32

1.8K 86 28
                                    

Sela's POV

Nawala naman ngiti ko at iniwas nalang tingin ko sa kanya. Bakit bigla nalang may kumirot sakin? Napakagat ako sa ibaba kong labi at dinako nalang ang tingin ko sa mga taong nakatingin samin.

"Oh ano tinitingin tingin nyo diyan?" Nakataas kilay kong sabi. Dali-dali naman nilang inalis ang tingin samin nila Abby.

Mga chismosa tsk.

"Sela, Kailangan na natin magsimula" Saad ni Luke, nginitian ko nalang ito at tumango bago tumingin sa dalawang artista na gaganap. "Goodluck" Tinignan ko naman si Abby pero agad ko din inalis ang tingin ko sa kanya.

Kung tignan niya ako parang ako na ata ang pinaka masamang tao sa lahat. Dati sa tuwing nakikita niya ako hindi nawawala ang ngiti niya habang kausap ako pero ngayon ibang iba na. Masakit kasi akala ko pag bumalik ako at kung sakaling magkita kami....Walang magbabago pero ibang abby ang nakikita ko sa kanya.

---

"Ready! Camera ! Action!" Sigaw ko at inayos ko ng ang upo ko.

Dahan dahan naman lumapit si Abby kay Rans at hinila niya ito gamit ang bewang niya. Napairap naman ako dahil parang wala manlang ka emosyon emosyon si Abby habang nakatitig siya Rans.

Seriously? Sino pala samin ang hindi ginagawa ng maayos ang trabaho?"

"CUT!" Sigaw ko sabay tinaasan ng kilay si Abby. Inirapan naman agad ako nito at binaling ang tingin niya agad kay Rans.

"Alam niyo napaka panget!" Sigaw ko nagulat ata si Lara sa sinabi ko. "Ms. S-sela huwag---"

Binaling ko naman ang tingin ko kay abby at tumayo nako sa kinauupoan ko at lumapit kay Abby. "Ikaw ba? Makaranasan kana ba talaga sa pag arte? Kasi parang wala eh, Walang wala sa emosyon Abby Tuod ka?"

"Edi ikaw umarte" Walang emosyon na sabi nito at nginisian ako. Kapal naman ng mukha nito na gantohin ako parang daddy ko ata nag paaral sa kanya.

"Abby...put you left hands on her waist like this and pull her closer like this" Bigla ko naman hinila siya papalapit sakin hanggang sa naglapat ang katawan namin, nagulat naman siya sa biglaan ginawa ko sa kanya.

"Titigan mo siya na parang siya lang yung babae sa buong mundo" Bulong ko sa kanya habang tinitigan siya...Habang tinitigan ko si Abby ibang iba na ang itsura nito lalo siyang gumanda. Tinitigan din naman ako ni Abby pabalik kitang kita ko sa mata niya ang lungkot nito at higit sa lahat galit na alam ko dahil sa ginawa ko noon sa kanya.

Nakokosensya ako sa lahat na ginawa ko sa kanya noon. Kung pwede nga lang bumalik sa nakaraan at baguhin lahat ay gagawin ko para lang mapatawad niya. Pero alam naman natin na hindi mangyayare yun tanging pwedeng gawin ko lang ngayon ay itama lahat ng pagkakamali ko sa kanya.

"Abby....I want to see your lust in your eyes look at me" Dagdag ko bigla naman nagbago ang expression nito tinignan niya ako gaya nung nakikita ko sa kanya dati nung magkasama pa kami ng dalawa. Mga tingin kung paano niya ipakita sakin kung gaano ako kahalaga sa kanya at yun ang hindi ko nagawa noon.

"Hawakan mo siya sa pisngi at dahan dahan mong ilipat to patungo sa kanyang batok bago mo siya hilahin papalapit muli sayo" Saad ko binigla ko naman siya sa ginawa ko. Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa ko pakiramdam ko ako mismo ang papatay sa sarili ko.

Into You Where stories live. Discover now