Nasa lamesa na siya at nagtama agad ang mata namin. Kasama niya ang ilang babaeng kaibigan din. Sa tuwing recess kasi ay lagi akong naglalapag ng bottled water with snacks sa lamesa niya. She probably knows I like her but still, hard as rock. She's always giving me a doubtful eyes. Malayo talaga siya sa mga babaeng nagustuhan ko na kapag binibigyan ko ng ngiti ay kinikilig at ngumingiti pabalik. But she's not like that, kaya nga siguro mas nagustuhan ko pa siya.

"Feeling close?"

I shook my head. "Hindi rin naman. Malapit siya sa pamilya ko kaya siyempre nagkakausap at nagkikita kami," sagot kong muli sa mga pang uusisa ni Felix.

"Alam mo ba na 'yan ang crush ng crush mong si Irish?" he divulged that made me stopped.

"What did you say?" I asked but already in disbelief.

"Crush ni Irish si Brandean! Halos lahat ng estudyante dito alam 'yan dahil siyempre famous ang dalawang 'yan. Ikaw ba naman ang parte ng student council na sobrang ganda at guwapo, hindi magiging famous?" paliwanag ni Felix.

Nilingon ko tuloy si Brandean na wala na ngayon sa bulletin board. May kinabit lang siya siguro doon at umalis na agad pagkatapos.

"Baka yung hinihintay mo na ang dinikit niya! Tara!" hinila ako ng mga kaibigan ko palapit sa bulletin board.

Hindi ko na tuloy naintindi ang iritasyon na bigla kong naramdaman nang malaman na crush ni Irish si Brandean. Bakit kailangang siya pa? Nakakairita.

Nakakabuwisit.

Nakakainsulto.

Nakakabanas.

"Oh, brad!" si Felix na nagdiwang na agad nang makita ang pangalan ko sa mga nakapasok na manlalaro sa sports fest under track and field category.

Tuluyan nang lumisan ang iritasyon ko at napalitan na ng nag-uumapaw na saya at excitement. Nagtalunan at hampasan kami ng mga kaibigan ko.

Matagal ko nang hinihintay ang resulta mula noong huling try out namin. Lagi kasing postponed ang pag-announce kaya naisipan nila na isabay na sa iba pang sports na maglalabas ng resulta.

"Congrats..." pare pareho nalang kaming napalingon sa nagsalita sa likod namin.

Lumapad na agad ang ngisi ko nang makilala kung kaninong boses iyon. Sinisiko na ako ng mga tropa ko dahil ako nalang ang nakatalikod at hindi humaharap.

Kaya unti unti na akong humarap suot ang malaking ngiti sa labi na biglang lumubog nang makitang kasama ni Irish si Brandean.

"Congrats, Parrish! You deserve it," Brandean added.

Hilaw ang naging ngiti ko sa kaniya pero matamis ang ngiti na binigay kay Irish. "Thanks,"

"Tara na, Brandean!" aya ni Irish at umalis na sila. Mukhang magdidikit pa sila ng mga papel sa ibang bulletin board na nagkalat sa school. Kanina lang kumakain siya roon ah? Anyare at mukhang pinili nalang na sumama kay Brandean kaysa kumain!

"Ang ganda ng ngiti ni Irish no? Kaso kay Brandean niya lang napapakita 'yan..." my friends murmured behind me like a devils.

"She will give me that beautiful smile of her someday. Di hamak na mas guwapo naman ako kay Brandean!" sambit ko sa mga ito.

"Hindi ah. Pantay lang. Pero alam mo kasi, pre. Dagdag pogi points ni Brandean yung pagiging matalino at ma-prinsipyo niya. Dagdag mo na rin yung mga pananaw niya. Sa panahon kasi ngayon, doon na nahuhulog ang mga babae! Hindi naman sa mataas ang standards nila sadyang matalino at praktikal lang!" Felix being frank and straightforward.

A Way To Your Heart (Street Series #5)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora