47

1.9K 98 12
                                    

Abby's POV

Pinauna ko ng lumabas si Sela ng kwarto nag hintay muna ako ng ilang minuto bago din ako lumabas. Sumilip lang ako ni hindi ako lumapit sakanila ayuko naman makisali sa circle nila.

"Coleen! Yung pagkain asan na? Nandito na yung bisita oh!" Sigaw ni Sheki kung anong ikinatahimik niya noon ngayon naman ang kinaingay niya o sadyang hindi lang kami nag karoon ng pagkakataon na makapag usap ng mas matagal.

"Pumunta kalang ba dito para makikain ate sheki?" Magalang na tanong ni Coleen kay Sheki, Sa iba napaka galing when kaya ako nito tatawagin na "Ate" sa tuwing nagkakausap kami ni Coleen laging "Abby" lang ang tawag niya sakin.

"Kailan ba pumunta si Sheki na hindi nanghihingi ng pagkain? Buti nga pagkain hinihingi niya pano nalang kung pera" Natatawang saad naman ni Jem, ngayon ko lang ulit siya nakita anlaki ng pinagbago niya mas lalo siyang naging maganda kaso height ganun pa din.

"Bakit ba kayo pumunta?" Tanong ni Sela na parang naiinis pa ang sabi ko ayusin niya itsura niya pero parang siya tong naiinis sa mga kaibigan niya.

Parang siya pa yung meron samin dalawa, napaka lakas ng mood swing eh.

"Namiss kalang naman ey!" Sigaw ni Sheki at niyakap si Sela ng nagpataad ng isang kilay ko, required ba na yakapin si Sela pag namiss?

"Sige na nga" Umirap si Sela bago niya inalis ang pagkayakap ni Sheki sa kanya lalo naman napataas ang isang kilay ko ng ilagay ni Sheki ang kamay niya sa bandang hita ni Sela.

"Kalma" Saad ko sa sarili ko habang nakatingin lang sakanila.

Bumalik na din si Coleen habang dala dala ang isang tray ng pagkain at nilapag sa lamesa. Nakahinga ako ng maayos ng alisin ni Sheki ang kamay niya sa Hita ni Sela dahil kukuha siya ng pagkain.

"Salamat coco ah" Nakangiting sabi ni Jem nginitian naman siya pabalik ni Coleen. Napatingin naman sa direksyon ko ito magtatago pa sana ako kaso nakita niya ako napangiti nalang si Coleen bago binaling ang tingin sa mga kaibigan niya.

"Sela pumayat ka diet kaba?" Tanong ni Sheki kay Sela na nasa tabi niya, Inayos ko naman ang pagkasandal ko at tinignan si Sela. Oo nga pumayat siya medyo nawala ang chubby cheeks nito.

"Oo nga Sela ngayon ko lang napansin" Pag sangayon ni Jem sa sinabi ni Sheki, Ngayon ko lang din napansin o sadyang hindi ko siya tinitigan ng maayos?

"Abby ayaw mo mag join sakanila?" Nagulat naman ako ng nasa tabi ko na si Coleen napaurong ako bahagya. "Circle of friends nila yun bawal outside" Sagot ko kay Coleen.

"Yeah tama ka, Sige huwag na" Nakangiting sabi ni Coleen sumandal din siya sa sinasandalan ko at nag cross arm pa habang nakantingin di sa mga kaibigan niya.

"Coleen pwede mag tanong?"

"Nagtatanong kana nga ih, pero sige ano?" Saad niya bago niya nilipat ang tingin sakin. Napaka pamilyar ng mukha ni Coleen sakin kahit nung una kong kita sa kanya.

"Oy! Abby ano nga itatanong mo sakin?" Nakangiting sabi ni Coleen sabay hawak sa balikat ko. Nawala naman sa isip ko kung ano itatanong ko sa kanya.

Into You Where stories live. Discover now