92

1.6K 120 69
                                    

Abby's POV

Pagkagising ko napahawak nalang ako sa ulo ko sa sobrang sakin, hangover. Laking gulat ko ng malaman na wala akong saplot ngayon. What the hell? Anong ginawa ko kagabi? Don't tell me nadagdagan nanaman ang kasalanan ko? Nilibot ko tingin sa paligid ko pamilyar sakin tong kwarto nato.

Napatingin ako ng bumukas ang pinto nagulat ako ng makita ko si Sheki na nakapamewang agad ko naman tinakpan ang katawan ko. Don't tell me may nangyare samin dalawa!? Sa pag kakaalam ko si Sela ang kausap ko buong gabi...Ack! Ano ba to bakit hindi ko masyado matanda ang nangyare!?

"Gulat kaba? Wala akong ginawa sayo tukmol ka. As if naman may gagawin ako sayo, mag bihis kana daw sabi ni Sela nasa labas sila ng mga anak mo" May inabot siya sakin na paper bag. Nagdadalawang isip pa sana ako na kunin ito ng hawakan niya ang kamay ko para kunin ko lang.

"Si S-sela ganon totoo?" Hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya. Tumango si Sheki "Hindi ko nga alam kung Bakit ganon nalang karupok si Sela sa tulad mo? Kung ako sa kanya hindi kita papatawadin sa ginawa mo" Tinarayan niya ako. Kasabay nun ang palihim ko na pag ngiti ngayon.

"Huwag kang ngumiti na parang nababaliw diyan. Mag ayos ka maligo kana Abby anyway takpan mo yun leeg mo" Turo niya sa bandang leeg ko napahawak naman ako sa leeg ko na nagtataka ngayon. "May hickey...Takpan mo kung kaya mong takpan kung maaari. Ibang lamok ata kumagat diyan andami at anlalaki pa. Makaalis na nga magbihis kana duh!" Padabog naman sinara ni Sheki ang pinto.

Naiwan akong may ngiti sa labi. Hindi pala panaginip yun nangyare kagabi? Kundi totoo lahat ng yun. Si Sela nakasama ko siyang buong gabi, tumayo ako papunta sa cr binuksan ko ang shower napatingin ako sa salamin na nasa harap ko.

"May hickey nga Hays" Napailing ng makita ko ang hickey sa leeg ko hanggang papunta sa dibdib. "Andami naman nito!?" Gulat na sabi ko ng marealized kung gaano kadami. Si Sela lang naman pwedeng gumawa nito pero bakit ganto...? Napaka dami T^T

Pagkatapos kong maligo sinuot ko ang nasa loob na paper bag na damit. Si Sela kaya namili nito? Saktong sakto kasi sakin halos lahat, Sino pa nga ba? Alangan naman si Sheki hindi naman nun kabisado ang Body Size ko. Tumingin ako sa drawer na nasa tapat ko pagkabukas ko buti nalang may nakita akong contour pinahidan ko ang bawat hickey ko para hindi mahalata.

Hahawakan ko na sana ang doorknob ng biglang bumukas to. "Gising kana pala Abby" Kinabahan ako ng makita ko si Sela sa harapan ko parang umurong bigla ang dila ko. Wala manlang lumabas na kahit anong salita dito.

Nakatitig lang ako sa kanya ngayon na parang isang teenager na nakita yun taong gusto niya.

"Hinahanap ka ni Sevi, Mamaya nalang tayo mag usap sa ngayon panindigan mo ang pagiging magulang sa anak ko. Mali sa anak natin dalawa papalagpasin ko muna ang lahat kung ito ang magpapasaya kay Sevi. Puntahan mo na siya naghihintay na siya" Umalis na si Sela sa harapan ko sinundan ko lang siya na parang isang buntot niya. "S-sela pwede ba kitang makausap?" Kinakabahan na tanong ko sa kanya lumingon siya sakin.

"Mamaya" Maikling sagot nito ng makita ko siyang ngumiti bigla nalang naglaho lahat ng kaba ko.

Hindi na kaya siya galit? Sakin?

Into You Where stories live. Discover now