Nakita ko namang tumayo si Jeth. Sinundan ko siya ng tingin at naninibago ako sa kilos niya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Kung sa babae pa blooming ang tawag eh. Parang ganun siya ngayon.

"Isa pang tingin Park. Makakatikim kana."

Umayos naman ako ng upo.

"Aham. Sabi ko nga hindi na titingin"

Binaling ko nalang yung tingin ko kay Darryll. At nakita kong nagtitext siya sa isang tabi. Sinubukan kong silipin ang cellphone niya pero nilalayo niya agad ito. Pero hindi talaga ako mapakali at gusto ko talagang malaman kung sino yung katext niya. Humanap ako ng way para mabasa yun. Pumunta ako sa likod niya. At sumimpli ako. Binasa ko yung text. At may nabasa akong.

'Anong gawa mo?'

Nagreply naman si Montenegro.

'Nagtitext ikaw?' reply niya sa taong hindi ko kilala. Pero nagtataka ako kasi kung anong nireply niya ay ganun din yung dumadating na message sa kanya. Nakita kong nagtype ulit siya.

'Nagtitxt din. Ang boring noh?' reply niya ulit.

Nagtaka na naman ako kasi ganun parin eh. Pareho lang eh. Tiningnan ko kung ano yung pangalan ng katext niya. At napafacepalm naman ako sa nabasa ko.

'My no.'

Nice! Ang galing, Kaya pala. Ang laking gago nito! Sarili niya mismo yung katext niya. Nabuang na talaga yung mga kaibigan ko. Baka pati ako madamay dito.

"Hayop ka Montenegro. Astig rin yung trip mo. Sarili mo mismo katext mo Nice"

Nagulat naman siya sa biglang pagsalita ko sa likod niya at agad na tinago yung cellphone niya.

Nakita ko na eh. Itatago pa niya. Sige lang. Suportahan kita Negro.

"Walangya ka. Mind your own Business Park. Gumawa ka ng gusto mong trip. Tsk" sigaw niya. Napailing naman ako at pumunta nalang sa guitara ko. Susundin ko nalang yung sinabi niya na Mind your own Business.

Hindi ko kasi kaya yung trip niya eh na sarili niya mismo gawin niyang textmate. Para kasing niloloko ko yung sarili ko. Buhay nga naman.

Tumugtog nalang ako. Pero maya-maya lang ay biglang bumukas yung pinto at iniluwa nito si Sunny at isang lalaki na kaholding hands niya. Napangiti ako. Si Ex-bayaw pala ni Arl andito. Ano kayang ginagawa niya dito? Ang tagal rin naming hindi nagkita ha. Hmm. Naisip ko na batiin siya kaya tumayo ako.

Pagtayo ko agad namang nahagip ng mata ko si Arl na hindi maipinta yung mukha. Na anytime gusto ng manuntok na ewan. Sinundan ko naman yung tingin niya. Nakatingin siya dun sa kamay nina Sunny at Louie. Napangisi naman ako at nilapitan siya.

Tinapik ko ang balikat niya sabay bulong. "Jealos ha?. Tsk. tsk.tsk"

Tiningnan niya naman ako ng masama.

*Smirk

Huli ka Arl. Karibal mo pa yata si Ex-bayaw.

****

Sunny Pov:

Pagkapasok namin sa tambayan ni Louie tinginan agad ang mga tao dun samin. Nakakailang ng ginagawa nila parang may ginawa akong kasalanan ah.

"Sunny girl who is he?" Pambabasag ni Michael sa katahimikan.

"Umm. Si Louie nga pala ano ko---"

Naputol naman yung pagsalita ko ng biglang nalaglag yung isang drums sa tabi ni Zenberg. Nakita kong pinulot niya yun at tumingin saming lahat.

"Go on."

Book 1: When I Met This GangsterWhere stories live. Discover now