31

1.8K 100 22
                                    

Abby's POV

"Anlamig ng kamay mo abby!" Agad ko naman binawi ang kamay ko na hinahawakan ni Rans at pinandilatan ko siya ng maya kaya naman sinampal niya ako ng mahina.

"Kinakabahan kaba? Mag thankyou ka kasi Ako makakahali---"

"Itong kamao ko lalapag sa labi mo, manahimik ka hindi ako mapakali feeling ko may mangyayare na di maganda" Saad ko at inayos ko ang suot ko lumapit naman sakin ang make up artist ko at niretouch ako.

"How do i look?" Tanong ko sa P.A ko na nasa gilid ko na nakatingin sakin. Bahagya naman inirapan ako ni Rans, Tinaasan ko nalang siya ng isang kilay.

"Ms.Abby siguro po 10x niya na po natanong yan" Napansin ko naman na humagikgik si Rans kaya hinampas ko siya ng mahina.

Hindi nako umimik pa bagkus ay tinignan ko ang sarili ko sa Mirror na katapat ko bahagyang inayos ang pagkakaayos ng buhok ko.

"Kelangan ko pa ba ulit mag retouch?" Tanong ko sa nag aayos sakin.

"Abby, Yung totoo balak mo bang talbogan si Michael jackson? Baka pag pasok mo sa set magtakbuhan ang lahat pag ikaw ang nakita" Sabat ni Rans.

Napatahimik naman ako ng may bigla akong maalala sa sinabi niya. 

"Natahimik ka ata?" Saad ni Rans hindi ko siya tinignan sa halip ay tumingin ako sa mirror na katapat ko.

--

Sela's POV

Pagkadating ko sa Set ay agad kong binasa ang magiging script ng gagawin nung mga artista. Nasa isang hotel kami ngayon  kung saan dito unang gaganapin ang scene, napataas ang kilay ko ng may mabasa ako.

"Wait...Kissing scene agad?" Bulong ko sa sarili ko habang nagbabasa ako, Anong trip ni Direk Luis at ganto ang pambungad niya?

"Direk may problema ba?" Tanong ni Lara sakin na mapansin niyang nakataas ang isang kilay ko. "Naglolokohan ba tayo dito!?" Pasigaw na sabi ko sa kanya, Dahilan mapatingin ang iba sakin.

"What is it?" Lumapit na din sakin si Luke at hinawakan ang balikat ko. "Gusto niyo gawin tong movie nato? Okay fine substitute lang naman ako bakit ba ako nangingialam tsk" Padabog naman akong umupo nalang sabay pinagpatuloy ko nalang pagbabasa ng mg script.

Lumapit naman sakin muli si Luke kaya napatingin ako dito sa kanya. "Sela, Umayos ka naman tinatakot mo yung iba dito" Bulong niya sakin sapat na para marinig namin dalawa.

"Bakit kasi unang kukunan agad kissing scene? Siraulo ba si Direk Luis?" pabulong na tanong ko kay Luke. Hindi naman sa pagiging bitter pero nakakairita yung first scene.

First day ko as substitute sabay Kissing scene agad nadatnan ko?

"Tama nga ansabi sabi na dito ka nag tatrabaho ngayon Marsela" Rinig kong sabi nito, Boses palang alam ko na agad kung kanino.

"Alice, Substitute lang ako kung pwede nga lang ikaw na dito" Saad ko habang di siya binabalingan ng tingin. "Hi! Ms.Alice doon po muna tayo sa dressing room maling set po ata kayo ng napuntahan" Napatingin naman ako kay alice sa narinig ko at nginisian ko to.

"Bida bida kasi" Bulong ko.

"Direk palabas napo yung dalawang artista natin" Bulong ni Lara sakin tumango nalang ako bago ko inabot sa kanya ang script na hawak ko.

"Pwede bang pakibilisan sayang sa or---" Hindi ko natuloy ang aking sasabihin ng parang nag slowmotion sa paningin ko ang pagdating nito, nginitian niya yung iba at nakipag shakehands pa siya rito.

Hanggang sa nagtama ang mga mata namin, Nanlaki naman ang mata nito ng makita niya ako at nawala ang ngiti nito sa labi.

