88

1.4K 99 145
                                    

Abby's POV

Nasa CR ako ngayon tinitignan ko ang salamin na nasa harapan ko. Napairap nalang ng mapansin ko sobrang pula ng magkabilang pisngi ko. Hindi ko din masisi si Sheki kung bakit nya nagawa akong sapalin ng ganon ganon nalang. To the point na tama naman siya. Pareho kong masasaktan si Sela at Nile.

Bakit ba kasi nangyayari sakin ngayon to? Dapat ko bang sisihin si Nile? Pero hindi ko naman pwede masisi siya dahil ako tong nagpadala sa tukso. Wala ibang sisihin kundi sarili ko din kasalanan na kung kasalanan. Hindi ko mapigilan pareho ko silang mahal at sa huli naman ayoko silang masaktan.

Nandiyan pa si Sela, Ang asawa ko fvck isa pa sa hindi ko kayang masaktan lalo't may anak kaming dalawa. Hindi ko na alam ang gagawin ko nagugulohan na ako ngayon.

--

Pumunta nalang ako sa isang condo ko para doon mag pahinga. Laking gulat ko ng makita ko si Nile na naghihintay sa may sofa. Sinara ko ng mabilis ang pintoan tinitigan siya ng nagtataka, napansin kong may wine sa gilid niya at umiinom siya ngayon sa condo ko.

"Bakit naparito ka ngayon?" Tanong ko habang minamasahe ang noo ko. Sinandal ko ang katawan ko sa may pader habang nakatingin sa kanya.

"Sinabi ko kay Sheki lahat...Nasabi ba niya sayo?" Tanong ni Nile sakin.

Napaseryoso naman ang tingin ko sa narinig ko sa kanya. Ang akala ko narinig lang ni Sheki lahat ng yun hindi ko aakalain na sa kanya pala nagmula ang lahat.

"Oo, hindi ba obvious? Kita mo ba tong pisngi ko namumula dahil sa ginawa niya. Pinagsasampal niya ako kani-kanina lang" Sagot ko sa kanya.

Nagulat naman siya nilapag ang hawak niyang wine glass, lumapit siya sakin hinaplos ang pisngi ko.

"I'm sorry hindi ko alam na gagawin ni Sheki lahat ng yun" Nag aalalang sabi niya habang hinahaplos pa din ang pisngi ko. "Okay lang hindi mo naman kailangan mag sorry, Deserved ko naman ata masampal ni Sheki" Ngumiti ako sa kanya kahit na ramdam na ramdam ko ang hapdi ng pisngi ko.

"Abby may narealized lang ako" Sabi nito 

"Ikaw ang rason kung bakit nag stay pa ako dito sa lugar nato. Gusto ko lang malaman kung may pag asa ba kung mahal mo pa ba ako o hindi, dahil kung hindi naman hindi na kita gugulohin pa pero nun sinabi mo sakin na mahal mo pa ako nung isang araw. Nagbago lahat, sa tinagal tagal ngayon ko lang narealized na yun naman talaga ang gusto kong marinig sayo kahit nung hiniwalayan mo ko dati. Naniniwala ako na balang araw marerealized mo na mahal mo pa din ako" dagdag pa nito.

Natahimik ako at pinagmasdan ko nalang ang mukha niya.

"Ipaglalaban kita Abby, wala na akong pakialam kung may Sela kana at wala na din akong pakialam pa kung asawa mo pa siya. Aagawin kita sa kanya, kung ito lang ang nag iisang paraan para mapasakin ka..wait akin ka naman talaga diba? Tayo naman talaga pero mas pinili mo siya kesa sakin haha. Pero ngayon hindi na ako matatakot babawiin ko na lahat ng akin" hinaplos haplos ni Nile ang pisngi ko hindi niya inaalis kahit isang segundo ang tingin niya sakin hanggang sa hinawakan niya ang labi ko pinisil bahagya.

Into You Where stories live. Discover now