72

2K 106 21
                                    

Sela's POV

Agad namin sinugod si Abby sa hospital napakahina ng pulso niya. Walang kasiguradohin kung makakaligtas siya nararamdaman ko kung lalaban siya para samin ni Sevi.

"Doc" Tawag ko sa Doctor lumapit ako sa kanya para malaman ang kalagayan ni Abby.

"The patient is still critical stage, Natamaan siya sa kanyang dibdib kung saan malapit sa kanyang puso...but she's too brave enough in fighting back. I'm sorry ma'am but we still need more time to observe patient. I can't tell you the possibilities that may happen to patient. Let's wait for 24hrs if there would be changes in her condition. Let's just hope for the best, excuse me ma'am but i have to go" Paalam ng Doctor sakin.

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko, Abby may tiwala ako sayo kakayanin mo to naghihintay lang kami ni Sevi na gumising ka.

"Princess, Everything's gonna be okay magtiwala lang tayo at magdasal" Pag cheer sakin ni Mommy lumapit naman ako at yinakap siya doon na ako napahagulgol ng iyak.

"Matapang si Abby magigising siya, Marsela" Hinagod naman ni Daddy ang likod ko.

"Ate Sela...Uhm Hi Tito and Tita" Napahiwalay naman ako sa pagkayakap ko ng dumating si Coleen. Pinunasan ko ang luha ko at tumingin sa kanya.

"Si Sevi?" Tanong ko sa kanya.

"Hinatid ko muna kay Daddy, Hindi pwede pumunta ang bata dito kaya pansamantala doon muna siya samin. Okay lang naman siguro sayo Ate Sela?" Tumango nalang ako kay Coleen. Wala akong gana magsalita ngayon lalo't alam ko na nahihirapan si Abby sa sitwasyon niya.

Pumunta naman ako mag isa sa chapel ng hospital sinamahan ako ni Nile. Yung ibang girls naiwan at hinihintay na malagyan ng room si Abby.  Nagpalagay na din kami ng securities na magbabantay kay Abby kung sakali makuhanan na tong ng room para sa safety na din niya. Baka kasi maulit na pag tangkaan nanaman ang buhay niya.

"Sela matapang si Abby alam ko naman magigising siya para sayo..para sa inyo ni Sevi" Saad ni Nile, Sumama siya sakin nung papunta ako dito sa may chapel sinabihan ko na huwag nalang pero sinamahan niya pa din ako.

"Nahihirapan ako makitang si Abby na ganun" Tumulo nanaman ang luha na pinipigilan ko. Basta pagdating kay Abby napakahina ko sa lahat ng bagay.

"Hindi lang ikaw ang nahihirapan ngayon, tayong lahat Sela importante satin si Abby mahirap na makita ang kalagayan niya. Sa tingin mo ba pag nalaman niya na nagiging mahina tayo ngayon matutuwa siya? Hindi Sela malulungkot siya kaya kailangan natin mag pakatatag para kay Abby" Hinawakan naman ni Nile ang kamay ko at pinunasan niya ang luha ko.

"Hindi din matutuwa si Abby kapag nakikita ka niyang umiiyak" Ngumiti siya sakin, pinapagaan niya talaga ang loob ko sa kabila ng awayan namin dalawa noon.

Dumating naman si Sheki.

"Sela at Nile tara na nasa private room na si Abby" Sabi samin ni Sheki ng makalapit siya samin dalawa ni Nile.

Inalalayan naman akong tumayo ni Nile na makatayo "Tara na" Saad nito sakin, ngumiti lang sakin si Sheki isa din siya sa nagpapalakas ng loob ko. Kung wala siguro sila baka kanina pa ako sumuko buti nalang pinapakita nila sakin na matatag sila.

Into You Where stories live. Discover now