49

2K 98 14
                                    

Sela's POV

"Abby ang bagal mo naman kumain" Napahinto naman si Abby sa pagmuya at tumingin sakin na parang nagtataka. "May sasabihin nga pala ako Abby, Yung kaibigan mo tumawag kanina gusto niyang magpasama sayo hindi ko alam kung saan ha" Nakalimutan ko nga pala bangitin ang pangalan ni Rans.

"Sinong kaibigan?" Tanong ni Abby sabay lapag na hawak niyang kutsara. "Si Rans tumawag siya gusto niya magpasama sayo wala naman siyang sinabi kung saan" Sagot ko sa kanya at inabotan siya ng tubig.

"Ahh...Text ko nalang siya mamaya" Sagot nito, pinagpatuloy ni Abby ang pagkain habang ako ay nakatingin lang sa kanya kinakabisado ko lang ang itsura niya.

"Alam ba ni Rans ang about satin?" Tanong ko kay Abby, Bigla naman tong nasamid sa tanong ko sa kanya kaya muli kong inabot ang tubig sa kanya.

"H-ha? H-hindi pa nga" Nauutal na sabi nito. "Hindi mo pa sinasabi sa kanya?" Tanong ko muli sa kanya habang seryoso pa din nakatingin sa kanya.

"Sela hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya, Baka mamaya magsabi pa siya sa management kilala ko si Rans lalo't ano basta" Iniwas naman niya ang tingin sakin, Kinahihiya niya ba ako?

"Sige" Maikling sabi ko rito.

"Sela nagyaya nga pala sila Belle, May outing daw na magaganap gusto nila ako sumama payag kaba?" Tanong ni Abby sakin.

"Walang magbabantay kay Sevi, Hindi ako pwedeng makasama sayo baka ikaw nalang" Sagot ko sa kanya, Kailangan ko pang bumawi sa bata ilang araw ko ng hindi nakasama dahil puro ako habol kay Abby.

Tapos siya pa outing lang? Tadyakan ko kaya peslak nito.

Napatingin kaming sabay ni Abby ng umupo si Gabb sa sofa at binuksan niya ang TV. Binalik ko nalang muli ang tingin ko kay Abby na hinihintay ang sagot ko.

"Sela minsan lang sumama kana"

"Gustohin ko man sumama, wala ngang magbabantay kay Sevi" Sagot ko kay Abby, Sino naman pag iiwanan ko kay Sevi parents ko? Masyado na silang matanda at hindi pa nila nakilala si Sevi.

"Ate Sela kami nalang bahala kay Sevi hindi naman kami aalis ni Coleen, sumama kana kay Abby minsan lang yan" Napatingin ako kay Gabb at bumuntong hininga, Lagi nalang sila ni Coleen ang nagbabantay ng anak ko.

"Gabb nakakahiya na nakikitira na nga lang kami sa inyo tapos kayo pa magbabantay kay Sevi" Masyado na maraming natulong si Gabb sakin, ayuko na sanang dagdagan pa ang kulit kasi ni Abby. 

"Ate Sela mag enjoy ka naman ngayon nitong nakaraan araw kasi para kang problemado, Magsaya ka naman ngayon okay lang naman samin ni Coco na batayan si Sevi" Nakangiting sabi ni Gabb nagdadalawang isip talaga ako kung papayag ba ako o hindi dahil napaka laki na talaga ng utang na loob ko sa kanila dalawa ni Coleen.

"Pumayag naman si Gabb, Ano na?" Muling tanong ni Abby at hinawakan ang kamay ko. "May choice paba ako?" Iritang saad ko Napangiti nalang si Abby sa sinagot ko.

"Yey! pumayag siya" Parang bata na sabi nito, Bakit pa kasi need ko pang sumama pwede naman na siya nalang ang magpunta doon.

Into You Where stories live. Discover now