Chapter 49

9.4K 185 3
                                    

Serene's POV

"Nanay, wheye aye we goin'?" Bahagya akong natawa sa bulol na boses ng aking anak na naka-upo sa back seat. Nanay at tawag nito sa akin at Tatay naman sa aking asawa. Sabi kasi ni Havoc ay ang common ng Daddy at Mommy, maski ang Papa at Mama, kaya naisipan nitong Tatay at Nanay nalang ang itawag sa amin ng mga bata.

Sa mga probinsya naman ay hindi common ang pagtawag ng Tatay at Nanay sa mga magulang, maybe my husband just find it satisfying that's why. Hinayaan ko nalang, hindi nga naman common iyon dito sa syudad.

Tumingin ako sa rearview mirror para makita ang kaniyang ginagawa, she's properly seating on her seat while eating her chocolates and she's wearing her pink P.E. uniform. At the age of 4, she already wants to go to school, ang sabi niya ay gusto na niyang mag-aral para makapag tapos siya ng maaga.

How funny it was because her dad didn't even contess. Konsintidor pa nga!

I smiled when I saw how she ates her chocolates. So messy.

It's been 5 years since the incident happened. Everything is settled now, we are all happy and living our life with our own family--including our friends.

The process was tiring and mind blowing, but as you can see now.. It was all worth it.. The hardships and heartaches.. It is replaced by a beautiful morning, a beautiful life to live with.

"Nanay?" My reverie went back as my daugther speak.

"Pupunta tayo sa Tatay mo, anak" napangiti ako ng bigla ang pagbusangot nito. Hinawi nito ang kaniyang takas na buhok gamit ang isang kamay, samantalang ang isa naman ay hawak ang chocolate na kinakain at patuloy parin sa pagsubo.

"Hmp! No!" Busangot nito tsaka nagyuko. Bumuntong hininga ako at tumingin na sa daan. Alam kong nagtatampo ang batang ito sa kaniyang Ama kasi hindi ko nakasama si Havoc sa pag sundo dito.

May urgent meeting ito sa kompanya kaya hindi ito nakasama. Ipinaliwanag ko na dito ang dahilan pero sadiyang maarte lang ang anak ko at feeling nagtatampo.

"Anak, alam mo namang busy ang Tatay diba? he had an urgent meeting, he works hard for us, right?" Malumanay na tanong ko rito, pero ang batang ito ay nakabusangot parin habang kumakain.

"Brush your teeth when we get back home, okay?" Pang iiba ko sa usapan. Nakita ko namang tumango ito tsaka sumandal sa inuupuan.

"Whey is Lucas, Nanay?" She asked after a while. I smiled, she really loves her brother. Lagi niya itong tinatanong kung nasaan ito, hindi niya nakakalimutan.

"He's with your, Tatay, anak"

"Weally? I thought he had meeting?" Tumayo ito at pumunta sa likod ng aking ulo.

"Yes princess, Nanny Che is on her vacation right now. I can't be with Lucas while featching you that's why Tatay bought Lucas with him" I explained as we parked at the parking lot of the company. Narito na kami.

Lucas is our one-year-old son. Hindi naman talaga namin pinlano ang pagdating niya kasi takot na takot si Havoc na maulit iyong naranasan ko sa pagsisilang ko kay Selene. Na trauma siya! Sabi ko namang huwag na siyang sumama sa loob ng OR pero mapilit talaga. Ayun tuloy ay ayaw na niyang sundan si Selene, parang siya naman ang manganganak!

Pero wala siyang nagawa nang sabihin kong buntis ako kay Lucas, masaya naman siya pero hindi niya parin maitago ang kaniyang pag-aalala para sa akin.

Parang ewan lang ang asawa ko, ginagawa niya sa loob pero ayaw niya akong mabuntis.

Umiling ako sa naisip, tinanggal ko ang aking seat belt 'tsaka lumabas bago pinagbuksan ng pinto iyong cute na cute kong anak.

Kinuha nito ang kaniyang pink na maliit na bag habang inalalayan ko siyang lumabas. Akma ko sana itong bubuhatin pero bumusangot ito.

Tumaas ang kilay ko noong humalukipkip ito sa harap ko.

"Why?"

"Tatay will be angye" inayos nito ang suot na bag tsaka pinilit na bumaba sa kotse. Napailing nalang ako, sinabihan kasi ito ni Havoc na huwag magpapabuhat sa akin si Selene dahil baka raw mapagod ako. Kahit kailan talaga iyong asawa ko.

Binilisan ko ang takbo at hinawakan ang maliit na kamay ni Selene Era habang papasok kami sa loob ng building.

"Hello pow manong Guwad" masayang sabi ng anak ko sa pag bati ng on duty-ng guard.

"Hello ma'am Serene, hello princess" balik na bati nito. Napangiti ako nang bumitaw sa hawak ko ang bata bago lumapit sa guard at nagmano.

The most important thing that Havoc thought to our children was to always respect the elders. Nakakatuwa dahil nakasanayan na iyon ni Selene kahit hindi ini-u-umang iyong mga kamay namin ay mag mamano ang ito 'tsaka hahalik. At ngayon ay si Lucas naman ang sinasanay namin sa bagay na iyon.

Tumango ako sa guard bago sinundan ang anak kong tumakbo sa front desk. Nakipagkulitan pa siya sa mga babaing staff do'n bago kami pumasok sa elevator at tinuntong ang office floor ng asawa ko. Nagbigay pa ito ng chocolates na nasa kaniyang bag.

"Nanay?" Napatingin ako dito nang hinalin nito ang laylayan ng aking dress. Nakatingala ito sa akin at bahagyang nakanguso.

"Yes, princess?" Kumuha ako ng wet tissue sa aking bag bago dumukwang para punasan iyong kalat na chocolate sa gilid ng kaniyang labi at sa pisngi.

"Someone is pesteying me, moye likely coyting me" (Someone is pestering me, more likely courting me) cute na sabi nito habang nakahalukipkip na ngayon.

"Pardon baby?"

"Nanay, I said someone is couyting me at school. He gaves me a lot of chocolates a while ago. The one that I gave the pyetty lady" akma sana akong sasagot sa sinabi nito nang bumukas ang elevator.

Inakay ko ang maliit niyang kamay para lumabas at maglakad papunta sa opisina ng kaniyang Ama.

"Anak, how did you know about courtships? You are just four, you should watch Cocomelon instead"

"Nanay!" Natawa ako sa singhal nito.

"Cocomelon is foy Lucas only, I am a fine lady now" napatampal ako sa noo. Akala mo naman talaga.

"Tell that to your Tatay, he'll hyperventilate for sure" natatawang sabi ko rito habang pinipihit iyong seradora ng pinto ng opisina ni Havoc.

Bagbukas ko ay agad kong nakita ang asawa ko na buhat-buhat ang bunso naming anak habang inihehele ito. Mabilis ang dako ng paningin nito sa aming gawi, ngumiti ito at lumapit sa amin.

"Tatay!"

"Shh.."

Dumukwang si Havoc para gawaran ng halik ang labi ng aming anak. Napailing nalang ako ng pugpugin ni Selene ng halik ang mukha ng Ama. Kanina lang ay parang nagtatampo pa ito, pero ngayon kung makahalik ay wagas.

Pagkatapos ng tagpo ng mag-ama ay tumakbo si Selene sa mahabang sofa sa office ni Havoc at do'n naglaro.

Nakangiting lumapit ako sa aking asawa tsaka hinalikan sa noo ang aming muting anghel na tahimik na natutulog. Kapagkuwa'y naramdaman ko ang pagpihit sa akin ni Havoc papalapit sa kaniya indikasyon na hahalikan ako nito sa labi.

Agad kong sinalubong ang kaniyang labi at tinugon iyon ng marubdob na halik. Napapikit ako sa kakaibang hatid at kiliti niyon sa katawan ko. Kahit lumipas na ang maraming taon ay hindi parin nagbabago ang epekto ni Havoc sa akin.

My Student, My Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now