60

1.7K 97 17
                                    

Abby's POV

"Masaya akong makita ka ulit Abelaine" Nakangiting sabi ni Nile sakin nasa isang coffee shop kami. Pumayag din si Sela na mag usap muna kaming dalawa ni Nile.

"Hindi nako sanay na tawaging Abelaine, Abby nalang" Saad ko sa kanya at ininom ko ang hawak kong tea muli ko tong nilapag sa lamesa at tumingin sa kanya.

"Alam mo ba nung nawala ka hindi nako pumayag na tawagin pang Nicole. Ang nasa isip ko nun ikaw lang pwede tumawag nun sakin wala ng iba kaya mas nasanay na akong tawaging Nile" Matagal din pala nung huli ko siyang tinawag na Nicole kaya pala nung una kaming nagkita ay mayroon ako ibang naramdaman lalo na ng makita ko name niya sa I.D niya.

A.N Casitas.

"Nakalimutan man kita pero naramdaman ka ng puso ko. Hindi ka nagbago Nile nandiyan ka pa din para tulongan ako simula nung maliit palang tayo nandiyan kana. Sa tuwing may trouble ako agad agad kang dumadating para ilayo ako doon at para na din pasayahin ako. Naalala ko pa nga sa tuwing umiiyak ako lalapit ka sakin tapos papatawanin ako ng mga corny jokes mo" Hindi ko maiwasan sabihin lahat ng alaala namin noon.

Aaminin ko namiss ko si Nile hindi bilang kasintahan ko namiss ko siya bilang kaibigan ko. Nabuhay man kami na magkalayo at magkaiba pero hindi pa din nagbabago ang mga ugali namin.

"Abby, Mula noon hanggang ngayon hinintay ko yung pagbabalik mo" Sayang lang at hindi ko agad siya nakilala madaming araw ang nasayang sa tagal namin nagsama hindi ko manlang nahalata yun. "Inisip ko lang kung mas naalala ko ba ng maaga may mababago paba?" Tanong ko sa kanya hinawakan naman ni Nile ang kamay ko at nginitian ako.

"Wala mananatili lang tayo na magkaibigan Abby at si Sela ang mananatili mong mahal. First friend mo lang ako habang si Sela First Love mo" Sabi nito at inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"I'm sorry Nile hindi ko agad nasabi ang about samin ni Se---" Nilagay naman ni Nile ang hintuturo niya sa aking labi kaya hindi ako nakapag salita. "Nakaraan na yun Abby masaya nako makita kayong dalawa. Totoo ba na may anak kayo ni Sela?" Nabigla naman ako ng tanongin niya kung meron nga ba talaga kaming anak ni Sela.

"Kinakabahan ka? Huwag kang mag alala gusto ko lang malaman kung totoo Abby hindi naman ako magagalit. Maganda nga yun dahil may family na kayo, alam mo kung ano ang kulang?" Nakangiting sabi ni Nile nacurious naman ako ng lumapad ang ngiti nito sakin.

"Ano?" Nakakunot noo kung tanong sa kanya.

"Kasal Abby, Kasal nalang ang kulang sa inyo ni Sela. Ayusin niyo na ang papeles ng anak niyo hindi habang buhay surname ni Sela ang dadalhin nun ayaw mo ba na gamitin niya ang sayo? Kung ako sayo dapat nag iisip kana kung paano mo mapapakasalan si Sela"

Tama si Nile ngayon palang dapat plinaplano ko na agad kung paano ba ako makakapag propose kay Sela na magiging memorable sa kanya. Gusto ko siyang pakasalan para naman matawag ko na talaga siyang akin at macomplete na din ang family namin nila Sevi. Malay natin magkakaroon na ng kapatid yung little boy namin ni Sela. Teka bakit anak agad naiisip ko? Papakasalan ko muna si Sela bago yun ano bayan! Nakalimutan ko agad.

