51

1.9K 103 32
                                    

--

Kinagabihan nag tungo ang lahat sa room nila Belle dahil mas malaki to kumpara sa tinutuloyan nila hindi naman maiwasan ni Sela mapatitig kela Belle at Ecka pagkatapos ng kanyang marinig. Napansin naman ni Abby ang pagtitig nito kaya naman nag-alalang hinahawakan nito ang kamay ni Sela.

"Gutom ako! walang pagkain diyan?" Tanong ni Sheki habang kinukulit si Belle at tinutulak tulak, nakita maman ito ni Ecka at dali-dali binigyan si Sheki ng makakain.

"Speed ha" Nakangiting sabi ni Belle at pasimpleng hinawakan ang kamay ni Ecka.

"Aish, Seriously?" Hindi makapaniwalang sabi ni Sela habang ang kanyang mata ay nasa dalawa. "Anyare Sela?" Nagtatakang tanong ni Abby ng mapansin niya kung saan nakatingin si Sela.

"Rans...Bakit?" Tanong ni Yzabel sa katabi niya na titig na titig kay Sela. "Ganyan ba talaga sila kaclose ni Abby?" Tanong din ni Rans bago lumingon kay Yzabel na parang hindi pa sure sa isasagot niya. "Hindi ba close ni Abby si Mr.Guia noon, Normal lang siguro na close sila ng anak nito hehe" Awkward nalang na ngumiti ito, naniwala nalang si Rans sa sinabi ni Yzabel sa kanya.

"Kunin ko lang yung mga iinomin natin, Saglit lang ha" Nakangiting sabi ni Belle at binitawan ang pagkakahawak sa kamay ni Ecka. "Sige lang yung pagkain dagdagan mo! Baka kulang!" Sigaw ni Sheki sa kanya.

"Alam mo sheki para kang patay gutom" Pasmadong sabi ni Sela tinakpan naman ni Abby bibig nito ngunit huli na "Hoy! Okay lang yan atlis busog ha!" sigaw ni Sheki bago niya irapan si Sela na kanina pa nakabusangot.

Bumalik naman si Belle na dala dala ang mga alcoholic drinks dali-dali naman lumapit si Ecka para tulongan ito.

"Bakit hindi pa kasi umamin jusko naman" Saad ni Sela habang nakatitig sa dalawa "Pinagsasabi mo diyan Vaklah?" Tanong ni Sheki na katabi niya ngayon inakbayan lang siya ni Sela at pinisil ang ilong nito.

"Hoy! Laro naman tayo ang boring kaya!" Sigaw ni Sheki at inalis ang pagkakaakbay ni Sela, Pumuwesto siya sa gitna. "Anong laro yan? Mag eenjoy ba kami diyan?" Tanong ni Rans sa kanya.

"Oo mag eenjoy ka dito promise ransoy!" Nakangiti nakakalokong sabi ni Sheki habang nakatingin kay Rans, Bigla naman kinutoban si Abby habang nakatingin lang Sheki.

"Anong lalaroin natin Sheki?" Tanong naman ni Ecka sa kanya "Hanap ka nga ng empty bottled, Truth or dare" Napasapo naman sa noo si Belle sa narinig niya.

"Ang boring naman ng na----"

"Oh! Huwag kang sumabat dahil extreme edition to, Kung hindi ka open minded pwede kanang pumikit at lumabas my dear" Nakangiting sabi ni Sheki.

"Hindi ko gusto to ah" Bulong ni Abby sa sarili niya habang inaayos ang suot niyang damit.

Bumalik na din si Ecka at inabot ang bote na pinapahanap ni Sheki. Umupo sila ng paikot para makapag laro sila ng maayos. Hinihintay naman ni Sela na umupo si Abby sa tabi niya ngunit nagulat siya ng mas pinili ni Abby na umupo nalang sa tabi ni Yzabel.

"Paki ayos sheki, Nakakaba ka naman" Saad ni Belle ng malaman niya na si Sheki ang unang mag iikot.

"Game okay na kayo?" Masayang sabi ni Sheki habang nakatingin ng papalit palit sa iba. "Uhm game" Hindi siguradong saad ni Rans, kinindatan naman siya ni Sheki bago niya ipaikot ang bote.

Into You Where stories live. Discover now