Chapter 24

10.1K 178 19
                                    

"Sige na Havoc shoo! shoo!" pagtataboy ko kay Havoc Lance nang ayaw pa nitong umalis sa loob ng office ko. Walang klase ngayon pero may program, may laban ngayon sila Havoc sa gymnasium at siya nalang marahil ang hinihintay.

"Give me a kiss" napailing ako sa pagiging childish nito. Nakasuot ito ng red jersey at ang number nito ay 7, napakagwapo niyang tignan. Naka tuck pa ang damit nito ay halatado ang nasa pagitan nito.

"Tsk" tumayo ako sa pagkakaupo tsaka lumapit sa kaniya. Tinanggal ko ang pagkaka ipit ng jersey shirts nito sa shorts. Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa.

Hinalikan ko ito sa labi tsaka pinilit na guluhin ang bahagya nitong kulot na buhok.  Paulit-ulit ko iyong ginawa pero ang gwapo niya parin. Kainis! Sigurado akong marami na namang magnanasa rito.

"Sige na, alis na" gusto kong punitin iyong labi niya sa sobrang lawak ng ngiti nito. Alam kasi niyang naiirita ako. Gustong-gusto niya kapag ginugulo ko ang buhok niya dahil lagi kong sinasabi na gwapo parin siya kahit anong gulo ko do'n.

"Sumunod ka. Hindi ko ipapanalo ang laro kapag hindi ka pumunta" hindi ko maiwasang umirap dahil sa sinabi niya. True to his words, magaling talaga ito sa larangan ng basketball.

Tumango nalang ako para umalis na ito. Mabilis pa ako nitong hinalikan 'tsaka tumakbo palabas ng pinto. Hindi ako nag aalalang may makakita sa kaniya kasi wala namang tao, nado'n silang lahat sa malawak na gymnasium ng Azet.

Ito raw ang taon-taong hinihintay ng mga studyante pati narin ng mga guro. Mahigpit na kalaban ng Azet ang Jinza University. Sa larangan ng Basketball, Volleyball, at Football. Kaya sigurado akong magiging maganda ang laro.

Tinapos ko muna lahat ng ichi-check. Inayos ko rin ang lesson plan ko for next week. Pumayag naman si Havoc na kahit sa 4th quarter na ako pumunta sa gymnasium. May serves seats naman sa mga guro kaya walang problema.

Ilang oras pa at natapos na ako sa paper works kaya nagmadali na akong pumunta sa gymnisium para manood. pagpasok ko palang ay naririnig ko na ang hiyawan at sigawan ng mga studyante sa loob.

"Kyaaaahhhh! Xane mylabs!!! You can do it!"

"Jeeeeeeeeeetttt! Hooo!"

"Go! Go! Go! Elijah! YOU'LL  BE ABLE TO TASTE ME IF YOU WIN!"

"Waaaaaayyyyyytttt!!!! Ang galing mo baby!"

"Gooo! Babe LANCE! I LOVE YOU!!!!" tila nagpantig ang tainga ko dahil sa narinig kong iyon. Napatingin ako kay Verron na ang tinis ng boses kasama ni Hannah. Nasa unahan sila kasama ng mga guro at coach ng Tigers.

"SWEETHEART!!! WAYTT GALINGAN MO!! I LOOOVEEE YOOOOOUUU!!!"

"ELIJAH MAHAAAALLLL I-SHOOT MO NAAAAAA!!!!"

"P*TANGNA MO JEEEEEETT!!! PAG 'DI KA NAKA TRHEE POINTS 'DI KA MAKAKA SCORE SAAAAKEEEEEN!!!"

Hinanap ko ang mga pamilyar na boses na iyon nang makita ko sila Janine na nasa parteng taas ng gymnasium. Nangingibabaw ang mga boses nila. May mga kaniya-kaniya itong hawak na banner at nagsisisigaw do'n.

Natatawa akong napailing tsaka lumapit sa kanila. Mas pipiliin ko nalang na do'n pumwesto sa kanila kaysa naman makihalubilo ako dito sa pwesto nila Verron.

Pagkaakyat ko ay agad naman akong nakita ni Emerald hinila ako nito papalapit sa kanila.

"Ba't ang tagal mo?" si Lena na nakatingin sa score ng bawat kupunan.

"4th quarter na, last five minutes. Nawawalan na ng gana si Captain Lance. Pabalik-balik pa ang tingin niya dito sa'min mukhang hinahanap ka." mahabang lintaniya ni Emerald.

My Student, My Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now