85

1.7K 93 52
                                    

Abby's POV

"Hi! Goodmorning" masiglang bati ko sa kanya ng buksan niya ang pintoan. Nilapit ko ang Mukha ko sa kanya hinalikan siya sa kanyang labi.

"Ano to?" Tanong niya ng may iabot ako sa kanya.

"Sela uhm, Breakfast?" Nakangiting sabi ko sa kanya. Napatingin to sakin at nagtatakang tumango. "Abby...Hindi ka naman bumibili ng breakfast sanay ka na ako ang nag luluto diba" mahinang sabi niya tumingin muli sakin.

"K-kasi! Para di kana mapagod pa Sela kaya bumili nako ng pagkain natin. Hindi ka pa naman siguro nakaluto diba?" Muntik pa akong mautal habang sinasabi ko yun. Dagdagan mo pa yun kaba habang tinitigan ka niya.

"Hindi pa naman pero pwede naman ako magluto hindi ka sana pa nag abala para lang bumili nito Abby" sabi nito.

"Ah Sorry" Sabi ko nalang sa kanya yuyuko sana ako ng hawakan niya ang magkabilang cheeks ko.

"Btw Thankyou pasok kana sa loob Abby tulog pa yun mga bata" Hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya hinawakan pabalik ang kamay niya ng mahigpit.

"Oh bakit?" Tanong ni Sela habang nakatingin naman sa kamay dalawa. Pinisil ko ang kamay niya sabay ngumiti sa kanya "Gustong gusto ko hinahawakan ang kamay mo" Sabi ko sa kanya.

Namula naman si Sela sa sinabi ko.

"Oo na Abby pumasok kana sa loob anlamig dito. Baka magkasakit kapa kargo di konsisya ko pa tara na butcho" Hinila niya ako papasok sa loob ng bahay, napasandal naman ako sa kanya hinawakan naman ni Sela ang likodan ko para di kami sabay matumba.

"S-salamat" Nauutal na sabi ko lumayo sa kanya para dumistansya sa kanya. "Gisingin ko naba muna ang mga bata?" Tanong ni Sela nilapag niya ang binili kong pagkain sa lamesa.

"ABBY GISINGIN KO BA YUN MGA BATA?" Ulit niya sa tanong niya. Napakamot nalang ako ng ulo ko, masyado ata akong natutulala kay Sela.

"Maaga pa naman huwag mo na muna silang gisingin" Sagot ko umupo ako sa upoan hahalumbaba sana ako sa lamesa ng tapikin ni Sela ang kamay ko. "Umagang umaga huwag kang ganyan para kang naluge diyan" Sabi nito kaya sakin.

"Kain nalang muna kaya tayo habang tulog pa yun mga bata Sela?" Tanong ko sa kanya nakatayo sa sa may gilid ko kaya tumingala ako para makita siya. "Hindi ba natin hihintayin muna sila Sevi? Baka kasi magising na yun anytime at magtampo pag nakita niyang nauna na tayo---" Tumayo naman ako at pinaupo siya ngayon.

"Coffee nalang kaya Abby" Sabi nito sakin.

"Gusto mo?" Tanong ko sa kanya, tumango tango siya. Napangisi nalang ako bago siya iwanan para pumunta sa kusina.

Nagtimpla muna ako ng kape ni Sela bago ako bumalik sa kanya. Nilapag ko ang kape na ginawa ko sa lamesa hahawakan sana ni Sela ng pigilan ko siya. Napaangat ang tingin niya sabay sabing

"What?" Parang batang tanong niya sakin ng pigilan ko siyang kunin ang baso ng kape.

"Mainit pa gusto mo ba mapaso?" Tanong ko sa kanya umupo ako sa tabi niya.

Into You Where stories live. Discover now