89

1.3K 103 49
                                    

Sela's POV

Hinatid ko muna sila Sevi at Sedine kela Mommy gusto ko habang di pa maayos ang lahat ay doon muna sila. Ayokong makita nilang may mali sa paligid nila, sumasakit nalang ulo pati nga puso ko pag naalala ko yun nakita ko.

Una palang may kutob na ako pero hindi ko nalang pinansin. Malaki ang tiwala ko kay Abby na kahit kailan hindi niya magagawa sakin ang yun. Nagkamali pala ako mahirap pala talagang magmahal, alam kong may tukso pero kun mahal mo ang isang tao hindi mo magagawang pagtaksilan siya ng ganon ganon nalang. Sinayang niya ang ilan taon namin para sa babaeng yun? Nag iisip ba siya? May asawa't anak siya HAHA.

"Sela..Alam kong hindi ka okay ngayon maiwan muna kita diyan sis dahil pupuntahan ko pa si Alice" Nagpaalam si Sheki sakin ngayon.

Naalala ko nandito pala ako sa bahay nila Sheki nagpunta ako rito pag katapos kong maihatid ang mga bata sa magulang ko. Ilang oras palang ang nakakalipas miss na miss ko na agad si Sevi at Sedine.

Nasa may sala ako ngayon kinuha ko ang unan na malapit sakin. Hinigpitan ko ang pagyakap nito kasabay ng pagpatak ng luha ko sa tuwing naalala ko lahat. Paano niya nagawa sakin na pagtaksilan nalang ako ng ganon ganon? Kulang paba ako sa kanya? Kaya kailangan niya pang maghanap ng iba.

May narinig naman akong kumakatok sa pintoan gusto ko nalang isipin na si Abby yun. Pumunta siya rito para sunduin ako at humingi ng tawad sakin. Ngunit pag bukas ko ng pinto hindi si Abby ang nakita ko kundi ang childhood bestfriend ko.

"Mikki?" Hindi ko siguradong tanong mabilis kong pinunasan ang luha ko. Iniba ko ang boses ko para hindi niya mapansin na galing ako sa pag iyak.

"Ako nga binisita lang kita dito" sagot nito hindi pa man ako pumapayag na pumasok siya. Mabilis niyang inurong ako para makapasok siya sa loob ng bahay.

Hindi kaya si Sheki ang nagpapunta sa kanya ngayon dito?

"Kailan kapa dumating? Ang akala ko nasa U.S ka" tanong ko pagkatapos ay sinarado ko na ang pinto. Napansin kong may dala dala siyang paper bag nilapag niya ito sa malapit na lamesa.

"Hindi na yun mahalaga, Ang importante nandito na ako Sela" Sagot niya bago ako titigan nagtama naman ang mata namin. "Nakwento nga pala ni Sheki ang tungkol sa asawa mong two timer, gusto ko lang tanongin kung okay kana? Ngayon nakita na kita masasabi ko na hindi ka okay" 

Hindi nako magtataka kung bakit alam niya, nasabi na pala ni Sheki ang tungkol kay Abby pero hindi ko inexpect na uuwi siya ngayon agad agad.

"Wala akong gana ngayon Mikki" Sagot ko sa kanya umupo ako sa sofa. Narinig ko ang pabuntong hininga ni Mikki sa likodan ko.

"Sela" Tawag niya sa pangalan ko umupo siya sa harapan ko "Pasta, Favorite mo to diba? Binilhan kita nito bago ako pumunta dito" napatingin ako sa hawak niya siguro yun ang laman ng paper bag na dala dala niya.

"Para sakin ba yan sure ka?" Hindi makapaniwala na sabi ko nung bata pa kasi kami ni Mikki ayaw na ayaw niya ako bigyan ng mga pagkain kaya hindi ako makapaniwala ngayon.

"Mukhang kailagan mo munang kumain"

Kinuha ko naman ang hawak niya at ngumiti sa kanya ng bahagya. "Maraming Salamat Mikki" Inabotan naman niya ako ng tinidor.

Isang subo palang ang nakakain ko bahagya akong napahinto sa pagkain. Bigla kong naalala si Abby madalas ito din ang binibili niya sakin sa tuwing nagtatampo ako sa kanya. Ayuko na sanang umiyak pa pero naalala ko nanaman siya kahit na miss ko siya lamang pa din ang galit na nararamdaman ko ngayon.

"Bakit ka umiiyak? Kulang paba yan pasta na yan? Gusto mo ba bilhan pa kita?" Nag aalalang tanong ni Mikki sakin.

