Chapter 25

9.9K 177 13
                                    

"Serene" pinunasan ko ang aking luha bago nag-angat ng tingin.

Si Lena iyon na katabi ng nobyo nito.

"Anong nanyari?" mahinang tanong ko. Pinipigil ang luhang para lalabas na naman. Sa pangalawang pagkakataon Serene, magpakatatag ka naman oh.

"Itinulak nalang siya bigla ni Janine kanina" umupo ito sa tabi ko tsaka bahagyang hinagod ang aking likod.

"B-bakit daw?" kahit na parang may kung anong bagay na nagbabara sa lalamunan ko ay hindi ko parin mapigilang magtanong. Kilala ko si Janine, hindi iyon basta-basta makikipag ayaw kung walang dahilan.

Mahinang napabuga ng hangin si Lena. "Hinalikan daw kasi ni Verron si Lance kaya itinulak niya yung hitad" napapikit ako ng mariin. Lagi nalang.

"Dinala ni Captain si Verron sa clinic, sila Janine naman ay pinapunta sa Dean" dagdag pa nito, marahan akong tumango. Bakit, malakas ba ang pagkakatulak ni Janine para mag pa clinic pa ito? O sadyang may laman talaga ang tiyan nito para nasaktan ito ng ganon at para magaalala ng sobra-sobra si Havoc.

Nakita niya naman siguro ako kanina diba? Nakiusap pa siya na humabol ako sa laro nila. Pero bakit nakalimutan naman niya ako? Pero bakit kung yumapos siya kay Verron ay parang hindi ako nakatingin?

"Sige Lena, salamat." linakasan ko ang aking loob para tumayo na. Ayukong magsabi ng kung ano-ano lalo na't nakikinig si Waytt.

"Serene.."

"Ayos lang Lena" pikit akong ngumiti tsaka lumabas na sa gymnisuim. Sa pangalawang pagkakataon ba ay magsisisi ako dahil pumunta pa ako rito? O mas mainam ngang nalaman at nakita ko ang mga ito para tapusin na ang kahibangan ko?

Tulala akong naglakad pabalik sa opisina ko. Hindi mag sink-in sa utak ko yung mga narinig ko kanina.

3 months? 3 months ng buntis si Verron at si Havoc ang Ama?

Hindi malabong mangyari iyon dahil wala pa namang 3 months simula ng magkaayos kami..

Dahil sa naisip ay bigla nalang nagsilabasan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Napatakip ako sa bibig at mahinang umiyak. Tsaka sumubsob sa desk ko. Pumasok sa utak ko lahat ng kasinungalingang pinagsasasabi ni Havoc.

Bakit pa niya ako pinapahirapan ng ganito kung si Verron naman pala ang gusto niya? Wala naman akong ginawang masama sa kanila, hindi naman ako lalaban. Maari ko namang pirmahan ang annulment paper kung hihilingin lang niya.

Bakit kailangan pa niya akong saktan para patunayan ang pagmamahal niya kay Verron.

Mula sa pagkakasubsob ay dahan-dahan kong hinaplos ang aking tiyan at umusal na sana'y wala pa itong laman.

Mas gugustuhin ko nang walang mabuo para hindi mas maging komplikado ang lahat. Para kung iiwan man ako ni Havoc ay tuluyan ng maputol ang ugnayan namin.

At kung sakali mang mayroon.. Ngayon palang ay naawa na ako para sa anak ko. Lalaki siyang walang Ama. Pero hindi ko siya iiwan kung sakali. Ayukong maranasan niya yung sakit ng walang mga magulang.

Yung palaging kinukutya kasi walang Nanay at Tatay. Yung maraming tanong sa isip kung bakit isinilang ka sa mundo gayong wala ka namang mga magulang. Ayukong maranasan niya ang mga naranasan ko. Mahirap.. At masakit.

Pinatahan ko muna ang aking mga luha bago tinawagan si Lena. Sila lang naman ang kaibigan ko, wala na akong malalapitan pang iba.

Hindi ko man aminin pero hinihintay ko si Havoc na pumasok sa opisina ko. Na humingi siya ng tawad at sabihing hindi niya sinasadya ang nangyari kanina. E-deny niyang nabuntis niya si Verron at maniniwala ako. Maniniwala ako.. Kasi mahal ko siya.. Tatanggapin ko kung pabubulaan niya yung sinabi ni Hannah.

Sa kaniya lang ako maniniwal..

Pero sino ba ang niloloko ko? Halos isang oras na akong narito pero wala paring Havoc Lance na sumunod sa akin. Wala paring Havoc Lance na sumusuyo sa akin.

"L-lena?" tawag ko sa kabilang linya ng sagutin niya iyon.

"Ohh my.. Serene! Asan ka? Kanina ka pa namin hinahanap" napangiti ako ng mapait. Nahihimigan ko ang pag-aalala sa boses Lena.

"Nasa office ako, pwede mo ba akong sunduin?" pilit kong kinakalma ang boses ko para hindi na sita lalo pang mag-alala.

"Sure, hintayin mo ako diyan" dahan-dahan akong tumango na para bang nakikita iyon ni Lena tsaka ko pinatay ang tawag. Wala namang klase ngayon lalo na at nanalo ang Azet sa palarong Basketball at Football.

Gusto ko nalang umuwi, but I can't even stand. Wala akong lakas para tumayo at lumabas. Baka makita ko ulit si Havoc na buhat-buhat si Verron. Masakit..

Isa pa ay wala akong sasakyan. Kaya magpapahatid nalang ako kay Lena sa condo.

Walang pang limang minuto nang pumasok si Lena sa loob ng opsina ko. Mababakas ang pag aalala nito sa kaniyang mukha. Agad akong sinunggaban ng yakap ni Lena at marahang hinahagod ang aking likod.

"Are you okay?" nag aalalang tanong nito. Kumalas ako sa yakap tsaka siya nginitiaan at tumango-tango.

"Pwede bang ihatid mo ako sa condo? Gusto ko lang magpahinga" sabi ko na agad naman siyang pumayag.

Sabay kaming lumabas sa Azet at tinuntong ang sasakyan niya. Tahimik lang ako habang nasa byahe kami at mukhang nahalata iyon ni Lena kaya hindi na ito nangulit.

Mabilis akong nagpaalam sa kaniya nang makarating kami sa condo unit ni Havoc.

"Thank you sa pag hatid Lena" pilit ngiti kong sabi sa kaniya.

Lumapit naman ito tsaka masuyong hinaplos ang aking pisngi. "No problem, just take a call when you need us. Kahit saan at kailan darating kami" nakangiti nitong sabi. Lena is so beautiful inside and out.

Ngumiti ako sa kaniya, this time ay iyong malapad na. Yumakap ako at nagpasalamat bago pumasok na sa loob ng building.

Pagkapasok ko sa condo ang parang nakaramdam ako ng pangungulila. Tinignan ko iyong lamesa na hinanda ko kaninang umaga para sa pagkapanalo sana nila Havoc.

Napangiti ako ng mapait nang makita ko sa ref iyong lulutuin niya para sa dinner date namin mamaya dito lang din sa bahay.

Iyong movie na papanoorin dapat namin. Mabilis kong pinunasan ang aking luha bago pumasok sa kwarto at nagbihis.

Siguro naman ay uuwi iyon mamaya. Siguro naman ay sapat na ang ilang oras para magkasama sila ni Verron diba? Siguro naman ay uuwian pa niya ako dahil ako naman ang asawa niya.

Umiling ako at humiga sa malaking sofa kung saan kasya ang dalawang tao. Tinignan ko ang orasan, maga-alas singko na ng hapon.

Naghanda na ako ng pagkain, mamaya nalang ako kakain kapag umuwi na siya. Habang naghihintay ay ipinikit ko muna ang aking mga mata at nagising ako nang may humahalik sa aking labi.

Iminulat ko ang aking nga mata at bumungad sa akin ang nakangiting Havoc na para bang walang ginawang kasalanan.

"Hey.." nakangiti nitong sabi. Tumingin ako sa orasan at nakitang ala-una na pala ng madaling araw.

Yumakap ito sa akin tsaka tumabi ng higa.

"I'm sleepy" bulong nito at sumiksik sa akin. Pinaunan nito ang kaniyang braso sa akin habang ang isa naman ay iniyakap sa aking baywang.

Tumalikod ako ng pagkakahiga para hindi niya makita ang namumuong luha sa aking mga mata.

Ni hindi manlang niya tinanong kung kamusta ako, ni hindi manlang siyang nagpaliwanag.

Ni hindi manlang niya tinanong kung kumain naba ako. Ni hindi manlang siya nag-alala sa'kin. Ni hindi manlang niya naisip na naghihintay ako sa pag-uwi niya.

Naramdaman ko ang pag halik niya sa tuktok ng aking ulo. Tahimik akong lumuha habang pikit ang aking mga mata.

Gano'n na lang iyon? Aakto siya na parang walang nangyare? Mabilis kong pinalis ang aking luha nang humigpit ang yakap nito sa aking baywang.

My Student, My Husband (Under Editing)Where stories live. Discover now