81

1.2K 88 30
                                    

Sela's POV

Pagbalik ni Abby sinalubong ko agad siya sa may pintoan hinatid niya kasi si Nile sa may parking lot. Nagulat siya ng makita niya ako sa may pintoan na naka crossarms.

"Nahatid mo na si Nile? Anyare?" Tanong ko sakanya ng makabalik na siya.

"Anong anyare? Dapat bang may mangyare?" pabalik na tanong niya sakin. Binatokan ko naman siya kaya napahawak to sa ulo niya nagtatakang nakatingin sakin.

"Ibig kong sabihin maayos mo ba siyang naihatid" Napatango naman siya naghalf smile bago niya lapitan si Sevi.

"Nakaalis na po ba si Tita Ganda?" Nakapout na sabi ni Sevi habang yakap yakap niya si Abby.

"Yeap hinatid ko na siya, baka sa susunod dadalaw naman siya" Sagot ni Abby ginulo ang buhok ni Sevi ngayon. "Sela dadalaw pa naman siya dito diba" Napatingin ako kay Abby tinuro ko naman ang sarili ko. Ako ba kausap niya?

Malamang ako si Sela...May iba pabang Sela dito?

"I guess" Mahinang sabi ko sa kanya.

"Mommy padalawin mo si Tita Ganda ko ha! Syaka Mommy may iba akong nararamdaman sa kanya"

"Ano naman nararamdaman mo Sevi?" Tanong ko lumapit na din ako sa dalawa.

"Mommy, Super ganda niya talaga! Pwede ko po ba siyang maging girlfriend!?" Nanlaki naman ang mata ko habang si Abby natatawa pa sa sinabi ni Sevi. Kung pwede lang mambatok ng bata ginawa ko na eh.

"Masyado kapang bata para diyan Sevi" Sagot ko sa kanya.

"Pwede ko nalang po ba siyang mommy?" Sinamaan ko naman siya ng tingin sa tinanong niya. "May Mommy kana diba? Ako ang Mommy mo wala kana dapat ibang tatawagin pa na Mommy. Abby pag sabihan mo nga yan si Sevi at isa pa huwag mong turoan yan na humarot pareho kayong malilintikan sakin" Nilakihan ko pa ng mata si Abby.

"Masyado mo naman sineseryoso ang sinabi ni Sevi. Alam mo bang tinatakot mo yun bata?" Niyakap naman ni Abby si Sevi napatingin ako sa anak ko na hindi makatingin sakin.

"Kaya nga sinasabihan kita pag sabihan mo hindi yun puro kalang oo sa mga sinasabi ni Sevi. Isa pa huwag mo laging tinatawanan ang sinasabi niya kaya siguro naiisip ng niya na tama lahat ng sinasabi niya" Dagdag ko sa sinabi ko kay Abby.

Tinakpan naman ni Abby ang tenga ni Sevi at tinignan ako na para bang naiinis sa narinig niya sakin. Pinagsasabihan ko lang naman siya, siya pa yun galit? Ang galing naman talaga nexttime ba dapat itikom ko ang bibig ko?

"Nakakarindi kana Sela kaya hindi malapit sayo si Sevi lagi mo kasing pinagsasabihan kahit wala naman mali sa sinabi niya" Inalis ni Abby ang pagkakatakip niya sa tenga ni Sevi at pinaharap to sa kanya. "Gusto mo ba bilhan ka ni Daddy ng Ice cream?" Nakangiting tanong ni Abby kay Sevi.

Iniispoiled lang niya ang bata.

"Ice cream mo Daddy!? Gusto ko po yan!" Masayang sabi ni Sevi, close talaga sila ni Abby pero totoo nga ba na tinatakot ko si Sevi? Iba naman ang pananakot sa pinagsasabihan mo yun bata.

"Labas mo na tayo Sevi. Hayaan na muna natin Mommy baka pagod lang siya" Inayos ni Abby ang buhok ni Sevi bago niya ako tignan. "Aalis lang kami muna ni Sevi nake sure isara mo yun pinto. Mamaya nalang tayo mag usap nexttime nga pala Sela huwag mo naman ipakita sa kanya yun ugali mo" Seryosong sabi nito kinarga si Sevi.

Into You Where stories live. Discover now