Sela's POV

Hindi pa din ako mapakali at paikot-ikot lang sa buong condo ng unit ko habang iniisip kung ano na kaya nangyayare sa dalawa na yun. Pumayag ako na mag usap sila pero bakit nag seselos pa din ako? Ang lakas ng trip ko diba? Pumayag ako pero magseselos ako. Sino ba kasi hindi magseselos pag yung girlfriend mo kausap ang ex girlfriend niya ngayon diba.

"Mommy, umupo ka nga muna nahihilo na po ako sayo" Hinawakan naman ni Sevi ang tela ng damit ko para patigilin ako sa paglalakad.

"Walking egg tsk" Saad naman ni Abea, hindi ko alam kung bakit sinama ko pa yan sa Condo. Una palang hindi ko na agad makasundo napaka laki ba agad ng galit sakin kahit nung nasa hospital palang kami.

"Tita Abea! Oo itlog si Mommy pero huwag mo naman ipamukha" isa pa tong si Sevi pagtatanggol ako pero tatawagin din akong itlog.

Mag tita nga talaga sila.

"Ate Sela bakit kaba kasi ikot ng ikot? Kaming dalawa ni Sevi nahihilo sayo atsyaka nag mumukha kang walking egg kakalakad mo diyan" inirapan naman ako nito bago siya nag cross arm sa harapan ko. Katabi lang siya ni Sevi sa tingin ko hindi maganda itatabi ko ang anak ko sa kanya. Napaka attitude kasi lalo na pagdating sakin.

Napakalayo ng ugali kay Abby o baka sakin lang siya ganyan? Ang bait niya sa iba pag sa akin Itlog ang tawag.

"Mommy iniisip mo ba si Ate Nile at Daddy?" Napalingon naman ako sa anak ko ng yakapin niya ang hita ko hanggang bewang ko lang kasi siya. "Sevi malamang baka kasi may nangyare na diba? Malay natin" sagot ko sa anak ko. Napansin ko naman na tumaas ang isang kilay ni Abea pero nginitian agad agad si Sevi ng tumingin ito sa kanya. May lahing plastik pala to?

"Alam mo yung brain mo kulay green. Grabe ka kasi mag isip na baka may nangyare na nag usap lang sila. Ikaw tong pumayag pero ngayon ay hindi mapakali sa kinatatayuan mo. Wala kabang tiwala sa kaibigan mo at girlfriend mo ate Sela?" Saad ni Abea, may point naman siya pero hindi ko talaga maiwasan mag isip eh.

Syempre hindi lang naman magkaibigan si Abby at Nile noon mag EX pa sila.

"May tiwala ako hindi ba pwedeng iniisip ko lang kung anong pwedeng ginagawa nila ngayon?" Tanong ko kay Abea hindi to sumagot at sinandal ang kanyang katawan sa may upoan.

"Mommy, huwag mo ng isipin yun satin pa din naman uuwi si Daddy mamaya. Ikaw din naman love niya eh umupo kana Mommy pls nahihilo na kasi ako kakalakad mo" Umupo nalang ako sa kabilang sofa ayukong tabihan si Abea baka magkasagutan pa kami.

Kumukulo ata dugo niya sakin.

"Sevi gusto mo ba mag play muna kayo ni Tita Abea mo habang pinaghahanda ko kayo ng haponan?" Nakangiting sabi ko kay Sevi napatingin naman sa gawi namin si Abea nakikinig din pala siya. "Hindi pa naman po ako gutom..." Sagot ni Sevi.

Tinignan ko naman si Abea para tanongin kung gutom na siya pero irap lang ang sinagot niya sakin. Mukhang need ko pang kuhanin ang loob ng babae nato bago kami magkasundo dalawa huwag naman sana niyang ilayo ang loob niya sakin lalo't sa huli ako din naman makakasama ng ate niya pang habang buhay.

--

A/N: Short UD muna bawi next Chapter.

Into You Место, где живут истории. Откройте их для себя