93

1.5K 115 42
                                    

Sela's POV

Two Years Later.

"Alam mo ba para kang stalker sa ginagawa mo diyan" Panunukso sakin ni Jem ng makita niya kung ano pinapanood ko. Eh kung ihampas ko kaya cellphone ko sa mukha niya?

"Hindi kapa ba nasanay sakin? Ito na nga lang paraan para di ko mamiss sila ng sobra" sagot ko habang nakangiti ng malungkot sa kanya.

Naging libangan ko nalang siguro ang tumingin ng litrato ni Abby at Sevi. Simula nung maghiwalay kami nagpasya ako na sa kanya nalang si Sevi habang si Sedine naman ay akin. Ayoko naman maging selfish at alam ko naman mas pipiliin din ni Sevi na mapunta siya kay Abby kesa sakin.

"Bakit hindi mo puntahan? Maayos naman kayo naghiwalay noon wala nga kayong samaan ng loob" Nakasandal siya sa harap ng desk ko ngumiti pa sakin. Nakwento ko nga pala sa kanya an nangyare samin ni Abby.

Hindi pa nga makapaniwala si Jem sa narinig niya sakin. Ang akala niya kasi okay lang kami ni Abby pero hindi tinotoo ko lahat ng sinabi ko sa kanya na hahanapin ko muna ang sarili ko. Sana siya nagawa niya yun, habang pinagmamasdan at pinanonood ko naman ang mga larawan at video na padala ng mga tauhan ko. Masaya akong makita na inalagaan niya si Sevi ng maayos, Kung sakin ba napunta si Sevi magiging masaya din kaya sya? Makakangiti din kaya siya ng ganya katulad nh pag ngiti niya kay Abby?

"Lagi ko naman nakikita si Sevi, Atsyaka sapat na yun dinadala siya nila Mommy dito Everymonth" Sagot ko kay Jem nilapag ko ang cellphone ko sa may desk ko.

"Si Abby nakita mo naba? Hindi diba? Pero lagi mo siyang pinapasundan sa mga tauhan mo Sela. Ano kaya yun? Puntahan mo nalang kesa mag bayad kapa ng mga tauhan para bantayan si Abby kung may ginagawa nanaman ba na mali" Inirapan ko si Jem.

"Ang ingay mo para kang si Sheki. Walang araw na hindi mo ako dinadaldal baka crush mo ko. Umamin ka nga Jem crush mo ba ako?" Natatawang sabi ko.

Nagulat naman siya at binato sakin ang isang papel na nakakalat sa lapag. "Napaka kapal din ng mukha mo noh? Fyi may girlfriend ako" Nagulat naman ako sa sinabi ni Jem. Weh? Siya mag kakajowa? Sa taray niyang yan may nagkamali?

"Sa imagination mo lang ata yun Girlfriend mong yan, hays huwag ako"

"Edi huwag kang maniwala sakin. Hindi ka din naman nagtatanong kong may dinadate ako o wala masyado ka kasing busy---Sheki! Kumatok ka nga bago ka pumasok!" Sigaw ni Jem nawala ang ngiti ko ng makita ko si Sheki sa may pintuan ng opisina ko.

"Wow! Need paba? Ayoko nga" Inirapan niya si Jem bago siya literal na pumasok sa loob umupo siya sa sofa.

"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay ko. "Bawal naba ako pumunta dito? Pinagpapalot mo na ako kay Jem. Nagtatampo tuloy ako" Nakasimangot na sabi niya.

"Kadiri ka Sheki hindi bagay sayo. Total nandito kana din naman usap muna kayo ni Sela dahil may date pa ako with dana. Mauna na ako mga single na broken bye na mga chararat" nakangiti naman siyang lumabas sa opisina ko. Inlove nga talaga tong babae nato, okay lang wala naman forever.

Into You Where stories live. Discover now