23

1.9K 100 22
                                    

Abby's POV

Maaga ako nagising para ipagluto si Sela ng makakain niya ngayon. Inamoy amoy ko pa talaga kasing bango ko ata yung niluluto ko sana kasing sarap ko din para maadik ang kumakain. Pagkatapos ko magluto ay hinain ko na din sa mesa ang mga niluto ko at hinihintay ko nalang ay si Sela na magising.

Umupo naman si Sela sa may sofa habang hawak hawak ang ang ulo niya. Hang over ata to lakas makapag yaya hindi naman kaya. Tinimplahan ko muna siya ng kape bago ako lumapit sa kanya.

"Hang over?" Tanong ko sabay abot ng kape sa kanya. Tumango lang ito at hindi nagsalita.

Umupo naman ako sa tabi niya. 

"Yan lang ba gusto mong inomin? Nag luto nako para makakain ka" Saad ko sa kanya pero patuloy naman siya sa paghalo ng kape gamit ang kutsara.

"Sela" Tawag ko sa pangalan ngunit hindi niya ako kinikibo sa halip ay ang atensyon nya ay nasa kapeng binigay ko ni hindi naman niya iniinom.

"Unli" Sabi nito habang patuloy sa paghalo ng kape. Tumingin naman ito sakin at tinaasan lang ako ng kilay.

"Namumula ka kasi..Ganyan kaba pag bagong gising?" Natatawang tanong ko habang nakatingin sa mukha niya.

"Manahimik masaket na nga ulo ko ang ingay mo pa" Iritang sabi nito sabay inom ng kape na tinimpla ko sa kanya. Masaya ako kahit gaano nagkakaroon na kami ng Conversation ni Sela hindi tulad noon na nauutal pako pag kinakausap siya.

"Bakit kaba kasi nag inom ng marami? Hindi mo naman pala kaya knock out ka tuloy" Saad ko. Bigla ko tuloy naalala ang ginawa niyang pagsuka nakakadiri man pero ayuko nalang mag open up sa kanya about doon.

"Sama ka?" Tanong ni Sela sakin.

"Sama sa saan?" Tanong ko sa kanya, Niyaya niya ba ako? Payag ako Kung date basta siya ang kadate >.<

"May pupuntahan ako mamaya, Sasama kaba?" Muling tanong  niya sakin. Hindi nga niya sinasabi Kung saan siya pupunta eh.

"Saan nga?" Saad ko.

"Sa mga kaibigan ko sasama ka? Kung naboboring ka dito sumama kana lang sakin" Ngumiti nalang ako sa sinabi niya bago tumayo at tinapik siya. Napatingin to sakin hinihintay niya papala sagot ko.

"Kahit saan pa sasamahan kita" Kindat ko.

"Yuck Abby!" Iritang sabi niya natawa nalang ako sa reaksyon niya nilapag naman niya ang hawak niyang kape. Bago niya takpan ang mukha niya gamit ang palad niya.

"Kinikilig ka lang ata, Kumain kana nagluto nako para sayo kung hindi masarap pwede ka naman mag pa deliver pero mas maganda nung kakainin mo ang niluto ko. Para hindi magastos" Saad ko sa kanya hinawakan ko naman ang kamay niya para alalayan siyang tumayo.

"Hindi ako kinikilig abby, Kadiri kaya" Sabi nito. Mas kadiri nga ginawa mo sakin kagabi ikaw ba naman na makatikim ng suka ng iba haist.

"Upo kana Sela" Pati sa pag upo ay inalalayan ko din siya. Gusto ko lang siya pag silbihan ngayon at mukhang nagiging komportable na din siya sakin.

Into You Where stories live. Discover now