21

1.8K 99 6
                                    

Abby's POV

"Sela pwede----"

"Aalis ako, aalis ka din? Okay lang naman pakilinis muna yung kwarto ko. Bago ka umalis then make sure na mailolock mo yung pinto kung sakaling aalis ka" Hindi manlang ako hinintay sumagot mabilis itong lumabas ng unit.

"Nagmamadali ata siya" Saad ko.

Dumiretso nako sa kwarto niya. Napabuntong hininga naman ako dahil napaka kalat ng kwarto niya halos lahat ng gamit nasa lapag ng sahig. May basag na vase pa.

"Anong nangyare dito?" Tanong ko dinampot ko naman ang isang basag na frame.

"S'ya ba dahilan?" Tanong ko habang hawak hawak ang isang frame kung saan naka display ang pic nila ni Gia. Bago ko simulan mag linis ng kalat ni Sela sa kwarto.

--

"So pumayag ka sa alok ni Sela?" Tanong sakin ni Belle habang pinanlalakihan ako ng mata.

"Mas okay na yun kesa bumalik ako sa pinagtatrabahoan ko"

"Abby sorry ha' Wala akong tiwala sa babaeng yun pati yung mga kasama niya. Oo nga may kaya sila pero ni isang manners wala" Inis na sabi ni Belle.

Naiintindihan ko naman siya dahil hindi maganda ang naging unang pagkikita nila ng mga kaibigan ni Sela.

"Kaya ko naman alagaan ang sarili---"

"Papaalala ko lang Abby, Anak siya ni Mr.Guia pero napakalayo ng Ugali niya sana naman yung ugali niya Ibagay nya sa itsurang meron siya. Sayang mukha pa naman anghel" Irap ni Belle. Hindi niya talaga kilala si Sela dahil anlayo ng pagkakakilala niya rito.

"Siguro pag nagkasama kayo ni Sela mag babago ang tingin mo sa kanya" Nginitian ko ito bago ko hawakan ang kamay niya. Agad naman tinapik ni Belle ang pagkakahawak ko sa kamay niya kaya bumitaw din agad ako.

"Tse! Kahit magkasama kami hindi magbabago tingin ko lalo na sa manyak niyang kasama ano bang pangalan nun?!"

"Weh pero gusto mo makilala yung pangalan huwag ako Belle" Saad ko rito. Mukhang si Ecka ang tinutukoy niya kung hindi ito baka si Jem.

"Sure kana ba talaga na gusto mo tumira kasama si Sela? kakakilala palang natin sa kanya nakipag live in kana!" Muling sigaw nito dahilan para tignan kami ng mga dumadaan. Nakakahiya sa iba kung ano ano Kasi ang sinasabi niya.

"Hindi Live in ang tawag doon psh hinaan mo nga boses mo ba akalain ng iba napaka bata ko palang may asawa na" Nahihiya kong sabi at hinarang ko kaunti nag buhok ko para hindi masyado makita ang mukha ko.

"Oo na! Pero hindi ako sanay na wala ka sa paligid ko duh. Parang kambal tuko na tayo kumbaga dikit tayo sa isa't isa bakit ka kasi lumayo?" Naiiritang sabi nito habang nanlalaki pa din ang mata niya.

"Hindi ako lumayo belle, Kung lumayo ako edi sana hindi na kita pinupuntahan diba? Syaka namiss kaya kita kahit ilang oras palang tayo hindi nagkita"

Into You Where stories live. Discover now