56

1.6K 94 8
                                    

Sela's POV

Panay naman ang tingin namin ni Sevi kay Coleen na parang may iniisip naka titig lang siya sa kape na inabot ko sa kanya. Panatmy din ang kanyang buntong hininga havang nakatulala rito. May problema kaya si Coleen?

"Mommy...okay lang po ba si Ate Coleen?" Tanong ni Sevi sakin at sumiksik sa aking kinauupoan. Pati yung anak ko napansin na din pala nito si Coleen.

"Hindi ko din alam baby. May iniisip lang siguro sya" sagot ko kay Sevi hinawakan ko naman ang mukha niya at nginitian ko siya bago ko binalik ang tingin kay Coleen.

"Coleen"

"Coleen" napakagat labi naman ako ng hindi pa din ito tumitingin sakin. Agad ko naman kinuha ang hawak ni Sevi na stuff toy at hinagis to kay Coleen.

Napatingin naman ito sakin buti naman nakuha ko na din ang kanyang atensyon.

"Ano yun Ate Sela?" Takang tanong nito sakin. Wala talaga siya sa kanyang sarili niya haist.

"Dalawang beses kitang tinawag Coleen pero hindi ka manlang tumitingin, May problema kaba?" Tanong ko sa kanya binuhat ko naman si Sevi at nilagay ito sa aking lap. "Mommy" tawag nito sakin.

"May iniisip lang ako Ate Sela, paano ko ba mahahanap ang dalawang tao. Hindi naman pwedeng bumase lang ako sa lumang litrato. Baka nga nag iba na din ang itsura nun ngayon" Minasahe ni coleen ang kanyang noo. Pinaupo ko muli si Sevi sa upoan para lapitan si Coleen.

"Lumang litrato?" Takang tanong ko sa kanya. "Oo, hinahanap ko kasi yung pinsan ko matagal na din nung huli siyang makita ni Daddy. Simula nung namatay sa isang car accident ang parents niya ay nawala na din sila samin" malungkot na sabi ni Coleen inabot niya sakin ang dalawang litrato ng tao.

"Sevi?" Bulong ko habang hawak hawak ang isang picture na kahawig ng anak ko. Napatingin ako kay Sevi na hindi alam ang ibig sabihin ni Coleen.

Hawig niya si Abby.

"Coleen sino to? Wala ka din naman nasasabi about sakanila" tanong ko habang kinikilatis pa din ang nasa larawan, kamukha nga ni Sevi ang isa sakanila at yung isa naman ay litrato ng isang sagot na sa tingin ko ay wala pa sa jsang taon gulang.

"Ang family ko mas minabuti nila na kami kami lang ang nakakaalam sa mga nangyayare dahil kapag nalaman ng iba si Abelaine at Abea din ang mapapahamak" Nabigla naman ako sa narinig ko kay Coleen, Pamilyar ang pangalan na binanggit niya sakin noon.

"Abelaine?" Ulit ko sa pangalan na binangit ni coleen.

"Abelaine Trinidad at Abea Trinidad ang pangalan nila. May nakapagsabi samin na may isang ampunan ang nakakukop sakanila noon ngunit nung puntahan nila Daddy ay wala na sila" dagdag ni Coleen.

Abelaine Trinidad?

Abea Trinidad?

Bakit napaka pamilyar sakin ng pangalan nung isa. Saan ko nga ba narinig yun? Iba ang pakiramdam ko ngayon.

Into You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon