83

1.3K 100 68
                                    

Sela's POV

"Kasalanan mo naman yan, kung ano ano kasi sinasabi at pinapakita mo kay Sevi kaya lumalayo ang loob niya sayo" Mahinahon man ang pag kasabi niya para naman akong sinasaksak sa mga sinasabi niya.

"Bakit parang lahat ng pag disiplina ko sa bata ay parang mali para sayo?" Tanong ko sa kanya.

"May sinabi ba ako? Wala naman" Sagot nito, Wala daw pero yun ang pinaparating niya sa sinabi niya.

Niyukom ko ang kamao ko.

"Pero yun ang dating sakin Abby!" Sigaw ko sa kanya, napatingin kami kay Sedine na bigla itong umiyak napailing naman siya.

"Manahimik kana nga lang Sela, sumasakit ang ulo ko sayo hindi mo ba kayang magsalita ng mahinahon? Lagi mo nalang dinadaan sa ganyan" Hinawakan ko naman siya sa braso niya. 

"Sa 5 years Sela nagbago kaba? Mas lumala ugali mo kamo" inalis naman niya ang pagkahahawak ko sa braso niya padabog na umalis ng kwarto.

Napaupo nalang ako habang umiiyak pinunasan ko naman ang luha ko. Binuhat si Sedine na umiiyak narin.

"N-nagising ka ba ni M-mommy? S-sorry" Garalgal na sabi ko kay Sedine.

Kinagat ko ang ibang labi ko para walang makarinig ng hikbi ko. "Sabi ko pagod na ako diba Sedine? Pero hindi talaga ako mapapagod si Mommy para sa inyo. Aayosin ko lahat promise ko yan sayo" muli ko pinunasan ko ang luha ko.

Kahit ilan beses kong sabihin sa sarili ko na kaya. Napakahirap pa din para sakin na gawin at itama ang lahat ng bagay. Kung yun dalawang tao malapit sakin parang sila na mismong lumalayo sakin. Ayoko magulo ang pamilya ko pero parang ako lagi ang may kasalanan kung bakit nag kakaganto lahat.

"Huwag kanang umiyak please" Sabi ko ng hindi pa din tumitigil sa pag iyak si Sedine. "Nagising kaba? Sa sigaw ni Mommy hindi ko sinasadya anak" Hinawakan ko ang pisngi niya niyakap siya ng mahigpit.

"Mommy, Kakain napo daw sabi ni Daddy" Nang marinig ko ang boses ni Sevi ay pinunasan ko agad ang luha ko.

Lumingon ako sa kanya ngumiti "Susunod ako Sevi. Papatahanin ko lang si Sedine" Sabi ko sa kanya napatingin si Sevi sa kapatid niya. "Ganun po ba? Hinihintay kana kasi ni Daddy doon" Saad nito.

"Mabilis lang to Sevi saglit...Nakatulog napala si Sedine" Pagtingin ko kay Sedine ay bumalik napala na ulit ito sa tulog niya.

"Ikaw po bahala mauuna nalang kami ni Daddy gutom na din po ako" Sabi ni Sevi sinara niya ang pintoan bago siya umalis. Pwede bang hintayin niyo muna ako? Hays.

Gusto kong sabihin sakanila yun kaso baka pagsimulan nanaman ng away namin ni Abby.

Abby's POV

"Hintayin mo muna Mommy mo bago ka kumain Sevi. Sabay sabay na tayo kakain okay" Nakangiting sabi ko kay Sevi, pinigilan ko siyang kumain para sabay nalang kaming tatlo.

"Sige po!" Sagot ni Sevi sakin ginulo ko ang buhok niya. "Daddy ang tagal kasi naman talaga ni Mommy" Nakapout na sabi ni Sevi ngayon.

Into You Where stories live. Discover now