84

1.3K 91 72
                                    

Sela's POV

"Sheki naman! Kinakausap kita pero mas inuuna mo pa yan pagkain mo diyan" hinablot ko kay Sheki ang hawak hawak niyang burger ako naman nag order nito. Pinapunta ko siya para may makausap ako pero parang yun utak niya nasa kinakain niya ngayon.

"Masarap kasi...Ano bang chicka mo? Bakit kailangan ko pang pumunta dito? busy pa naman ako sa pag churva ah ah ah" napakunot noo naman ako sa sinabi niya na churva ah ah ah.

"Ang bastos naman pakinggan ng churva ah ah ah mo Tita Sheki" Singit ni Sevi nakatingin kasi siya samin dalawa ni Sheki.

"Hindi ba sabi ko sa loob ka muna ng kwarto mo Sevi. Bakit kaba sumasabat sa usapan ng matatanda?" Tanong ko sa kanya.

"Okay po sorry mommy papasok na nga ako sa kwarto ko. Magandang gabi po Tita Sheki" Nag blessed muna siya kay Sheki bago siya pumasok sa kwarto niya.

"Alam mo yan si Sevi napaka gwapo halatang may future siya na maging artista. Kamukha kamukha din siya ni Abby noh! Ganda ng lahi niyo sis!" Parang kinikilig na sabi ni Sheki.

"Wait! Nasaan asawa mo?" Tanong niya sakin habang nililibot ang paningin niya sa buong condo.

"Umalis kaya nga samahan mo ko dito" Niyakap ko naman ang braso niya na maliit. "Hoy! Kadiri ka! Baka makita tayo ng anak mo baka ano pang isipin, layo ka nga layo ka bilis" Ang kapal naman ng mukha nitong ipag tabuyan nalang ako basta basta.

"Umalis si Abby may pinuntahan" Sagot ko sa kanya inagaw naman ni Sheki ang burger na hawak hawak ko.

"Oh! Saan naman daw pumunta?" Tanong niya kinagat niya ang hawak hawak niyang burger sabay lingon sakin.

Pinagmasdan ko nalang siya.

"Kung hindi ka sasagot Marsela baka isampal ko sayo tong burger. So Saan pumunta ang magaling mong asawa My Dear Sela" Dagdag niya pa.

"May pinuntahan dami mong tanong hindi kaba masaya at kasama mo ko ngayon? Gusto din kita kasama ngayon Sheki" Nakapout na sabi ko hinampas naman ni Sheki ng mahina ang labi ko. Nilayo ang mukha niya kala mo naman hahalikan ko napaka feelingera nito.

"Kung gusto mo pala ako makasama edi sana ako nalang pinakasalan mo diba? Hays nako nako hindi kaba kinakabahan na baka maagaw ng iba yan asawa mo?" Napatahimik naman ako saglit sa sinabi ni Sheki.

"Isa lang naman kaya kong gawin magtiwala sa kanya. Alam mo Sheki ayoko na din paghigpitan si Abby---" Tinakpan naman ni Sheki ang bibig ko kaya napatigil ako sa pag sasalita ko. "Point ko kung hindi kaba kinakabahan sa kanya? Like Sela baka nakakalimutan mo si Abby yun asawa mo. Alam mo ba si Alice may gusto siya kay Abby kaya ayaw na ayaw ko makikita niya asawa mo harap harapan sinasabi na kesyo mas maganda daw yun kesa sakin. Gusto ko na nga din sampalin si Alice pag naririnig ko yun" Tinanggal ni Sheki ang pagkakatakip niya sa akin bibig, napabusangot naman siya bago siya muling kumagat ng burger.

"Wala akong magagawa kung ang girlfriend mo ay Playgirl, don't worry huwag kang kabahan kay Abby hindi naman niya mahaharot ng basta basta si Alice mo" Nakangiting sabi ko, ako lang ba yun kahit nakangiti parang hindi padin ako sigurado ngayon sa mga pinapakita ko.

Into You Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu