30

1.9K 88 16
                                    

Abby's POV

"Congrats kanina ha, napanood ko kung alam mo lang kung gaano ako ka proud sayo abby" Agad ko naman niyakap si Nile, Grabe kahit isang araw ko lang hindi siya nakita namiss ko kaagad siya.

"Thankyou Nile, Kasi sinusuportahan mo ko sa pinili kong career"

"Grabe pano kita hindi susupportahan, eh pareho lang naman tayo ng trabaho kaso hindi nga lang tayo nakaka work together" Napakamot nalang ako sa batok at hinila papalapit sakin si Nile akmang hahalikan ko na sana ito.

"Ate Nile nakita mo ba yung Cha--Dapat pinatay nyo na din yung Ilaw nahiya pa kayo" Saad ni Abea, Binitawan ko nalang si Nile at dahan dahan lumayo rito. Ilang beses na kasi kaming nahuhuli ni Abea ako nalang nahihiya para sa ginagawa ko.

"Yes baby? Ano yun hinahanap mo?" Malambing na sabi ni Nile rito at niyakap yakap pa si Abea, kahit na 15 years old na si Abea binababy niya pa din to kaya masyadonh malapit sa kanya ang kapatid ko.

"Yung charger ko ate nile hindi ko makita" Malungkot na sabi nito.

"Hiramin mo nuna charger ko nasa loob ng kwarto, May pag uusapan lang kami ng ate mo ha" Kinisan naman ni Nile si Abea sa pisngi kaya napabusangot ako.

Napatingin naman si Nile sakin kaya biglang lumapad ang ngiti ko.

"Oo nga pala pagod ka ba? Bakit kasi napaka sikat ng girlfriend ko eh" Nakangiting sabi nito.

"Kahit naman sikat ako, Ikaw pa din naman gusto ko" Malambing na sabi ko at niyakap siya mula sa likod, hinawakan naman ni Nile ang kamay ko sabay hinalikan.

"Abby,  Naisip mo ba kung sakaling hindi ganto ang pinili natin trabaho...Sana malaya tayong makakapag gala sa labas na tayong dalawa lang kaso naalala ko maraming mata nakatingin satin at ayuko naman masira ang pangalan mo" Rinig kong sabi nito, napakunot noo naman ako sa sinabi nito at pinaharap siya sakin. 

"Eh ano naman? Okay lang naman sakin yun Nile basta makasama lang kita" Hinalikan ko naman ang pisngi nito at hinawakan. "Nahihirapan kaba sa set up natin?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi naman, Masaya na ako makita kitang naaabot ang mga pangarap mo nandito lang kami nila belle at lalong lalo na si Abea susupportahan ka namin" Walang araw na lumilipas na hindi pinaparamdam sakin ni Nile kung gaano niya ako kamahal.

Nakakahiya pa nga kasi s'ya pa tong gumawa ng paraan para makuha si Abea sa ampunan noon. Si Nile din ang tumulong sakin para makapasok ako sa industriya na ginagalawan ko kaya napakalaki talaga ng utang ng loob ko sa kanya. Kahit kay Mr.Guia napakalaki ng loob ko din dahil pinatapos niya ako ng pg aaral sana magkit ulit kami ni Mr.Guia para ako mismo ang makapag pasalamat sa kanya ng personal.

"Abby ayos kalang tulala ka" Napabalik naman ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Nile at piniti pa niya ang ilong ko.

"Oo naman, May bigla lang ako naalala"

"Kain na tayo baka gutom kana ako na naghanda niya, Bukas nga pala may taping kapa diba" Umupo na din ako tapos nilagyan ni Nile ang plato ko ng pagkain at umupo sa harapan ko.

Into You Where stories live. Discover now