48

1.9K 102 15
                                    

Sela's POV

"Mauna na kami Sela at Coleen, Thankyou sa pagkain nabusog ako" Hinawakan naman ni Sheki ang kanyang tiyan.

"Busog kasi nakalibre ka Ate Sheki" Saad naman ni Coleen, si Sheki na ata pinaka buraot samin kahit may pera ayaw maglabas.

"May pupuntahan pa kami ni Jem nga pala diba?" Nilipat ni Sheki ang tingin kay Jem at inakbayan ito, Jem naba hindi na si Alice?

"Mag ingat kayo" Niyakap ko naman sila pareho bago ako umalis sa harapan nila para puntahan si Abby.

Hindi manlang bumaba si Abby kala ko naman kasunodan ko lang siya, umalis nalang sila Sheki walang Abby na bumaba.  Ako ba talaga iniinis niya? kanina niya pa ako pinipikon ha.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng hawakan ni Sevi ang kamay ko.

"May kausap si Mommy sa phone niya huwag ka muna pong pumasok" Hinila naman ako palayo ni Sevi mula sa pintoan, Sino naman kausap ni Abby? "Sino?" Tanong ko kay Sevi.

"Ang narinig ko po Yzabel" Sagot nito sa tanong ko bigla naman nainis na marinig ko kung sino yung kausap ni Abby, Yzabel? Sa pagkakatanda ko yun ang laging panay dikit kay Abby noon.

Hanggang ngayon may communication papala sila? Hindi manlang niya sinasabi.

"Sevi, Puntahan ko lang saglit si Daddy mo ha" Nakangiting sabi ko pagkatalikod ko kay Sevi ay agad kong tinaas ang aking kilay. Nagmadali naman akong pumunta sa kwarto kung nasaan si Abby.

Pagkabukas ko ng pinto nakita ko si Abby na mahimbing na natutulog.

"Aray! Sin--Sela? Bakit bigla bigla kang nanampal!? ano ginagawa ko!?" Tanong niya sakin habang hawak hawak ang pisngi niya na ngayon ay namumula dahil sa malakas na sampal ko.

"Pwede ba kung mambabae ka huwag mo naman iparinig kay Sevi!" Sigaw ko sa kanya, Kapal naman ng mukha nito nakuha na ngalang mambabae ipaparinig pa sa bata kung sinong kausap.

"Ha? Pinagsasabi mo diyan ansaket!" Sigaw din niya pabalik habang hinimas himas ang pisngi niya. Huwag nya akong sigawan sahil siya tong nambabae samin.

"Narinig ni Sevi na kausap mo si Yzabel, Abby kung mababae ka huwag mong ipaparinig sa bata!" Hinila ko naman siya paupo gamit ang kanyang buhok. "Sela! aray! May balak kabang kalbohin ako!?" Hinawakan naman ni Abby ang kamay ko para bitawan ko ang pagkakahawak ko sa buhok niya.

"Kulang pa yan! kakalbohin ko pati baba---" Hinila naman ako papalapit ni Abby sa kanya kaya napaupo ako sa lap niya. "Si Yzabel ba? Sela hindi ko babae yun tumawag lang siya kung pwede kami magkit---Aray! Huwag mo nga akong sampalin ansakit mo manampal!" Muli ko siyang binigyan ng isang malakas na sampal, Talagang may balak pa silang magkita ng babae niya!?

"Talagang sinasabi mo pa sakin na magkikita kayo! Ang kapal naman ng mukha mo Abby" Inis na sabi ko sasampalin ko na sana siya ng nahawakan niya ang wrist ko.

"Sela pwede tayong mag usap ng walang sampalan" Mahinahon na sabi nito, paano siya nagiging Mahinahon eh napak cheater niya. "Magsama kayo ni Yzabel, kakapal nyo pagbuholin ko kayon dalawa" Saad ko sa kanya at inapakan ang paa niya.

Into You Where stories live. Discover now