1

421 14 2
                                    

SIMULA

"Ms. Mendez, can you solve the first problem on the board?"


Agad akong tumayo at mabilis na kinuha sa teacher ang chalk board. Kanina pa ako nag tataas ng kamay, halos mabali na nga ang braso ko pero hindi parin ako tinatawag. Ngayon namang hindi ako nag tataas ng kamay, saka ako tinawag.


Hindi man lang ako umabot ng 5 minutes sa pagsosolve nung math problem sa board. As usual, bilib na bilib nanaman saakin ang teacher ko. Hindi naman siguro halatang ako yung favorite student nya no? Kahit hindi pa nya kasi nadidiscuss ay alam ko na. Hindi sa sipsip ako o favorite ko ang subject nya, ayoko lang bumagsak.


"Very good, Ms. Mendez! Here's a reward for you!" ngiting-ngiting sabi ni Ms. Tipid akong ngumiti sakanya at nag pasalamat sa chocolate na binigay nya. Halos matunaw naman ako sa sama ng tingin ng mga ibang honor student saakin. Kasalanan ko bang favorite ako ni maam?

"Sana lahat, noh?" inirapan ko si Daniel ng marinig ang sinabi nya paglapit sa upuan ko. Binato ko sakanya yung chocolate na binigay ni maam saakin at agad naman nyang nasalo iyon. "Yan ang gusto ko sayo eh, may mabuti kang puso."


Binatukan ko sya na ikina-aray naman nya. "Inuto mo pa ko. Kaya mo lang naman ako kinakaibigan para may kokopyahan ka."


"Hoy, hindi naman ganon!" nakanguso nya pang sabi habang binubuksan ang chocolate. Napailing nalang ako at umupo sa table ko na katabi ng table nya. Halos mag laway ang kaklase naming nasa harapan nya habang pinapanood sya nitong kainin yung chocolate.


Natawa nalang ako ng mahina at binuksan ang book ko para magbasa. Iisa lang ang bestfriend ko dito sa Mckinley High, at iyon ay walang iba kundi ang siraulong Daniel Oliveros. Mas matanda sya saakin ng isang taon pero kung umasta ay parang bata. May itsura sya kaya malakas rin ang dating nya sa ibang girls dito. Lalo na yung mga junior high. Alam ko ring matalino sya, hindi lang nya ginagamit ang utak nya. Sabi pa nya, sinesave nya daw ang talino nya sa college dahil hindi na daw kami mag kaklase nung panahon iyon.


Paano ko sya nakilala? Valentines day noon. Binigyan nya ako ng flowers saka chocolate tapos hiningi ang number ko. Pero, syempre hindi ko binigay. Dahil makulit sya, lagi nya akong binibisita sa classroom namin noon. Hindi pa kasi kami magkaklase non. Lagi nyang nilalagyan ng chocolate ang lamesa ko. Eh ayoko nga sa chocolate kaya kinausap ko syang tigilan na ang pagbibigay ng chocolate. Yun rin yung araw na nalaman nyang rejected na sya saakin. Pero, hindi parin ako tinantanan ni gaga at sinasabayan pa akong kumain sa canteen. Siguro dahil sa lagi kaming magkasama, naging close na kami.


Napakunot ang noo ko ng mapansing nakatitig sya saakin. Pinapanood nya akong magbasa habang kagat kagat ang chocolate. Tinaasan ko sya ng kilay, "Tutulo na yang laway mo."


Mukhang natauhan naman sya sa sinabi ko kaya napaayos sya ng upo at nag peke pa ng ubo. Natawa nalang ako at inipit sa likod ng tenga ko ang buhok bago nag focus ulit sa libro.


"Naisip ko lang, Natt." napatingin ulit ako sakanya nang magsalita sya. Nakatingin sya sa bintana pero alam kong ako yung kinakausap nya dahil narinig ko ang pangalan ko. "Kung hindi ako, sino kaya yung maswerteng lalaking makakakuha ng puso mo?"


Natahimik ako sa sinabi nya at natulala sakanya. "B-Bat mo naman natanong yan?"

Tumingin sya saakin bago ngumiti at nag kibit balikat. "Sumagi lang sa isipan ko tapos bigla akong nacurious. Para saakin, sobrang swerte nung lalaking mamahalin mo ng buong-buo. Isipin mo, mamahalin ka ng isang Natasha Solanine? Aalagaan ka ng isang Natasha Solanine? Kung ako yung lalaking yon, handa na kong mamatay."


Malay mo, TayoWhere stories live. Discover now