59

1.7K 109 19
                                    


"HINDI LANG SARILI MO ANG PINAPAHAMAK MO KUNDI PATI ANG MGA ANAK NATIN! RONNIE!" Napatakip ako sa tenga ko ng muli kong narinig ang sigaw ng aking magulang. Humikbi nalang ako habang nakatingin pa din sakanila na nagsisimula nanaman magsigawan.


"BAKIT HINDI MO BA MAKUHA ANG POINT KO! PARA DIN TO KAY ABELAINE AT ABEA NAGSUSUMIKAP AKO PARA SAKANILA TAPOS AKO PA ANG SISIGAWAN MO!?" sigaw pabalik ni Daddy kay Mommy.

Nagulat ako ng hawakan ni Nicole ang kamay ko at hinila palayo sa bahay namin. "Hindi ka dapat nakikinig sa usapan nila Abelaine" huminto naman kami sa playground at umupo sa swing na malapit samin.

"Nag aaway nanaman sila dahil nanaman sa pera ano ba talagang kahalagahan ng pera sa buhay ng tao? Pwede naman mamuhay ng normal lang" saad ko kay Nicole napatingin siya sakin at hinawakan ang aking kamay. "May mga bagay na hindi natin naiintindihan ngayon Abelaine, syaka ambata pa natin paano natin malalaman diba? As long na nakikita kita sasamahan kita ikaw lang ang nagiisang bestfriend ko eh" Tumayo naman si Nicole hinawakan ang wrist ko.

"H-hoy! N-nicole anong gagawin mo?" Kinakabahan na sabi ko "Bracelet ginawa ko yan para sayo" naakangiting sabi niya at sinuot na sakin ang bracelet na gawa niya. Napaka ganda halatang pinaghirapan niya.

"Swerte ko naman may kaibigan ako na katulad mo Nicole! Alam mo kung wala ka baka matagal ko na di nakayanan ang lahat"

"Talaga bang aalis na kayo?" Malungkot na sabi ni Nicole, bigla naman akong nalungkot sa tanong niya baka matagal tagal din bago kami magkita muli.

"Oo mamaya....Hindi ko alam kung kakayanin ko ba nasanay nako sa lugar nato. Nasanay na ako na magkasama tayo kumbaga parang ikaw na yun naging kambal ko" Pinunasan ko naman ang luha ko at ganun din si Nicole pero pinilit namin ngumiti.

"Maghihintay ako Abelaine, kahit kailan pa hihintayin kita pagbalik mo mananatili ako na kaibigan mo. Maglalaro pa tayo sabay natin tutuparin mga pangarap natin" Saad nito niyakap ko naman siya ng mahigpit baka sa susunod hindi ko na magawa to sa kanya. "Babalik ako pangako ko yan sayo! Friends forver diba?" Saad ko at tinitigan ang bigay niyang bracelet sakin habang yakap yakap ko siya, babalik ako para sa kaibigan ko.

Into You Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