Chapter 10: Fake

Magsimula sa umpisa
                                    

"May girlfriend na ba yun.?" Bigla nitong tanong

"Wala." Tipid kong sagot

"Talaga.? It means may pag-asa ako sa kaniya."

"But.. Fiancee meron." Dugtong kong sabi na ikinalungkot nito

"What.? Fiancee? Sigurado ka.?" Gulat nitong sabi, na tila hindi makapaniwala

"Oo, even Jirro." Sabi ko na mas lalong ikinalungkot nito

"Oh! Wala ka na palang pag-asa sa dalawa, kaya tumigil ka na." Wika ni Derick dito

"Nakakainis naman!"

"Halina kayo, ituturo ko ang inyong kwarto." Sabi ko sabay lakad

Kala mo makukuha mo sila. Pwes hindi, Jirro is only for Min and Jarold is only mine.

Naglalakad kami papuntang kwarto nila, habang naririnig kong nagsasalita si Megan.

Na badtrip yata ang loka.

"Malaki pala ang bahay niyo." Pagsisimula ni Derick

"Ah hindi naman." Sagot ko

"Ito ba yung bahay na kung saan nangyari ang lahat.?" Biglang sabi ni Cedrick na ikinahinto

"Hindi ito. Malayo yun dito." Sagot ko

"Ah ganon ba. Akala ko pa naman ito, base on decorations it has the same." He said

Alam niya.? Saan niya naman kaya nakita ang mga decorations.?

Yes i admit it. Ito ang bahay kung saan nangyari ang lahat Ten years ago. Pero kailangan kong itago yon.

"Nandito na tayo. Megan, yung pinto na may guhit bulaklak sayo yun. Yung may guhit naman na lavender kay Derick yun at yung isang pinto na may guhit na araw, para kay Cedrick. Maaari na kayong magpahinga. Mayamaya lang tatawagin na lamang namin kayo kapag handa na ang dinner." Sabi ko sabay lakad patungong kwarto ko

"Sandali!" Biglang sabi nito (Cedrick)

"Ano yun.?"

"Kanino yung kwarto na katabi ni Derick.?" Tanong nito

"Ah yun ba.? Kay.." Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang magandang dilag

"Siguro naman alam niyo na kung kanino." Saad ko

"Nathalie!" Rinig kong sabi nila

"Oh! Hi guys!. Akala ko umuwi kayo." Aniya

"Ah eh, hindi. Sabi nga namin maganda pala tumira dito." Sagot ni Derick aa kaniya

"Hahaha, mabuti naman kung ganon. Kumain na ba kayo.?"

"Ah hindi pa."

"Mabuti pa sumama kayo sa'kin sa baba, ipagluluto ko kayo ng dinner." Aniya

"Marunong ka magluto.?" Taka nilang tanong

"Syempre ako pa. Kaya halina kayo."

"Okay."

Naglakad na sila habang ako naman papasok na ng kwarto kaya lang.

"Mae! Hindi ka ba sasama sa'min.?" Tanong ni Min sakin

"Kayo na lang muna, susunod ako. May tatapusin lang muna ako sa loob ng kwarto." Sagot ko

"Ah ganon ba. Sige, ipagluluto kita ng paborito mong ulam, kaya sumunod ka huh."

"Oo naman. Sige mauna na kayo." Sabi ko

"Sige.*

Nagsimula na silang maglakad habang ako naman tuluyan ng pumasok sa kwarto.

Hatred And Sorrow Of The Mafia Empresses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon