57

1.6K 98 10
                                    

Sela's POV

"Maupo muna kayong dalawa iha" Saad ng matandang babae na nasa harapan namin ni Coleen ngayon.

Umupo naman kami ni Coleen sa isang Mahaba na bamboo chair. Nilibot ko ang aking tingin sa paligid ko napaka lumang orphanage na ito. Hindi kaya dito din tumira ang taong hinahanap namin?

"Ma'am ako nga po pala si Sela at ito ang aking kaibigan na si Coleen" Pagpapakilala ko sa aking sarili at kay coleen. Tinignan naman kami ng ginang na nasa harapan namin, iniisip niya siguro kung saan niya kami nakita.

"Sorry Sela at Coleen ngunit hindi ko kayo matandaan, nagtungo naba kayo dati noon rito?" Tanong nito samin dalawa ni Coleen.

Ngumiti naman si Coleen sa kanya.

"Ang totoo po niyan ito po ang ating unang pagkikita" saad ni Coleen, sana may malaman kami sa taong kaharap namin ngayon.

"Ganun ba? Kaya pala hindi pamilyar ang inyong mukha sakin" Ngumiti ito samin at umupo na din sa harapan namin dalawa. "Mukhang malayo ang inyong byinahe dalawa, itsura niyo palang na parang taga maynila kayong dalawa. Ano nga pala ang sadya niyong dalawa rito?" Dagdag pa niya.

Sinilayan ko naman si Coleen at sinenyasan siya na ang sumagot sa ginang na nasa harapan namin. Tinuro naman ni Coleen ang kanyang sarili na ngumiti ako at tumango sa kanya.

"Ang totoo niyan may itatanong po pala kami sa inyo. Kung kilala niyo po ba tong dalawa na to 15 years ago pa po yung picture na yan itinago po ng aking Daddy para kahit papano may alaala kami sakanilang dalawa" agad naman inabot ni Coleen sa ginang ang litrato na kanina niya pa hawak hawak. Kinakabahan naman akong tumingin sa Ginang.

Tinitigan niya ng matagal ang litrato sabay ngumiti samin.

"Kung ganun hinahanap niyo ba silang dalawa? Mukhang nahuli na kayo ng dating dito iha" nabigla kami ni Coleen at nagkatinginan dalawa. Kung ganun possible na dito nang galing yung hinahanap namin.

"Kung ganon po ano ibig niyong sabihin na nahuli na kami ng dating?" Tanong ko sa kanya.

"Matagal na din ng huli ko makita silang dalawa, kung hindi ako nagkakamali ang isa rito ay kasing edad niyo" bakas sa itsura nito na inaalala niya pa ang ibang detalye.

"Natatandaan nyo paba ang kanilang pangalan? Matagal na po namin silang hinahanap dalawa. Ako po si Coleen ang pinsan nilang dalawa" Saad ni Coleen alam ko na kinakabahan din siya pero gusto niya na kahit paano ay may malaman siya.

"Abelaine at Abea ang pangalan nila yung ang pagkakatanda ko. Maraming tao na din ang pumunta dito at hinanap ang dalawang yan mukha din silang hindi mapagkakatiwalaan" sagot nito samin.

"Kung ganon po hindi lang kami ang unang pumunta dito? May iba pa po bang tao ang nagpunta dito?" Sunod sunod na tanong ni Coleen sa kanya.

Into You Where stories live. Discover now