"You-you killed them?! You're a gangster too?!" Sigaw ko sa kanya. Dahil balita ko noon. Isang gangster ang pumatay sa kanila. And now, kaharap ko na ang taong pumatay sa kanila. Oh my! Hindi ako makapaniwala. He's a killer! Definitely a killer.

"Yes, I'm a gangster." Kaswal na sabi niya. Yung kanina parang galit siya, ngayon wala ng emosyon. Blanko na!

"And I didn't regret anything."

Napatulala nalang ako. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya ito sa'kin.

"Ba-bakit mo to sinasabi sakin. Alam mo bang pwedi kitang isumbong ha?!" Sigaw ko. Sana hindi niya sinabi sakin. Hindi! Dahil baka maisumbong ko siya sa may itaas.

"You will never do that. Siguro nga masaya ka pa kasi namatay na yung taong pumatay sa kaibigan mo?"

Tama siya! Masaya nga ako sa ginawa niya. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit. Diba masama ang pumatay ng tao? Diba mortal sin iyon? Pero bakit parang baliwala nalang ito ngayon? Parang wala na akong pakialam basta ang importante ay patay na sila.

"P-pero."

"Come" sabay higit niya sakin.

"Saan tayo pupunta?" Hindi siya lumingon para sagutin ang tanong ko bagkos ay inakbayan niya lang ako. Imbes na tanggalin iyon ay hinayaan ko nalang siya. Choosy pa ba ako?

"I wan't you to forget my sister" he said. Kumunot yung noo ko. Gusto niyang kalimutan ko ang kapatid niya?

"That's impossible!" Sigaw ko. Hinding hindi ko kakalimutan si Munch. She's my bestfriend.

"Yeah. I know."

Alam niya naman pala pero bakit iyon ang sinabi niya? Baliw ba itong lalaking ito? Hindi ko siya maintindihan. Ganun din ang sarili ko. Hindi ko rin maintindihan. Kanina umiiyak ako, nasasaktan ako, sinisisi ko yung sarili ko. Pero ngayon ang saya ko. I don't know why. Dahil siguro sa lalaking nakaakbay sa'kin ngayon. Ang lakas ng epekto niya pagdating sakin. Hindi pwedi ito, hindi pweding mahulog ako sa kanya. Natatakot akong masaktan. Hindi pa ako handa.

Alam ko naman na pagnagmamahal ay may kaakibat na sakit. At ayokong mangyari iyon. Talagang last na ito. Last na last na talaga na paglapit sa kanya. Swear!

******

Nandito kami ngayon sa Wats Restaurant, kumakain. Yeah! Kumakain lang! Hindi ito date. Ayokong mag assume na isa itong date dahil baka ma disappoint lang ako sa huli. Nagugutom daw kasi siya kaya niya ako niyaya dito. At gusto niya ng may kasama. Psh.

"Kuya ka pala ni Munch? Paano? Bakit hindi ka niya pinakilala sakin?" Nagkibit balikat lang siya. "Because I don't want to."

"Huh?" Ang labo naman nito. Ayaw niyang kilalanin siyang kapatid Munch? O ayaw niyang...

"Ayaw kong malaman ng iba dahil ayokong mapahamak siya."

"Ah... Cause you're a gangster?" Para pag may kaaway itong lalaking ito ay hindi si Munch ang babalikan nila. Ang galing ha. May utak!

"Yeah. Hindi ka ba takot sakin?"

"No."

Bakit naman ako matatakot? Nangangain ba siya? Pumapatay? Okay. Pumapatay pero kung gusto man niya akong patayin ay sana matagal na niyang ginawa. Imbes na patayin ay tinutulungan pa nga niya ako. Right?

And kaya pala marunong siyang humawak ng baril kasi Gangster siya. No doubts.

"Good for that." I heard him whispered.

"Huh?"

"Nothing." He said at tsaka nagsimulang sumubo ulit. Napailing nalang ako. Anong ibig niyang sabihin doon? Anyways, I don't care din naman eh.

Pinagpatuloy ko nalang yung pagkain ko. Pero maya-maya lang huminto rin dahil may tumawag sa pangalan ko. Oh crap that! Endearment pala. Tsk. Kainis.

"Mhine!"

Kunyari wala akong naririnig kasi naiinis parin ako sa kanya. Ang hilig niyang pagtripan ako porket friends na kami.

"Mhine!" Nakita ko nalang na nandito na pala siya sa harapan ko. Kumuha pa talaga siya ng upuan at tumabi sakin.

"Ex-bayaw. Yow!" Bati niya kay Zenberg. Napailing nalang ako. Hindi ko aakalain na ganito siya ka pilyo at kakulit.

Tiningnan ko si Zenberg. And ayun hindi ko maintindihan ang ekspresyon niya. Naiinis siya na ewan. Itong katabi ko nakangiti lang habang nakatingin sakin. Kinindatan pako ng gago! Aish.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Para sunduin ka."

"What?!" Napatayo nako. Ang kapal nito. Ano siya boyfriend ko. Nagulat ako ng bigla niya kong higitin papunta sa kanya at niyakap. My ghash! At nagulat din ako ng bigla rin akong hinigit ni Zenberg papunta sa kanya. Another oh my ghash! What's with them? Tinulak ko si Zenberg at lumayo sa kanilang dalawa.

"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyong dalawa ha?!" Singhal ko.

Wala akong paki kung makaagaw man ako ng attensiyon ng iba. Gusto ko silang sigawan dahil sa ginawa nila sakin. Hindi ba nila alam kung gaano sila kasakit manghigit?! Ang sakit ha! Feeling ko mapuputol ang kamay ko sa ginawa nila. Tsk.

"Mhine."

"Sige subukan mong lumapit. Babatukan kita." Banta ko. Akmang lalapitan niya kasi ako. Napatigil naman siya at si Zenberg naman ang gumalaw. At nakakainis lang bigla niya akong binuhat nang parang sako at itinakbo palayo kay Louie.

"Hoy! Bumalik kayo dito.!" Rinig ko pang sigaw ni Louie.

"Gago ka Zenberg! Ano sa tingin mo ang--ahhh. Bitawan mo ko!!" Sigaw ko.

Hindi ko alam kong anong trip niya. Gago siya! Bigla niya akong ipinasok sa sasakyan niya at nilock iyon. Mabilis namang pumasok siya. Akmang aandar na sana ang sasakyan ng biglang kumatok si Louie sa bintana. Sinundan niya pala kami.

"Saan mo dadalhin si Sunny? Hoy! Ibaba mo siya."

"Not so fast boy." Rinig kong sabi ni Zenberg bago niya paandarin ulit ang sasakyan. Naiwang naiinis si Louie dahil sa ginawa niya.

"Gago ka Zenberg!" Naiinis na sigaw ko pero kinindatan lang niya ko. Anak ng! Sige pa! Sa ginagawa mong iyan. Ginagawan mo talaga ako ng rason para layuan ka. I hate you na talaga.

.
#Sunberg.
_ladymania.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon