Chapter 42

10K 162 5
                                    

Pagpakaupo nito sa driver seat ay inayos niya ang seat belt ko, hinalikan ako nito sa noo at hinawakan ang aking isang kamay bago pinaandar ang sasakyan.

"Your friends wanted to see and visit you but I opted to restrain them, you have to rest" tumango ako. He's reffering to Janine and others.

Panaka-naka nitong hinahalikan ang likod ng aking palad habang binabagtas namin ang daan papunta sa aming condo.

Tahimik lang kami, hindi naman nakakabahala ang katahimikan dahil nginingitian ako nito pag tumitingin siya sa gawi ko. Mabilis lang din kaming nakarating. Pinagbuksan niya ako tsaka muling binuhat. Idinantay ko iyong ulo ko sa dibdib niya at pumikit.

Ilang sandali pa ay pumasok na kami sa loob ng condo. Dumiretsyo kami sa loob ng kwarto niya, ibinaba niya ako sa kaniyang kama tsaka siya pumasok sa loob ng walk-in closet niya.

Pumikit ako bago pabagsak na humiga sa malambot na kama. Ninamnam ko ang bango ng buong kwarto, pilit kong pinapalitan ng bagong ala-ala ang nangyari sa kwartong iyon.

Ginagapang ng kilabot ang aking buong pagkatao. "Come here, let's take you a bath" napatingin ako kay Havoc at mabilis na kumapit sa kaniya ng buhatin ako nito.

Pumasok kami sa shower room, nakahanda na doon iyong bath tab. Mabilis na hinubad ni Havoc ang hospital gown at isinama ang aking mga natitirang saplot. Marahil ay binihisan niya ako ng tulog pa lamang ako.

Inalalayan ako nito sa paghakbang sa bath tab. Umupo ako, idinantay ko ang aking ulo sa edge ng bath tab at pumukit. Maligamgam ang tubig kaya nakaka-relax, ang sarap sa pakiramdam.

Nananatiling nakapikit ang aking nga mata at hinayaan ko lang si Havoc na paliguan ako. Hindi ko maiwasang mapaluha, napaka swerte ko sa kaniya.

Marahil pag ibang lalake ang asawa ko ay baka sabihan na akong tatanga-tanga. Baka sisihin pa ako at awayin. But Havoc is different, even he's mad at the fact that someone touched me, still, he's here taking care of me.

Ramdam ko ang pagdampi ng malambot na bagay sa aking pisngi. Napangiti ako, hinahalikan ng aking asawa ang mga luha kong walang patid sa pagtulo.

Ng masaid iyon ay nagpatuloy siya sa pagligo sa akin. Hinayaan ko siyang kuskusin ng sabon ang leeg at dibdib ko. Ramdam ko ang pagkagigil niya. Hindi ko matanto kung dahil ba nahalikan ako ni Liam doon o dahil gustong-gusto pang niya lang talaga doon.

Sinabon nito ang aking mukha, paulit-ulit na hinaplos ang aking labi. Sigurista talaga.

"Hubby.."

"Hmm?"

"Gusto ko ng singkamas at bagoong" nakakapanglaway. Gusto ko kumain nun.

"You have to eat rice first before I give you that" napanguso ako. Hindi talaga mauutakan ang isang 'to.

"Pero gusto ko ngayon na"

"Gabi na Serene, 'wag kang mapilit" hindi ko maiwasang mapaluha.

"Galit ka?" Mahinang tanong ko. Tumungin ito sa akin, seryoso at nananantiya.

Hinaplos nito ang aking pisngi "you're such a cry baby" marahan nito sabi bago ako hinalikan sa labi.

Napapikit ako tsaka napahawak sa kaniyang matitigas na braso. Tinugon ko ang kaniyang halik na may katumbas na pagsuyo gaya ng sa kaniya.

"I love you.." Mahinang bulong nito habang ibinabalot sa akin ang kaniyang roba.

Ngumiti ako at dahan-dahan na hinaplos ang kaniyang pisngi "I love you too Havoc Lance" hinalikan ko siyang muli.

Binuhat niya ako papunta sa vanity mirror na pinasadya niya para sa akin dito sa kwarto niya. Kinuha niya yung blower ko tsaka mabilis na pinatuyo ang aking buhok.

Nakalingkis lang ako sa kaniyang baywang at nakasubsob sa matitigas niyang abs. Ramdam ko pa sa dibdib ko iyong katigasan niya pero binaliwa ko iyon. Ang bango bango niya talaga!

"Come here baby" binuhat niya ako ulit at sabay kaming lumabas sa kwarto niya. Pumunta kami sa kusina at pinaupo niya ako sa island counter.

I'm still wearing his robe, without any clothes underneath! Sabi niya ay para easy access daw. Loko.

Nagsimula na siyang magluto, nagpaluto ako ng gulay. Babawi ako sa baby ko, iinom ako ng maraming gatas at kakain ng masusustansya para maging malusog siya.

Bumaba ako para yakapin sa likuran si Havoc habang nagluluto. He'd done so much for me. He deserves lambing.

Hinalikan ko siya sa leeg habang marahan kong pinapagapang iyong mga kamay ko sa hubad niyang dibdib.

"Wife.."

"Po?"

"Stop teasing me"

"I'm not teasing you baby.." Napangisi ako ng tumigil ito sa pagluluto tsaka humarap sa akin.

"Really? You just said baby, stop teasing me Serene, you won't like it i'm telling you" natawa ako. Nagbanta pa!

"Bilisan mo na asawa ko, nagugutom na kami ni baby" ngumuso ako nang pinaningkitan lang ako nito ng mata.

"Sige na Havoc. Just let me hug you"

"Tsk, fine! But don't touch uneccessary place" grabe naman 'to. Lumalabas parang ako pa 'tong lalaking maniyak sa aming dalawa ah.

Tumawa ako tsaka tumango. Siya naman ay nagpatuloy sa pagluluto, hinalikan ko siya sa leeg at pisngi bago ako nagpabuhat magmuli para makaupo sa island counter at panoorin lang siya sa pagluluto.

"Hindi kana papasok sa Azet. Tomorrow, we will moving in the safest place, I'll asign two bodyguars for you incase I am not around." Napaangat ako ng tingin tsaka napatigil sa pagnguya.

"Come again?"

"We'll move to our new house tomorrow morning baby." sabi nito tsaka nilagyan pa ng  maraming gulag iyong pinggan ko.

"Agad-agad?" Alam ko namang ako lang at ang baby namin ang iniisio niya pero kung nakakulong na pala si Liam. Sino pa ang magtatangka sa amin ng anak niya?

"Yes, wife. It's better to be early that to be late. You don't know where I went trough when I learned that you were with Liam, I nearly got insane, baby. So bare with my protectiveness, I'm doing this for our family, I hope you understand" napaluha ako sa sinabi niya, Family.. He really considered us as his own family.

Inabot ko ang kaniyang pisngi at masuyong hinaplos iyon "okay.. You're the Boss" natatawang sabi ko.

"And you are my Master" nakagat ko ang loob ng aking pisngi para pigilan ang kilig.

"Le-lets eat?" Alanganing tanong ko. Ngayon paba ako mahihiya sa kaniya? Mag-asawa na nga kami't lahat-lahat!

Narinig ko ang mahina niyang pag tawa tsaka ako sinubuan. Natapos ang araw namin sa masayang pagsasalo sa hapag.

Kahit gaano pa kahirap at kasakit ang nangyari kanina. Maswerte parin ako at mayroon akong Havoc Lance na inaalagaan at iniintindi ako. Kasama na ang mood swings ko.

Gumawa ako ng maliliit na bilog sa kaniyang buhad na dibdib. Katatapos lang namin mag magniig. Madaling araw na at gusto pa niyang umisa! Kaya pala pinakain niya ako ng marami kanina at pinaubos iyong isang baso ng gatas dahil may balak pala siyang angkinin ako!

"You are always amazing baby" tumingin ako sa kaniya, hindi ko mapigilang umirap. abot tainga ang ngiti nito. Ang landi!

Humikab ako tsaka sumiksik ng sumiksik sa katawan niya. Nakaunan ako sa braso ni Havoc habang nakayakap ako sa baywang niya.

Hinaplos niya ang aking ulo na siyang nagpadagdag sa antok ko.

"Good mornight baby, sleep tight.." Bulong nito sa tuktok ng ulo ko. Ramdam ko ang pag halik niya doon. Ngumiti lang ako, hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya bilang pagtugon.

Hinayaan ko nalang na hilain ako ng antok. Kinabukasan ay nagising ako ng alas diyes at handa na raw siya sa pag-alis namin. Ipapahakot nalang daw niya iyong mga gamit namin sa mga maid ng bagong bahay na titirhan namin.

Pinagawa raw niya iyon para sa akin kaya excited naman akong makita iyon.

My Student, My Husband (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon