27

1.8K 96 8
                                    

Abby's POV

Palabas palang ako ng pinto ng bumungad sakin si Sela. Napatingin to sakin mula ulo hanggang paa.

"Aalis ka?" Tanong nito sakin.

Ang totoo niyan balak ko talagang dumalaw sa kapatid ko, ilang araw na kasing hindi ko  siya nakikita puro kasi sela ang laging binabantayan ko.

"May dadalawin lang ako saglit...Ikaw kumain kana ba? Hindi ka kasi kumain bago ka umalis" Nag aalalang tanong ko sa kanya.

"Tapos na, Ingat ka" Tinapik naman ako nito bago siya umalis sa harapan ko. Ang cold naman niya, sure ba talaga siyang hindi siya galit sakin? Bakit ang cold ng pakikitungo niya sakin.

Naghihintay naman ako ng taxi na pwede kong sakyan, medyo malayo kasi ang orphanage dito compare sa tinitirahan ko noon. Panay tingin naman ako sa relo ko wala ni isang dumadaan na taxi dito. Hindi ba uso sa lugar nato?

Sabagay may kanya kanya kasi mga kotse ang mga tao dito. Ano ineexpect mo ba abby? Ni hindi nga ako tinanong kanina ni Sela kung saan ako pupunta eh.

May isang malakas na busina naman ako narinig sa bandang gilid ko kala ko tuloy sasagasaan ako nito.

"Abby? Oo nga ikaw nga Abby" Pagkalingon ko muli kong nakita si Nile na kakababa palang ng sasakyan niya.

"Nile, Ikaw pala bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya at lumapit ako sa kinaroroonan niya.

"May pinuntahan akong kaibigan, Sakto naman nakita kita' ikaw bakit ka nandito? Dito kaba nakatira?" Tanong ni Nile sakin sabay tingin sa building. Kung alam lang niya na nakikitira lang talaga ako kay sela.

"Uhm nakikitira lang ako" Sagot ko rito.

"Naghihintay kaba ng masasakyan rito? Abby huwag mo ng pagodin sarili mo, dahil hindi uso commute sa lugar nato" Natatawang sabi nito, kaya pala wala manlang dumadaan na taxi kahit jeep wala.

"Sige"

"Sandali abby, Ihatid nalang kita sa pupuntahan mo. Wala din naman akong gagawin hatid nalang kita" Alok nito sakin, Buti nalang nandito si Nile kung hindi mapipilitan ata ako maglakad papunta sa orphanage na pupuntahan ko.

"Sige nile, bawi ako sa susunod ha" Binuksan naman ni Nile ang sasakyan niya pumasok nako at umupo sa frontseat katabi si Nile. Baka isipin kasi nila na driver ko si Nile nakakahiya kaya tumabi nalang ako dito.

"Saan ka nga ulit pupunta?" Tanong nito sakin bago niya start ang makina ng sasakyan niya. "Sa Children Christ Orphanage" Sagot ko sa kanya napatingin to sakin.

"Orphanage?" Tumango ako sa kanya, hindi nato nagtanong sa halip ay pinaandar na niya ang kotse niya.

Natulog na muna ako saglit malayo layo pa naman ang byahe.

--

"Abby nandito na tayo" Nagising naman ako ng tapikin ni Nile ang pisngi ko.

"A-ah sorry naka tulog ako" Nahihiyang sabi ko at inalis ang seatbelt ko. "Abby, Pwede bang samahan na muna kita? Ayuko pa kasing umuwi samin...Kung okay lang naman" Nahihiyang sabi ni Nile sakin. Sasamahan niya ako rito sa orphanage baka maboring lang siya dito.

Into You Where stories live. Discover now