7

1.8K 91 4
                                    

Sela's POV

"Sela yung mga kaibigan mo nandiyan" Rinig kong sabi ni Kuya Miguel sa labas ng aking kwarto.

Napatayo naman ako at binuksan ko ang pintoan ko.

"Sino?" Tanong ko.

Nagkibit balikat nalang si Kuya miguel bago siya umalis. Sumunod nalang ako sa kanya napangiti naman ako kung sino yung mga tao na nag effort na pumunta sa bahay.

"Marsela!" Masayang sigaw ni Ecka.

"Buti naman at pwede na kami ulit pumunta dito nag pumilit kasi jem na pumunta kami dito" Saad naman ni Ate Grace habang katabi niya si Jem at Ecka na nakaupo sa sofa namin.

"Kailan kayo dumating?" Tanong ko, Nagpunta kasi silang tatlo sa cebu para mag outing sinasama nila ako pero di ako sumama. Masyado kasing magulo ang takbo ng isip ko nun.

"Kahapon lang, Ayos kana Mars?" Tanong ni Ecka sakin lumapit naman siya at niyakap ako.

"Namiss ka namin Sela. Alam mo hindi buo ang tropa kung wala ka eh" Tumayo na din si Jem para yakapin ako.

Naghahalo ma ata yung mga perfume nila habang yakap yakap ako. Mabango naman yung mga kaibigan ko kaya di ako umaangal lmao.

"Lagi nalang op ah! Pasali ako sa inyo i miss youu Marsss!" Lumapit na din sakin si Ate Grace at niyakap din ako.

"Saglit hindi ako makahinga oy" Natatawang saad ko kaya naman napahiwalay silang tatlo sa pagkakayakap sakin.

"Anlaki ng pinayat mo Mars, Teka nagpabrace ka?" Tanong ni Grace sakin at hinila pa talaga ang labi ko napaka harsh naman nito.

"Awts baka matanggal labi ko sayo eh" Daing ko at tinakpan ko nalang ang bibig ko baka hilahin ulit niya. Mapunit pa labi ko sa pinag gagawa ng babae nato.

"Ang boring kahapon pumasok kami sa S.U, Pero ansabi nila nag transfer kana daw" Malungkot na sabi ni Jem, sila sila kasi ang mga kasama ko sa S.U mga matalik kong kaibigan.

Except kela Alice at Nile bigla silang lumayo simula ng malaman kung ano ako. Hindi ko na sila kinausap pa pagkatapos namin magtalo nung araw na nalaman nila yung about samin ni Gia.

"Mars, What if kami din" Masayang sabi ni Ecka.

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, May balak silang umalis sa S.U? Baka magkagulo lang at isipin ng iba na pinilit ko sila Jem na umalis na din.

"Oo nga Mars! Sama na kami magpapalipat kami ang boring sa S.U pag wala ka. Syaka hindi din naman kami okay nila Nile ngayon anlaki ata galit sayo" Napakamot nalang ng ulo si Ate Grace habang nagsasalita.

So hindi din sila okay nila Nile? Bakit kasi ang kitid ng utak nun minsan napaka childish kasi.

"Syaka kilala mo to si Ecka hindi kampante to hanggat di ka nakikita. Baka nga may umaway pa sayo doon san ka nga pala lumipat?" Tanong ni Jem sakin.

"Sa M.U" Maikling sagot ko na kinalaki naman ng mata nila.

"Sa mga poor!?" Sabay sabay nilang sabi napa roll eyes nalang ako sa sinabi nila.

Into You Where stories live. Discover now