82

1.3K 96 35
                                    

Sela's POV

Ilang araw na nakakalipas napapansin ko na parang napaka iwas sakin ni Sevi. Pag tinatanong ko si Abby kung anong problema ang lagi niyang sagot sakin "Ako na bahala kay Sevi" ni hindi nga ako matignan ng sarili kong anak. Hindi kaya napapalayo na ang ako ng bata sakin? Wala manlan akong kamalay-malay.

Pumasok ngayon si Abby sa trabaho kaya naiwan yun mga bata na kasama ko. Naglalaro si Sevi ng favorite toy niya na spiderman habang buhat buhat ko naman si Sedine.

"Sevi hindi kaba napapagod sa paglalaro mo diyan?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Lumingon sa'kin si Sevi saglit ni hindi niya ako sinagot. Pinagpatuloy lang niya ang paglalaro niya parang hindi manlang ako narinig. Masakit sa part ko bilang magulang niya ngayon palang binabalewala na ako paano pa kaya pag laki niya.

May mas lala paba?

Hinawakan naman ni Sedine ang pisngi ko pinaharap sa kanya "Mama" Tawag niya sakin.
Kahit papano nawawala yun bigat na dala dala ko pag tinatawag niya akong mama idagdag mo pa ang ngiti niya.

"Kailan po ba si Daddy uuwi? Mamaya po ba?" Tanong ni Sevi sakin hindi niya manlang ako nilingon an atensyon niya ay nasa mga laroan niya.

"Sevi Bakit mo hinahanap si Daddy? Nandito naman si Mommy pwede kitang samahan sa paglalaro mo sa toys mo" Sabi ko sa kanya.

"Ah. Mas gusto ko kasing kalaro si Daddy" Sagot niya sabay tumayo siya kinuha niya ang mga laroan niya.

"Saan ka pupunta? Tapos kana maglaro Sevi?" Tanong ko sa kanya, sinundan ko siya ng tingin kung saan siya pupunta.

"Maglalaro sa kwarto ko Mommy wala pa naman si Daddy. Alagaan niyo nalang po si Sedine baka mahirapan kayo kung makikipaglaro pa po kayo sakin" Sagot nito pumasok siya sa kwarto niya. Minsan naiingit ako kay Abby dahil siya nalang laging hinahanap ni Sevi.

Hindi katulad ko na ako ang laging kasama nung bata pero parang anlayo ng loob niya sakin. 

"Ginagawa ko naman ang lahat" Malungkot akong iniwas ang tingin sa kwarto ni Sevi. Mas minabuti ko nalang titigan si Sedine na karga karga ko.

Pakiramdam ko tuloy naging masama ako na magulang kay Sevi. May mali ba sa mga nasabi o nagawa ko? Kaya ganun nalang kung lumayo ang loob niya sakin ngayon. Napaka hirap maging magulang at asawa kung lahat nalang ng kilos mo ay mali sa paningin nila. Ang pinaka ayaw ko lang kay Abby kahit alam niya na may mali si Sevi lagi niya itong kinakampihan kahit pagsabihan niya lang hindi niya kayang gawin.

"Sedine napapagod na si Mommy" Malungkot na sabi ko kay Sedine.

"Pwede bang yakapin muna kita anak? Pahinga muna ako saglit napapagod na kasi si Mommy" Sabi ko sa kanya sinandal naman ni Sedine ang ulo niya sa dibdib ko at siya na mismong yumakap sakin.

"Mukhang ikaw lang talaga nakakaintindi sakin" Mahinang sabi ko hinalikan ko siya sa kanyang noo. "Mama" bangit niya sakin natawa nalang ako kasi yun lang ang kaya niyang sabihin ngayon.

Pinikit ko muna saglit ang mata ko ng may marinig ako pag bukas ng pintoan kaya napatingin ako.

"Kukuha lang po ako tubig" Sabi ni Sevi habang nakasilip sa may pintoan niya.

Into You Where stories live. Discover now