"Ano... uhmm... papasok ka na ba sa classroom?" Tanong ko.

"Yeah. Tsaka diba sa ibang section ka?"

"Hatid na lang kita Logan. Gusto mo?" Tanong ko.

"No, it's okay. Ako na lang maghahatid sayo sa classroom." Sagot niya na ikinalaki ng mata ko.

Oh my gosh!!! Ihahatid ako ni Logan papuntang classroom!!! Sayang nga lang, may manyak na nagnakaw ng first kiss ko!

Pero it's okay! Happy talaga ako pag si Logan ang kaharap ko ngayon.

"So, how's your model searching?" Tanong ni Logan.

"Okay naman. Pero medyo struggle nga lang dahil bilang pa lang ang sumasali dito. Pero there's one girl na I would like to invite sa modeling, due to her looks." Sambit ko.

"Sino?"

"Sakura Montero! Kaso undecided pa siya kaya I will give her time to think about it." Pagkwento ko.

"Okay... pero I can see talaga na you can be one famous model someday."

Shoot! Puso! Kumalma ka! Logan lang yan!

"Oh. We're here na pala." Sambit ko bago dumiretso sa classroom.

"Thank you Logan!!" Sambit ko bago pumasok.

Lexeaus' POV

Pagpasok na pagpasok pa lang ni Flair, hindi ko na mapigilan yung sarili ko na titigan siya.

Eto nanaman ako. Napapatitig na lang sa anghel na napakaganda.

Anong klaseng babae tong si Flair?

"Flair!" Paglapit ng ilan sa mga lalaki kay Flair.

"Ang ganda mo naman po."

"Pwede bang sumali mga lalaki sa modeling niyo?"

"Ibang klase yang ganda mo talaga Flair."

Sus! Wag kayo! Naunahan ko na kayo sa matamis na labi ni Flair! Gusto ko ulit halikan sa totoo lang.

"Lexeaus!" Paglapit saakin ng pinsan ko na si Rhett.

"Ano nanamang trip mo Ferrer?" Tanong ko.

"Ganda ng titig mo kay Falir ah!"

"Sus! Hindi ako hanggang titig no!" Pag asar ko.

"What do you mean?"

"Ang tamis." Sagot ko.

"Huh? What are you talking about?"

"Yung mapula niyang labi. Ang tamis talaga." Sagot ko ulit.

"Wait wait wait! You ate a lip?" Tanong ni Rhett na ikinairap ko.

"Ang slow mo! Nag kiss kami ni Flair!" Bulong ko sakanya.

"Oh damn!! Alright I get it!" Natatawang sambit ni Rhett.

"Kahit kailan! Ang slow mo talagang pagong ka!" Sambit ko bago bumalik sa katititig kay Flair.

"I heard Flair likes Logan. Mukhang mahihirapan ka doon Lexeaus."

"Kaysa naman sa Miss Independent na lagi mong pinag uusapan." Pag asar ko.

"I mean seriously, Flair really likes Logan."

"Ano naman kung gusto niya si Wolverine? Kaysa naman sa Miss Independent na yan na gustong gusto mo." Pag asar ko.

"Gusto kong tulungan, to be corrected." Pagpaliwanag niya.

"Bahala ka sa buhay mo Ferrer!" Sambit ko bago tumingin kay Flair ulit.

Ang ganda niya talaga no?

Gabbi Garcia as Maria Isabel Lopez - Ferrer

Khalil Ramos as Lincoln "Link" Ferrer


Family WarWhere stories live. Discover now