86

1.5K 92 29
                                    

Abby's POV

"Mommy buhat po!" Sabi ni Sevi nakatayo siya sa harapan ni Sela. Hinihintay ko naman kung anong ang isasagot ni Sela, kaya niya ba?

"Masakit yun bewang ko Sevi, baka di kita mabubuhat" Sagot ni Sela sa kanya.

"Ako nalang mag bubuhat sayo Sevi, Ah sela ikaw nalang magbuhat kay Sedine" Singit ko sa usapan nila total nasakin naman si Sedine baka kaya niya naman siguro magbuhat pag ganto?

"Yey! Bubuhat ako ni Daddy!" Masayang sabi ni Sevi habang nagpapadyak padyak. Mabigat kasi si Sevi kumpara kay Sedine kaya siguro tumangi si Sela idagdag mo pa yun may nangyare samin kanina.

"Sure ka diyan?" Tanong ni Sela ng lapitan ko siya para siya naman ang magbuhat kay Sedine.

"Yeah Sure ako. Ako na ang bahala sa lahat gusto mo ba munang magpahinga? Ako nalang muna kikilos sa lahat ng bagay pahinga kana lang muna" Sabi ko sa kanya hinalikan ko siya sa pisngi niya. Napangiti ako ng makita kong ngumiti si Sela sa'kin, bumabalik na yun dati niyang ngiti.

"Sevi! Halika na dito bubuhatin kani Daddy" tawag ko sa anak ko hinawakan naman ni Sela ang kamay ko sabay pinisil niya ito bago ako ito bitawan.

"Daddy!" Tawag ni Sevi lumapit naman ako at binuhay siya. "Ang bigat ng baby, bigboy na talaga siya oh!" Sabi ko sa kanya napachukles naman so Sevi at tumango tango.

"Malapit na pala yun birthday mo Sevi" Bigla akong napatingin kay Sela sa sinabi niya. Naalala ko nga pala nawala kasi sa isipan ko na mag bibirthday na pala si Sevi.

"Kahit naman siguro 9 na ako baby nyo pa din po ako diba? Sana katulad nalang ako ni Sedine para lagi akong nababatayan ni Mommy simula kasi ng pinanganak siya nawawalan na ng oras si Mommy" Siniksik ni Sevi ang mukha niya sa leeg ko. Napatingin ako kay Sela na nilalaro si Sedine ngayon.

"Sevi Mas kailangan ni Sedine si Mommy kaya hindi ka niya muna nasasamahan" Bulong ko sa kanya pabalik. Hindi ko nalang sasabihin kay Sela ang narinig ko ayoko siyang malungkot.

"Mas kailangan Daddy? Sadyang mas gusto niya si Sedine kesa sakin. Tinatanggihan niya ako lagi maybe ito na din ang oras para tanggihan ko siya" mas humigpit ang pagkakapit sakin ni Sevi. Hinaplos ko ang likod niya.

"Sela! Magpapahangin muna kami ni Sevi saglit sa labas" Saad ko napatingin naman si Sela sakin "Sige basta bumalik kayo agad, papakainin ko pa si Sedine para naman lumakas tong baby ko. Eh cute cute talaga" Nakangiting sabi ni Sela habang kinikiliti si Sedine.

Napalingon naman si Sevi sa kanya "Mas favorite talaga niya si Sedine, Daddy" malungkot na sabi ni Sevi muli niyang siniksik ang ulo niya sa leeg ko.

--

"Nagtatampo kaba sa Mommy porket hindi ka niya masyado na aasikaso Sevi?" Tanong ko sa kanya binaba ko siya umupo ako sa may bandang hagdanan sa labas ng bahay. "Daddy wala naman pake si Mommy sakin. Si Sedine lang naman inaalala niya" Nakayuko na sabi nito habang nakasandal sa may pader.

Into You Where stories live. Discover now