi lang sa lamig 'yon. Sa ibang bagay tulad ng...

I shut my eyes and shook my head. Sumama nalang ako sa mga bata pero nilingon ko muli ang pinanggalingan namin.

Nandoon pa rin siya. Nakatayo at tulala. Kumunot tuloy ang noo ko at napabuga ng hangin.

"Kids, anong ginawa n'yo kay Kuya Parrish?" si mommy sa mga bata na tumulong pa siyang paliguan ang mga ito.

"Ang saya saya ko po, mama!"

"Opo, mama! Sana hindi na po kayo umalis!"

"Dito nalang po kayo tumira Kuya Parrish! Pati Kuya Dean!" ang isa sabay turo sa papalapit na si Brandean.

Nagtama agad ang paningin namin. May hawak siyang galon ng tubig. Siya na ang nagpresinta na mag-igib para makapagbanlaw na kami.

Mabuti nalang at may baon kaming damit. Sa may bayan pa kasi ang hotel namin. Malayo layo pa rito sa barangay at ayaw naman naming dumihan ang sasakyan.

Nasa balikat ko na ang tuwalya. Nakasalubong ko pa siya noong papasok na sa banyo.

"U-Uhm... Sige maligo ka na, tapos na rin naman ako mag-igib," aniya sabay kagat sa labi.

Agad kong iniwas ang tingin bago tumango at pumasok sa banyo. Tumama pa ang braso ko sa basa pero mainit niyang braso. Mabilis tuloy akong pumasok sa banyo.

Hours passed by. We're both fresh in our new white T-shirt. Naka maong pants ako, siya ay naka short na. Nasa isang silong sila na may blackboard. Ang mga bata ay nasa mahabang lamesa, nakikinig sa tinuturo ni Brandean. Nabagot kasi ako sa school kung saan ang medical mission. Babalik sana ako ng sasakyan para matulog pero nakita ko sila.

Kung ang ibang bata sa Maynila ay nabuburyo sa pag-aaral at tamad na tamad makinig, kabaligtaran naman sila ng mga bata rito sa Tarlac.

Aalis na sana ako kaso tinawag nila akong lahat. Ayaw ko naman sila biguin kaya lumapit na ako. Alam kong nakatingin na siya sa akin pero hindi ako tumitingin.

I saw a heart on their papers that they have drawn. Tumingin ako sa blackboard at may drawing na din doon na heart. Mukhang iyon ang pinagkakaabalahan nila ngayon.

Tinabihan ko ang isang bata na hindi pa rin nakakaguhit. He looks so hesitant and not sure. Maliit pa ang mga kamay niya sa kung nasaan ang krayola. Hindi niya siguro alam kung saan magsisimula kaya umupo ako sa tabi niya.

I smiled at her with assurance. Ginabayan ko ang kamay niya para makaguhit ng puso at tuwang tuwa siya nang nagawa niya. Napangisi na rin ako at aksidenteng napadpad ang tingin sa kaniya.

Naabutan ko rin siyang nakangisi na pero nalusaw nang magtama ang mga mata namin. Napalunok naman ako at inabala nalang ang sarili sa pagtulong sa mga bata.

"Ngayon, ilalagay n'yo sa loob ng puso yung mga taong mahal niyo katulad ni mama at papa, paborito niyong pagkain at lugar. Kahit ano basta gusto niyo," paliwanag ni Brandean sabay tingin sa akin sa panghuling sinabi.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Where stories live. Discover now