61

1.8K 106 35
                                    

Sela's POV

Agad ko naman hinila si Abby papasok sa kwarto pag bukas ng pintuan. Napasinghap naman siya sa gulat sa ginawa ko habang nanlalaki pa ang mata niya. Sinarado ko naman ang pinto at nag cross arm sa harapan niya.

"S-sela"

"Kamusta? Ano napag usapan niyo ni Nile?" Tanong ko sa kanya napalunok naman ito, natatakot ba siya? Baka naman may ginawa siya kaya natatakot siya ngayon.

"Butcho pwede naman samin dalawa nalang yun... kailangan mo pabang malaman yun?" kinakabahan na sabi nito napabunton hininga at tumango sa kanya, need ko malaman yun dahil ako ang partner niya baka naman natatakot lang siya.

"Bakit kaba natatakot magsabi? Siguro may something kayo ni Nil----Hmp!" Tinakpan naman ni Abby ang bibig ko. "Sela tulog na si Sevi at Abea ngayon mo pa naisipan mag bunganga, paano nalang kung nagising isa sakanila? Pls hinaan mo namab boses mo" mahinang sabi nito inalis ko naman ang kamay niya na nakaharang sa bibig ko at sinamaan siya ng tingin.

"Walang namamagitan samin ni Nile, nag usap lang kami about sa friendship namin before wala ng iba huwag kana magselos butcho. Gabing gabi sumisigaw pa eh magising pa yung mga bata sa kabilang kwarto" Saad nito habang inaalis ang damit niya, tumalikod muna ako dahil mukhang magpapalit ata siya ng damit kahit naman Girlfriend ko yan may privacy pa din yan.

Pag katingin ko muli kay Abby ay nakaharap na siya sa laptop niya. Hindi manlang nagsabi na tapos na pala siya mag bihis -,- nakakaurat na tong babae na to. Wait wala naman siyang ginagawa bakit ba naiinis ako ngayon?

"Butcho kala ko ba gabing gabi na pero bakit nakatapat ka sa laptop mo?" Tanong ko sa kanya lumapit naman ako dito at sinadal ko ang katawan ko sa likod ng chair niya habang ang kamay ko ay nasa balikat niya.

"May aasikasohin lang ako saglit gusto mo matulog kana muna diyan But---Wait Sela" Inangat naman niya ang tingin niya sakin kaya napababa ang tingin ko sa kanya.

"Ano ba talaga Cs natin? Butcho o Love nalilito nako eh" Napahagikgik nalang ako sa tanong nito sakin at pinisil ko ang pisngi niya. "Pati yan prinoproblema mo na din Love?" Natatawang sabi ko napakamot nalang siya sa ulo niya at ngumiti ng slight bago niya ibalik ang tingin niya sa laptop.

Habang nagscroll si Abby may nadaanan siyang picture ng bata at ngumiti siya. "Bakit?" Tanong ko sa kanya habang nagtatakang nakatingin sa litrato. "Inisip ko lang sana naabotan ko si Sevi sa ganyan edad, ansaya siguro mag alaga ng bata" masayang sabi nito, bigla tuloy akong nakaramdam ng guilty ni hindi manlang niya nakita si Sevi nung baby pa to.

"Abby..."

"Kung mag sosorry ka Sela huwag mo ng gawin, okay na tayo diba? Kasama ko na kayo ni Sevi ngayon masaya na ako doon. Hindi man natin maibabalik ang nasayang na oras kaya naman natin gawin yun ngayon eh" Saad nito hinawakan ko naman ang buhok niya at pinaglaroan habang nakapout na nakatingin sa picture.

"Abby gusto mo bang magkaroon ng kapatid si Sevi? Yung totoo ha" Napaubo naman ito sa narinig niya sakin mukhang hindi niya inexpect ang tanong ko.

Into You Where stories live. Discover now