"Andiyan na pala si Abby at Rans eh" Nakangiting sabi ni Luke.

"Abby at Rans? Bakit hindi ko alam na sila yung gaganap don't tell me nagbigay kayo ng---"

"Sela yan ka nanaman nagiging highblood ka bago ka magsalita dapat inaalam mo yung script na binigay namin nasa likod nun ang mga gaganap hindi mo ba nabasa?" Napa roll eyes nalang ako at bumuntong hininga ba go ako tumingin sa dalawa.

"OKAY ONE! TWO! THREE! BREAK MUNA NAGUGUTOM AKO!" Napatingin sila sakin sa biglaan pag sigaw ko.

Napatingin naman ako kay Abby na nakakunot ang noo sa sinabi ko. Nginisian ko lang siya sabay inirapan ko siya mukhang nakita to ni Rans kaya natawa siya bahagya sa ginawa ko.

"Sela! Sandali sinasayang mo ang oras nila magsimula na tayo, ikaw na nagsabi na nagsasay---"

"Sino ba direktor dito? ikaw ba?" Tanong ko kay Luke at inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko. Wala naman itong nagawa kaya umalis nalang ako sa harapan niya.

Abby's POV

Totoo ba talaga ang nakikita ko si Sela? si Sela ang mismong mag didirek ng gagawin namin? Nagbalik na nga ba talaga siya? Hindi ko alam kung matutuwa ba o magagalit ako ng makita siyang muli. Hindi ko maipagkakaila sa sarili ko na namiss ko siya.

"Loko talaga yung guia na yun akalain mo yun pinaghihintay nya tayo sa set?" Reklamo ni Rans, kasalukoyan kami nakaupo habang hinihintay na bumalik si Sela ansabi niya nagugutom daw siya.

Hindi pa din siya nagbabago umaalis sa bahay ng walang laman ang sikmura, Kaya siguro gutom siya ngayon dahil gawain niya yun.

Ngunit bakit nga ba siya nag balik? iniwan niya ang lugar nto katulad ng pag iwan niya sakin.

Kanina nung nagtama yung mata namin nararamdaman ko pa din ang koneksyon between her pero sumasagi sa isipan ko si Nile. Napayukom naman ang kamao ko nung maalala ko kung paano siya umalis at hindi manlang nagpaalam nag laho nalang siya ng parang bula. Buti nalang talaga natauhan nako at hindi na katulad ng dati, bakit nga ba ako nagkagusto sa kanya noon? Kahit na alam kung si Gia ang gusto niya speaking of Gia...Nagkatuloyan kaya sila?

"Direk, Buti nandito kana kanina kapa namin hinihintay" Saad ng P.A hindi siya pinansin ni Sela sa halip ay naglakad to papunta sakin.

"Gusto mo bang lumabas muna tayo? Hah ABBY TRINIDAD" saad niy at nginitian ako. Tinignan ko siya ng masama, Talaga lang huh? Kilala niya ako? hindi..matagal ko ng binaon sa lupa ang Abby na kilala niya. Hindi na niya ako agad mapapasunod sa mga utos niya hindi tulad ng dati.

Anlakas naman ng loob niyang lapitan ako at ngitian na parang walang nangyare samin? Nauntog ba ito nung umalis siya kaya hindi niya matandaan kung anong epekto sakin ng ginawa niyang pang iwan noon.

"Direktor ka diba? Gawin mo ang trabaho mo hindi yung kami ang pinghihintay mo dito napaka unprofessional mo naman pala. Hindi ka bagay sa lugar nato" matigas na sabi ko, unti unti naman nawala ang ngiti sa kanyang labi at umiwas ng tingin sakin. Napataas naman ang isang kilay ko sa pinakita niya totoo naman na napaka unprofessional niya.

Ang totoo niyan gusto ko siyang sumbatan ngayon at sigawan, gusto ko din siyang ipahiya sa maraming tao. Gusto ko ipadama sa kanya kung anong sakit ang dinulot niya sakin.

Kaso para saan pa? Tapos na din naman yun ayuko ng pag aksayahan ng pagod ang taong katulad niya.

--

Into You Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt