94

1.6K 133 83
                                    

Sela's POV

"I'm sorry po Ma'am pero may naka check in na sa gusto niyong ro---" Agad ko naman kwinelyohan ang staff na nasa harapan ko.

"Makinig ka sakin! Gusto ko yun Room na yun!Now ibibigay mo ba sakin yung susi o tatawagin ko pa ang manager mo!?" Sigaw ko sa kanya pilit pa akong pinipigilan ni Roger pero pati siya tinulak ko palayo sakin.

"May rules po kasi dito, kung susundin ko kayo baka po mawalan ako ng trabaho" Inuubos niya talaga ang pasensya ko. "Ma'am Sela ano pong balak nyo ngayon?" Tanong ni Roger sakin.

Nilabas ko naman ang wallet ko nilapag sa front desk ang 30k. Nagulat siya sa ginawa ko tinaasan ko siya ng isang kilay. "Ibibigay mo naba sakin? Tanggapin mo na alam ko kailangan mo din ng pera. Huwag kanang pakipot pa hindi bagay sa itsura mo" Hindi siya nagdalawang isip pa at inabot na sakin ang duplicate key ng room kung nasaan naka check in si Abby.

"Thanks mabilis kapalang kausap pinaghihintay mo pa ako, Roger handa mo na yun sasakyan mabilis lang to" Seryosong sabi ko bago ako umalis sa harapan ng tauhan ko.

Mabilis kong pinuntahan yun room na sinasabi ni Roger sakin kanina. Kinakabahan man ako nagpatuloy pa din ako sa paglalakad. Inuubos mo talaga ang pasensya ko ngayon Abby sa susunod hindi na space ibibigay ko sayo. Pati ngipin mo lalagyan ko ng space malandi kang bwesit ka hindi ka talaga nadadala.

Pinasok ko ang susi sa may doorknob mabilis itong ng buksan. Pag pasok ko napataas ang isang kilay ko ng makita kong nakahubad na yun babae na mukha naman nagtrabaho sa bar. Akmang huhubaran niya na si Abby kaya naman nagsalita na ako.

"Hoy babae ka na haliparot. Huwag na huwag mong mahawak hawakan ang Asawa ko kung gusto mo pa mabuhay"  Galit na sabi ko. Hubaran ba naman ang asawa ko? Napatingin ako kay Abby na lasin na lasing na halos nakapikit na sa kinahihigaan niya.

Napalingon naman yung babae ng magsalita ako.

"Sino ka? Bakit ka nakapasok dito?" Nakataas kilay niyang tanong sakin. Ako pa tinataasan ng kilay ng haliparot nato.

"Kita mo to?" Tinaas ko ang susi at pinakita ko sa kanya "Dahil dito, tanga kaba?" Hinagis ko naman sa pag mumukha niya ang susi na hawak ko ang nginisian ko siya.

"Sino kaba!? Napaka pakelamera mo!" Sigaw nito sakin at binato din sakin ang susi na hawak ko.

Sinipa ko naman ang pintuan para masara yun pinto.

"Ako? Ako lang naman yun ASAWA ng babae na kasama mo ngayon dito sa Hotel" nakangisi na sabi ko. Naglakad ako papalapit sa kanya mukhang hindi pa ata naniniwala tong haliparot nato nakuha pa niya akong ngisihan pabalik.

"Asawa? Sa pagkaka alam ko walang Asawa si Abby. Ikaw ang tanga katrabaho ko siya tapos sasabihin mo sakin na---" Agad ko naman siyang sinampal ng buong lakas ko. Napahawak to sa pisngi niya kung saan ko siya sinampal.

"Hindi porket katrabaho ka niya alam mo na ang tungkol sa kanya. Kung manlalandi ka ng may Asawa make sure mas maganda ka sa legal mukha kang higad diyan kung makapatong sa asawa ko!" Sabi ko sa kanya hinila ko siya papalayo kay Abby.

Pagkahila ko sa kanya papalapit sakin ay sinampal ko naman ang kabila niyang pisngi.

"Ouch You bitch!" Sigaw nito akmang sasampalin na din niya ako ng naunahan ko siya ng sapak sa mukha.

Into You Where stories live. Discover now