Pinahidan ko ang luha ko "Sira may naalala ako okay na sakin to mikki" Sagot ko iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Yung asawa mo nanaman two timer yan noh? Geez Sela" Tanging komento lang ni Mikki sa sinagot ko sa kanya umayos naman siya ng upo d'kwatro pa. Akala mo talaga babae tong kasama ko kung umupo kasi mas daig pa ang babae.

Ilan minuto pa ang lumipas tahimik si Mikki na nakaupo lang sa tabi ko habang ako umiiyak at kumakain ako.

"Subokan mo kumain ng hindi siya iniisip Sela" Basag ni Mikki sa katahimikan. Napatingin naman ako sa kanya hindi siya sakin nakatingin.

"Paano ba yan Mikki...Walang oras na hindi ko siya naiisip" Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Huwag mo kong ngitian kung peke lang naman yan Sela. Syaka mo na ako ngitian kung talagang masaya kana" Sagot nito ng mapatingin siya sakin "Alam ko naman yun mukha naman iniisip mo siya kaya ka nga umiiyak dahil naalala mo siya" dagdag nito.

Napatingin naman ako sa singsing na suot suot ko. Muli nanaman akong nakaramdam ng lungkot siguro nga hindi pa ako sapat sa kanya. Kaya nakuha niyang maghanap ng iba mahal na mahal ko si Abby kaya ngayon nasasaktan ako ng ganto. Gusto ko pa din ayosin ang relasyon namin kahit na alam kong malabong mangyare yun. Kahit para nalang sa mga bata ang hihingiin ko sa kanya. Okay lang na masaktan ako pero huwag naman ang mga anak ko.

"Sinasaktan mo lang ang sarili mo" Saad ni Mikki habang nakatingin sa singsing ko "Ganun naman talaga Mikki pag nagmamahal diba? Kailangan mong masaktan" Sagot ko sa kanya napailing naman siya.

"Kaya ba ganun nalang ngayon saktan mo ang sarili mo? Iniiyakan mo siya kahit na alam naman natin na ang ganun tao hindi deserve ng isang katulad mo" Sabi nito tinitigan niya ako ng diretso, nilapag ko sa sahig ang hawak kong plato ng pasta. "Pwede bang hiwalayan mo nalang siya? Humanap kanalang ng iba na mas better pa kesa sa kanya. Yun kayang mahalin yun anak mo Sela believe me mas maganda yun kesa mag stay ka sa taong niloloko kalang" hinawakan naman ni Mikki ang kamay ko ng mahigpit.

"Hindi ko kaya, mahal ko si Abby  may anak kaming dalawa. Hindi ko siya pwedeng hiwalayan ng basta basta" Inalis ko ang kamay ni Mikki na nakahawak sakin.

"What the hell Sela! Kaya mo mag stay sa taong yun? Hindi ka manlang ba nandidiri sa kanya? Ipapaalala ko lang kaibigan mo din yun ginawa niyang kabet. Pinaglalaroan na kayong dalawa ni Nile gumising nga kayo sa katotohanan dalawa. Kung ako sayo hihiwalayan ko na ang babaeng yun" Sabi ni Mikki. Hindi ko siya masisi kung bakit siya nagagalit kay Abby ngayon. Tama naman lahat ng sinasabi niya sadyang ayaw ko lang gawin ang sinasabi nila ni Sheki na hiwalayan ko si Abby.

Kung wala siguro kaming anak baka ginawa ko na pero maisip ko palang na lalake sila Sedine at Sevi na walang Daddy. Masakit na sakin.

"Mikki I'm sorry sana maintindihan mo na hindi ko kayang makipag hiwalay sa kanya. Hindi lang para sakin to kundi para sa anak ko ayoko lumaki sila sa broken family. Malaki ang magiging apekto nung sa sakanila kung nagkataon. Okay lang sakin na masaktan huwag lang sila" Sagot ko sa kanya.

Pinunasan naman ni Mikki ang luha ko sabay ngumiti to sakin. "Naiintindihan ko...Kung para sa mga bata yun ipipikit ko nalang ang mata ko basta ipangako mo...Hinding hindi mo sasaktan pa ang sarili mo Sela..Nag alala ako para sayo dahil kaibigan mo ko" Niyakap ko naman si Mikki naramdaman ko na niyakap niya ako pabalik.

"Namiss kita Sela kung pwede ko nga lang ibalik ang oras ginawa ko na. Hindi sana aabot ang lahat sa ganito. Kung hindi lang kita pinaubaya kay Gia noon baka may chance na maging tayong dalawa. Baka naging Masaya kapa at hindi ka umiiyak ngayon"

--



Into You Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora