Chapter 22

11.3K 214 8
                                    

Rinig ko muli ang mahina nitong tawa tsaka kaunting kaluskos, marahil ay nag suot ito ng damit. Nang masiguro kong lumabas na siya ay mabilis akong tumayo.

Napangiwi pa ako nang maramdaman kong dumausdos sa aking mga hita ang inilabas ni Havoc sa akin. Grabe talaga ang lalaking iyon, may balak ata akong imbaliduhin sa sobrang laki!

Naalala ko tuloy iyong usapan namin nila Janine sa resort. Napailing ako, ano ba 'yan! Kung ano-ano na naiisip ko.

Pumasok ako sa shower room tsaka mabilis na naligo at kumuha ng damit niya sa walk in closet niya at boxer shorts. Napanguso ako, wala manlang akong damit dito sa damitan niya, samantalang sa akin ay sobrang dami na! Lahat ata ng boxer shorts at t-shirts niya ay nasa damitan ko na.

Agad kong isinuot iyong printed white t-shirt niya kasi wala akong bra. Para hindi mahalata, tahimik na manyak pa naman iyon.

At as usual, ang laki na naman nito, hindi ko na ata kailangan ng pang ibaba. Dahil sa sobrang luwang at haba ng damit niya.

Hinayaan ko nalang tsaka lumabas na sa silid niya. Paglabas ko ay nakita ko naman agad si Havoc na nasa hapag na.

Ngumiti ito tsaka tumayo at sinalubong ako ng halik sa labi. Napapansin kong kanina pa ito nakangiti, anong meron?

"Kanina kapa nangingiti" natatawang sabi ko habang pinaghihila niya ko ng upuan.

"I'm happy, shouldn't I be smiling?" tanong nito. Napalabi ako, ang gwapo talaga niya kapag ngumingiti. Natututo narin itong mag pa-cute.

"Okay lang, hubby ko. Walang problema" natatawang sabi ko tsaka  sumubo na ng pagkaing niluto niya.

Napataas ako nang tingin ng tumayo ito tsaka lumapit sa akin.

"What did you say?" hawak nito ang aking magkabilang pisngi.

"Alin?" hirap kong tanong habang nagtataka. Problema nito?

"What did you call me?" seryoso nitong tanong. Bahagya akong ngumuya.

"Ano ba 'yon?" takang tanong ko. Titig na titig ito sa aking mga mata na para bang sinisilip pati kaluluwa ko.

"You called me hubby, didn't you?" napangiti ako. Yun lang naman pala.

"Bakit? Ayaw mo? Edi baby nalang, my baby Havoc chu chu chu" kinurot-kurot ko pa ang kaniyang pisngi nang bila iyong namula.

Ngumiwi ito tsaka nag-iwas ng tingin.

"Babe?, Love?, Darling?, Sweetie Pie?, Sweetheart? O Baby? Alin ang gusto mo?" pang aasar ko. Hindi ko mapigilang matawa nang makita kong namula ang leeg at tainga nito. Humagalpak pa ako ng tawa nang kunwari pa itong umirap sa akin.

"Eherm!" umupo itong muli sa upuan niya kanina, hindi ko parin mapigilang tumawa. Grabe, para namang babae kung kiligin ang lalaking ito.

"Stop it baby" kunwari ay sungit nito.

"HAHAHAHA okay po baby" matatawang sabi ko habang pinupunasan ang aking luha sa kakatawa.

"Serene."

"Okay, okay." tinaas ko ang aking dalawang kamay na para bagang sumusuko. Itinigil ko nalang ang pag tawa para hindi na siya mapikon, baka mamaya ay ako pa ang malintikan dito.

Umiling ako "Hindi naman sila galit sa iyo." sabi ko habang nakangiti, siya naman ay nakataas ang kilay habang nasa daan ang tingin.

Ilang sandali pa ay hinawakan ko na ang braso nito nang hindi parin siya nagsalita. Ngayon ay seryoso na ang mukha nito.

"Hindi nga sila galit sayo, wala lang 'yon. Sorry okay?" napanguso ako nang hindi ito tumingin sa akin.

"Havoc Lance" tawag ko, hindi parin siya tumingin pero nagsalita narin siya.

"We really should buy them presents. Pampalakas.. Yes tama. We should buy presents" naiiling akong tumingin sa daan. Iyon lang pala ang iniisip niya. Naku naman talaga ang lalaking ito.

Tumingin ito sa akin tsaka ngumiti at kumindat. Bigla namang kumabog ng malakas ang aking puso dahil sa ginawa niyang iyon. Itinago ko ang aking mukha sa kaniya para hindi niya makita ang pagkapula ng mga iyon.

Bwiset! Ang lakas ng tama ko sa lalaking ito. Unfair!

Ang kamay nito ay nasa kanang hita ko. Habang ang isang kamay nito ang ginagamit pang hawak sa monibela. Hinayaan ko nalang siya at naglaro candy crush sa selpon niya na natigil din ng mag stop over kami sa isang mall para bumili ng mga damit, laruan at pagkain pang pasalubong. Hinayaan ko lang din siya sa ginagawa niya, siya na ang oumili at nanguha ng lahat, paminsan-minsan ay hinihingi niya ang opinyon ko, tango nalang din ang naisasagot ko.

Ngayon ko lang nakita si Havoc na ganito. Nang makarating kami sa bahay ampunan ay ibinigay niya agad ang mga laruan at damit na mismong pinili niya para sa mga bata. Sila mother naman ay natutuwa dahil sa masigla at tuwa sa mukha ng mga paslit.

Napangiti ako nang lumapit si Havoc karga si Alen, dalawang taong gulang na inabando na ng Ina. Marahang hinahagod ni Havoc ang likod nito habang papalapit sa gawi ko.

'Tulog' basa ko sa buka ng bibig nito. Tumango naman ako tsaka iginiya siya sa loob ng silid ng mga bata. Lahat pala ay tulog na, si Alen lang pala na kanina pa nakadikit sa asawa ko ang hindi pa tulog.

Pero ngayon ay mukhang napagod narin kaya nakatulog na habang nakakarga kay Havoc.

Inihiga nito ang bata sa kama ng dahan-dahan. Tsaka lumabas din kami sa silid ng dahan-dahan para hindi sila magising. Ayaw kasi nila kaming pauwiin lalo na ang kuya Havoc nila na maghapong nakipaglaro sa kanila.

Mabilis kaming nagpaalam kila morher dahil alas nuebe narin ng gabi, doon na kami nag tanghalian at hapunan. Hindi ko mapigilang mapangiti kay Havoc dahil hindi parin nawawala ang ngiti nito sa kaniyang mga labi.

"Thank you" bulong nito nang papasok na kami sa loob ng bahay.

Ako naman ay umiling tsaka tinulungan siyang maghubad ng damit dahil sobrang dungis niya, puno ng alikabok ang suot niyang white t-shirts.

"Ako dapat ang mag thank you. Salamat Havoc. Salamat kasi sinamahan mo ako sa pag dalaw sa orphanage kung saan ang bahay ko. Salamat." nakangiti kong sabi habang marahang hinahaplos ang kaniyang mga pisngi.

"No problem my wife. But this is your home already, the moment you married me. My place is your home, I am your home Serene. Sa akin kana uuwi habang nabubuhay ka. Sa akin lang. Hindi sa bahay ampunan, hindi sa Herera na iyon. Kundi ako, sa akin lang" napangiti ako. Ang ayos ng usapan tapos isasali niya si Liam. Napaka possessive nga naman talaga.

"Opo, dito lang ako uuwi. Sayo lang" sabi ko tsaka yumakap sa matitiga sniyang braso.

"I love you Serene. And I'll do my best so you could stay by my side forever."

My Student, My Husband (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon