35

1.9K 97 13
                                    

Sela's POV

"Masakit ba?" Tanong ni Ecka sakin pagkatapos niya gamotin ang sagot ko at timitigan ako.

"Alam mo Sela ganyan din siguro ang nararamdaman niya sa tuwing iniiwan mo siya at binabalewala mas higit pa nga ang ginawa mo sa pang iiwan. Masakit!" Dugtong pa niya.

Gusto ko nalang umiyak kaso ayukong ipakita kay Ecka kung gaano ako naaapektohan. Tama si Ecka dahil isa din naman siya nakaalam sa ginawa ko noon kay Abby.

Hanggang kailan niya ako iiwasan?
Hanggang kailan niya ba ako papahihirapan ng ganto?
Hanggang kailan niya babalewalain?
Simula ng bumalik ako ang mahalaga nalang sakin, Ang makuha ang loob niya pero anlayo niya na sakin.

Ganon naba katigas ang puso niya? Kaya hindi niya ako magawa mapatawad sa mga kasalanan ko? Wala na ba talaga akong pagkakataon na itama ang kasalanan lahat ng ginawa ko? Hindi naba talaga niya ako mahal? Naka move on naba talaga siya?

"At oo may karapatan naman talaga si Abby magalit sayo. Baka nga kung ako sa kanya kulang patong ginawa niya sayo baka kung ako nasa kalagayan niya matagal na kita isinumpa-- aray! Huh! mapanakit!" Hinampas ko naman siya ng malakas dahil mas napapatanong ako sa sarili ko dahil sa sinabi niya.

Tama si Ecka. Masyado ata akong naging kampante na pag bumalik ako ay babalik din agad sakin si Abby, Ang nasa isip ko noon pag bumalik ako magiging okay na lahat pero mas nagulo ko lang lahat.

Masaya na siya sa Iba.

Masaya na siya sa kaibigan ko.

Ang hirap lang tanggapin, Dahil isa sa mga kaibigan ko pa ang pinalit niya sakin.

"Ayusin mo to Sela, Masyado ka atang nagiging kampante pwede bang bilisan mo...Baka maunahan kana ng iba" Napatingin naman ako dahan dahan kay Ecka at ngumiti kahit nahihirapan ako.

"Ecka, Finish na ano pa gusto mong gawin ako? Nakikita ko naman siyang masaya gagambalain ko paba? Makikigulo paba ako sakanila?" Sunod na tanong ko kay Ecka na ikakunot ang noo niya.

"Pinagsasabi mo Sela?"

"Hindi mo ba alam? Si Abby at Nile may relasyon sila mukha naman masaya sila sa isa't isa..Ayukong gulohin ang dalawang taong nagmamahalan di ako ganon Ecka" Nabigla ata si Ecka sa sinabi ko ilang beses kasi siyang napakamot ng ulo.

"Seryoso sila? hindi ko manlang napansin walang nakukwento si Nile sakin about diyan ha. Hindi ko din sila nakikitang magkasama kaya hindi ko alam sorry sela kung alam ko lang baka sinabi ko agad"

Pasimple naman akong tumingala para hindi bumagsak ang luha ko. Pinagmamasdan lang ako ni Ecka alam ko, Deserved ko naman ata lahat ng to mag tataka paba ako?

--

Coleen's POV

"Gabb, Ang cute naman ng batang to! Anak ba natin to? Charr! Ang cute cute oh!" Nang gigil na sabi ko at kinurot ang pisngi ng batang naglalaro. Natawa naman ng nahina si Gabb sa sinabi ko at pinigilan ako sa pagkukurot sa pisngi nito.

"Coco! Hinay hinay nga lang namumula na yung pisngi ni Sevi eh!" Saad nito pagpigil sa kamay ko.

Ang cute talaga niya lalo na ang mata niyang singkit at ang mataba nitong pisngi idagdag mo pa ang napakamaputi nitong balat na kala mo anak araw napaka gwapo naman ng bata nato. Kung magkakaroon kami ng anak ni Gabb gusto ko ganto kagwapo.

"Hindi ba siya nakakaintindi ng tagalog? Baka Koreano to ah!" Sigaw ko habang nakatingin sa bata na hindi manlang ako binabalingan ng tingin.

"Hindi lang sanay baka naninibago sayo Coco, Napapangetan sayo" Sinamaan ko naman ng tingin si Gabb. "Kahit na may bagong baby dito Sevi, Ako pa din original na baby ni Gabb kuha mo" Saad ko at nag babytalk sa harap ng bata. Nagulat ako ng titigan ako nito kaya medyo napaatras ako ngayon lang kasi niya ako binalingan ng tingin.

Tumayo to habang hawak hawak ang stuff toy niya na si Olaf. Naupo ako bahagya habang pinagmamasdan siya lumapit ito sakin at tinaas niya ang kamay niya, Nagtataka naman ako sa ginagawa nito.

"Carry tayo?" Nakangiting sabi nito, Napangiti din ako nakakahawa ang ngiti niya. Lumabas naman ang dimple nito ng magsalita siya. "Yiee Coco nagwagi Kasi pinansin na siya ni Sevi" Sabi ni Gabb na nasa upoan pinapanood kami.

Nasa sahig kasi kami ni Sevi dalawa, Simula ata ng dalhin ni Gabb rito si Sevi ay hindi nako umalis sa tabi nito.

"Stand pls!" Utos niya sakin sakin syaka niya niyakap ako mula sa leeg at kiniss at pisngi ko. Hanla! Baka magselos si Gabb sa ginagawa ng batang to yaan mo na siya parin naman ang Baby ko.

"Sevi, Ansakit ha nanakit ako djk halika nga ditong bata ka" Saad ko ng tumakbo to palayo sakin. "No! Habol" Cute na sabi nito habang akap akap ang kaniyang mahiwagang si Olaf.

Natawa nalang ako sa kakyutan nito,

"Ate Cocow" Mas napahalagakhak si Gabb ng marinig niya ang sinabi ni Sevi. "Sevi, pwede mo din siyang tawagin nalang na Kuko tulog mukha naman siyang hinlalaki ng paa" Tumayo naman ako at umupo sa tabi ni Gabb at sinapak sapak siya sa braso.

"Sevi, Ate COCO not Ate COCOW" pag cocorrect ko sa kanya.

Muli akong tumayo at lumapit ako sa bata niyakap ko to at hinalik halikan sa pisngi kaya napa hagikgik si Sevi sa ginawa ko.

"Hmp! Ang cute cute mo ha! kanino kaba nag mana mukha kang koreano" Nang gigil na sabi ko sa kanya.

"Ate Coco dance" Saad nito, napaka demanding ng bata na to kung ano ano gusto ipagawa sakin. "Hoy kuko dance ka daw, Sayaw kikay sayaw kikay la la la la~" Rinig kong sabi ni Gabb at kumanta pa talaga siya.

"Sevi do you like olaf?" Tanong ko sa kanya bago ko iabot ang olaf niya sa kanya, Hinawakan naman nung bata ang ilong ng stuff toy at ngumiti.

"I don't like olaf...I love olaf" Sagot nito at yinakap ng mahigpit ang stufftoy niya.

"Do you love Ate Coco?" Tanong ko ulit sa kanya at pinisil siya pisngi. "I love ate..Ate..ate..Gabb!" Bigla naman umalis sa harapan ko si Sevi at pumunta kay Gabb, Walang hiya! iniwan ako.

"Coleen hindi ka niya mahal, Dahil ako ang nagmamahal sayo right sevi?" Tumango tango nalang si Sevi at ngumiti, Feeling ko naging isang buong pamilya kami dahil sa kanya. Nagkaroon kami ng isa pang makakasama dahil kay Sevi.

Napangiti nalang ako habang nakatingin sa dalawa, niyakap yakap naman ni Gabb ito. Ang cute nila tignan dalawa pero di ko maiwasan tumawa dahil napaka puti talaga ng bata hindi ko alam kung sino kamukha niya. Pero napaka pamilyar ang mata nito everytime na ibabaling ko ang timgin sa mga mata nito.

--
-

Sevi photo at the media. Beke genhee yern.

Unicoco ft Sevi.

Into You Where stories live. Discover now