42

1.8K 106 17
                                    

Abby's POV

"Ang pretty naman po" Nakangiti na sabi nito. Napangiti ako sa sinabi niya nakatitig ako sa mga mata nito napaka pamilyar sakin ng mukha niya. Niyakap ko nalang ang bata ng hindi ko namamalayan.

"Ate what's your problem po?" Rinig kong tanong nito habang yakap yakap ko siya. "Abby...Si Sevi hindi makahinga sa pagkayakap mo" Inalis ko naman ang pagkakayakap ko sa sinabi ni Gabb.

"Sevi ang name niya? how cute" Hindi ko maialis ang tingin ko kay Sevi grabeng bilis ng tibok ng puso ko sa kanya ngayon. Hindi naman to si Sela bakit ganon nalang mag react to?

"Ate Gabb, paupoin mo si Ate Ganda oh" Nagpacute naman si Sevi kay Gabb.

"Hays, Ano pa nga ba magagawa ko Abby pwede mo ba kaming salohan ng bata nato" Nguso niya kay Sevi hindi naman ako nagdalawang isip pa at tumabi nako kay Sevi. Napatingin sakin si Sevi at ngumiti ulit lumalabas ang dimple niya na mas nagpacute sakanya.

"Abby yung name mo po? Bagay sayo" Hindi ko maiwasan na mapangiti nalang sa sinabi niya. Hindi ako gaanong mahilig sa bata pero exception na ata tong si Sevi.

"Gabb babae ba to?" Nabulonan naman si Gabb sa tanong ko kaya inabotan ko siya ng tubig. Hinampas naman ako ni Sevi ng kutsara niya sa bandang braso ko.

"Abby....Lalake yan sadyang magandang lalake lang" Saad ni Gabb.

"Like you gwapong babae" Sabi ko rito bago ko ilipat ang tingin ko kay Sevi na kumakain. Napagkamalan ko siyang babae dahil may hairpin yung buhok niya.

Napatingin naman ako sa okra na nasa lamesa, Iniwas ko nalang tingin ko dito ayuko talaga makakita o makatikim manlang ng okra na yan. Bata palang ako ayaw na ayaw ko na diyan feeling ko siya pinaka No.1 Enemy ko sa lists.

"Haist bakit ayaw nyo sa okra?" Tanong ni Gabb at kinuha nalang yung okra. Mukhang napansin niya ang pag iwas ko ng tingin dito.

Napatingin naman sakin si Sevi "You don't like okra too? Same ate ganda kaaway ko yan" Hindi ko alam na may pagkakatulad pala kami nitong bata to. Nagtaka naman ako ng ibigay ni Sevi sakin yung kutsara.

"Ate Ganda ikaw naman po ang kumain tapos nako" Nahiya naman ako dahil si Gabb nakatingin lang samin dalawa. Hindi ko masyado close si Gabb pero naipakilala na siya sakin ni Sela noon.

"Diet ako Sevi" Nahihiyang sabi ko at nilapag ang hawak ko na kutsara.

"Ate Gabb, Punta naman po tayo sa bilihan ng stufftoy!" Yaya ni Sevi ngunit kumakain pa si Gabb.

"Sevi mamaya nalang kumakai--" Nagsalita naman ako kasi nakikita ko na gustong gusto ni Sevi na pumunta. What if ako nalang sumama sa kanya?

"Gabb ako nalang sasama sa kanya kung pwede lang?" Hindi pa ko sure sa sinabi ko, gaya nga ng sabi ko never kami nagkaroon ng mahabang conversation ni Gabb noon.

Hindi sumagot si Gabb sa halip nag pasalit salit ang tingin niya samin dalawa ni Sevi "Ate Gabb, Sasamahan daw ako ni Ate Ganda" Nagulat naman ako ng hawakan ni Sevi amg kamay ko. "S-sige b-bilisan nyo a-ah" Nauutal na sabi nito, ano kayang problema?

Into You Where stories live. Discover now